Sixteen: I Can’t
I was so busy the whole day. And by means of busy, ibig sabihin non ay buong araw lang akong nakatunganga sa laptop ko dahil sa trabaho na ipina-finalized sa akin ng team ko sa Barcelona.
Medyo marami kasi kaming clients ngayon doon kaya halos hindi na masyadong naaasikaso ng team ko ang ibang details ng weddings na hina-handle nila.
Kaya heto at kahit andito ako sa Pilipinas ay to the rescue ako kahit through e-mail lang. Tuloy, sobrang sakit ng likod ko ngayon dahil magdamag lang akong nakaupo habang nakatunganga sa aking laptop.
“You look pretty exhausted, Tin. Problem?”, puna sa akin ni Kuya Duke na sinang-ayunan din naman ni Dad.
“Oo nga hija, trabaho ba?”
Bahagya akong tumango bilang sagot, “Marami po kasing kailangang asikasuhin don sa Barcelona kaya tumulong na ako kahit through e-mail lang.”
“Don’t over-stress yourself, Tin. Hindi mo pa nga kasal, stressed na stressed ka na. Paano pa kaya kapag ikaw na mismo ang ikinasal?”, biro ni Kuya Genesis.
Ngumuso lang ako. Wala pa naman sa plano ko ang ikasal, ah. Twenty-five pa lang naman ako. Hindi pa ako ready na magsettle down.
Pagkatapos naming magdinner ay agad akong pinaakyat ng tatlo kong Kuya sa aking kwarto. Kailangan ko na raw kasing magpahinga dahil mukha na raw akong isang pitik, tumba agad. Grabe, stressed lang naman ako. Wala naman akong malubhang sakit.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong dumiresto ng banyo para maghalf-bath kahit saglit lang. Feeling ko kasi kahit magdamag lang akong nakaupo kanina, sobrang lagkit ko pa rin dahil sa sarili kong pawis.
Eksaktong paglabas ko ng banyo ay biglang tumunog iyong phone ko sa ibabaw ng aking kama kaya nagmamadali ko itong kinuha at tinignan.
Ilang beses pa akong kumurap-kurap para masiguradong tama nga ang nababasa ko sa screen ng aking cellphone.
Mr. Anderson calling...
Alanganin kong sinagot ang tawag niya.
“Alonzo.”
Bigla kong nahigit ang aking paghinga nang marinig ko ang boses niya.
“Uhm—uh, Mr. Anderson. I didn’t expect this c-call from you, uhm.. anyway, do you n-need anything?”
Kalma ka nga, Valentine! Si Ken lang naman yan, lihim kong saway sa aking sarili.
“I’d like to see you now. Is it okay with you?”
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Bakit niya naman ako gustong makita? Feeling ko tuloy ay parang may malaking batong biglang pumasok sa tiyan ko. It feels weird.
“I see that maybe you’re kinda busy—”
“No!”, bigla kong putol sa kanya. “I mean..” Valentine, ah! Umayos ka! Mukha kang tanga! “No. I—uh, I’m not busy as of the moment”, mas kalmado ko nang tugon sa kanya.
Kakaligo ko lang pero heto at pinagpapawisan na naman ako.
“Okay, then. Let’s meet somewhere..”
Iyon lang ang huling narinig ko sa kanya bago naputol ang tawag. Agad din naman akong nakareceive ng text galing sa kanya.
Aeolus Park. I’m already on my way there.
Pagkabasa ko non ay nagmadali agad akong magbihis ng damit. Kung ano nang nahablot ko galing sa dresser ko ay iyon na lang din ang isinuot ko, pagkatapos ay nagmamadali agad akong lumabas ng bahay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/107331448-288-k371938.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...