Thirty: Caught
Ang sabi raw nila, kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat makuha lang 'to. Kapag gusto mo, kahit mahirap, titiisin mo ang lahat hanggang sa maging sa'yo rin 'to.
Pero minsan, hindi 'yon ganon lang kadali. Na pag gusto mo, kahit paghirapan mo, mapapasayo. Na pag gusto mo, gagawa ka ng kahit anong paraan para lang makuha 'to.
Who says deciding's easy? It never was. Especially if choices are, either to do what is right or to choose something that will truly make you happy. Deciding has never been easy. It is always a battle of a heart and a mind. A battle of which is right and wrong. A battle between what's the right thing to do and what your heart really wants.
Paano nga ba?
Paano kapag pinili mo 'yong tama pero masasaktan ka rin lang naman sa huli.
Paano kapag pinili mo 'yong tunay na magpapasaya sa'yo pero may masasaktan ka namang ibang tao.
Holding onto Ken was the hardest choice I've ever chosen. Holding onto his words was painful. Kasi alam ko na kaabikat ng desisyon ko, may masasagasaan akong tao.. may mawawasak akong puso.
Iyong iba siguro, mas pipiliin kung ano yung tama. Kahit masakit. Kahit mahirap. Pero meron din namang mga tao na katulad ko. Na mas pipiliin yung bagay kung saan ako sasaya, kahit na sa likod nito, may pusong maaaring mawasak, luhang hindi titigil sa pagbasak.
But is it really wrong? To choose happiness over something that will save someone's heart instead of yours?
If you were to be in my position?
Would you rather save other person's heart while watching yours slowly break into pieces?
“O-Olivia, p-please.. tulungan m-mo a-ako..”
As Amber keeps breaking down just before my own two eyes, so does my heart.
“A-Amber..” I can't.
Bakas ang konting pag asang natitira sa mga mata ni Amber habang nakatitig ito sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama kong tao. Kasi nakakaya kong tumingin ng diretso sa mata ng taong ako mismo ang patalikod na nanakit at tumraydor.
“Olivia, please..”, pagmamakaawa ulit ni Amber. “D-Desperada n-na talaga ako.. I-I'm already t-this desperate to find who that w-woman i-is..”, puno ng determinasyon ang mga mata ni Amber.
She's really that determined to hunt the woman down. To hunt me down.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Amber sa kanyang gilid. Mabilis niya 'yong binalingan. Nakita kong bahagyang namilog ang kanyang mga mata nang bumagsak ang ito sa screen ng kanyang cellphone. Tumikhim muna siya bago niya tuluyang sinagot ang tawag sa harap ko.
“H-Hello, 'Dy?”, aniya sa kabilang linya tapos ay bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo. “Uhm, yeah. Dumaan ako don kanina to check Mom. W-What?” Nanginginig ang mga labi ni Amber nang saglit niya akong balingan. She looks like in trouble.
“O-Okay. P-Papunta na a-ako dyan. B-Bye..”, balisa akong binalingan ulit ni Amber. Hindi maipinta ang kanyang mukha. “O-Olivia..”, aniya habang mabilisang inaayos ang sarili. “I need to go now. Isinugod si Mommy sa ospital. Kailangan ko siyang puntahan.”
Wala naman akong kinalaman sa nangyari sa Mommy niya, pero mas nagpadagdag lang ito sa guilt ko. Her engagement went in chaos. Her Mom's probably in bad condition right now. If I were to be in her position, baka mas mabaliw lang ako thinking sunod sunod ang mga pumapasok na problema. I just hope her Mom's just okay. Seeing Amber being in this bad state's just making me feel bad even more.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...