What Took You So Long?

400 10 0
                                    

Thirteen: What Took You So Long?

It’s Sunday, and Sunday means family day. Maaga pa akong gumising dahil magsisimba kami ngayon nina Dad at ng tatlo kong Kuya. Isang simple kulay royal blue na dress lang na hanggang tuhod ko ang pinili kong suotin. Inilugay ko lang din ang mahaba kong buhok.

Iyong kulay pulang everest ni Kuya Duke ang ginamit naming sasakyan papuntang Triumph of the Holy Cross. Saktong pagdating namin ng simbahan ay pasimula na rin ang misa. We sat at the mid phew and peacefully listened to the homily. Halos isa’t kalahating oras din ang naging misa bago ito tuluyang natapos.

Kumain lang kami saglit sa labas at umuwi rin agad. Napag-usapan ng tatlo kong Kuya na maglaro ng Wii nang agad kaming makarating ng bahay samantalang si Dad naman ay dumiretso sa kanyang kwarto para magpahinga muna. Umakyat na lang din ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

At dahil wala rin naman akong mahagilap na gawin ay tumunganga na lang ako sa laptop ko para magbasa ng e-mails. I just also want to check my team on Spain kung kamusta na ba sila.

I was in the middle of reading some e-mails when my phone beeped. Agad ko iyong dinampot sa gilid ko at binasa ang mensaheng aking natanggap.

From: Sierra Keith

Tin! Night out later! Ano, game? ;)

Mabilis naman agad akong tumipa ng ire-reply ko sa kanya.

To: Sierra Keith

Okay. Game.

Ibinalik ko ulit ang atensiyon ko sa aking laptop matapos akong makapagreply sa kanya.

Hati ang atensiyon ko sa buong magdamag. Sa laptop ko at sa cellphone ko. Tinanong ko kasi si Keith kung bakit siya biglang nag-ayang mag night out. Sabi niya raw may nag-imbita lang sa kanyang kaibigan. Then she remembered me and invited me too. Ni-text niya rin ako ng venue ng bar na pagkikitaan namin at kung anong oras kami magkikita don.

Afternoon came, exactly five p.m. ay nagsimula na akong maghanda ng aking sarili. Ang usapan namin ni Keith ay alas siyete kami magkikita. Sa tagal kong maghanda ng aking sarili tuwing may lakad ako ay baka kulang pa nga ang dalawang oras na paghahanda para sa akin. Mabilis akong naligo at naghanap ng damit na maisusuot.

Isang itim na lacy dress na kita ang aking likod ang napili kong suotin. Itim na pumps lang din ang inipares ko dito. I blow dried my hair for almost half an hour then applied myself just a light make up. Halos alas sais y media na nang matapos akong mag-ayos ng sarili.

“Tin! Asan ka na?”, bungad sa akin ni Keith sa kabilang linya habang patakbo akong bumaba ng hagdan.

Napatingala naman sa akin ang tatlo kong Kuya na kunot ang noo. Malamang nagtataka siguro kung saan na naman ang punta ko.

“Eto na, paalis na. Kalma ka nga!”

“Just checking you. O, siya sige na. Kakarating ko lang din naman dito. Just look for me around the corner, okay? Drive safely!”

Natapos ang tawag at eksaktong tuluyan na rin akong nakababa ng hagdan. Dumiretso ako sa sala kung nasaan ang tatlo kong Kuya.

“Uhm, Keith invited me to a party..”, paalam ko sa kanilang tatlo.

Agad din naman nila akong pinayagan pero pinabaunan ako ng sandamakmak na habilin.

Don’t drink too much. Don’t talk to strangers. Ignore din daw ang mga malalanding lalaki na lalapit sakin! Grabe lang!

I immediately drove my way to Republiq dahil abala na sa pagpa-flood texts sakin si Keith, asking me kung asan na raw ako. Sa dami ng nakapark na sasakyan sa labas ng Republiq ay maswerte pa rin ako at nakapaganap ako ng mapagpa-parkan ko ng kotse ko.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon