Fourteen: Patay
“W-what?”, nauutal kong tanong sa kanya.
Halos pinagtitinginan na kami ng mga taong napapadaan. Baka iniisip nilang may balak kaming gumawa ng milagro ni Ken! Dahil don ay wala sa sariling naitulak ko siya. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis ang pintig ng puso ko. Parang mayroong nagkakarera sa loob!
Hindi pa man ako gaanong nakakalayo mula sa banyo ay naramdaman ko nang may kamay na humatak sa akin pabalik.
“Alonzo! We’re still fucking talking!”, rinig kong sigaw niya sa gitna ng nakakabinging party music.
Nilingon ko siya at inirapan. “Ano ba, Aiken. Bitawan mo nga ako!”, reklamo ko sa kanya.
“No. We’re not yet done talking, woman”, matalim niya akong tinitigan.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may bumangga sa akin dahilan para masubsob ako sa matigas at matipunong dibdib ni Ken.
“Shit! Watch where you’re walking, man!”, sigaw ni Ken don yata sa bumangga sa akin.
Ramdam ko ang bawat malalalim na paghinga ni Ken dahil halos nakadikit na ako sa kanyang katawan.
“Hey, Valentine. You okay?”, I heard him asked.
Tiningala ko siya at nagtama ang aming mga mata.
Those pair of hazelnut eyes. I missed looking into those eyes. Ilang taon na ang lumipas pero bakit may ganitong epekto pa rin si Ken sa akin?
Sa sobrang pagkalasing ko yata ay nagawa ko na lang na ipikit ang aking mga mata. Umiikot na naman ang mundo sa paningin ko!
“Tsk! Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya”, I heard him mumbled. Tapos bigla ko na lang naramdamang binuhat niya ako.
Hoy, Valentine! Gumising ka naman! Hindi ka na nahiya sa walang hiyang ex mo!
Gusto ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko na magawa. Hilong-hilo na ako sa dami ng ininom ko na pakiramdam ko ay umiikot talaga ang mundo!
Naamoy ko ang lalaking-lalaki na pabango ni Ken at hindi ko alam kung bakit mas isiniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya. I heard him cuss multiple times and I’ve also felt his muscles flex.
“Fuck, Valentine.”
What? What am I doing? Masama ba siyang amuyin? Tsk. Inaamoy lang, e.
Ramdam ko ang struggle niya sa pagbubuhat sa akin kaya nakaramdam ako ng konteng hiya. Mabigat ba ako?
“Ang lakas-lakas mo pa rin sigurong kumain, no? Tsk. You’re so heavy.”
Aba’t! Kung hindi lang talaga ako lasing baka nasapak ko na ‘tong Aiken na ‘to! Laitin ba naman ang timbang ko! What the hell!
Nakaakyat na siguro kami pabalik sa table namin dahil bigla kong narinig ang malakas na boses ni Keith.
“Oh my God! What happened to her?!”
Ang O.A. talaga nitong bestfriend ko.
“Probably drunk. Where’s her bag? I’ll just take her home.”
Oh my God! Iuuwi niya ako! Malalaman ng tatlo kong Kuya na nagkita kami!
Wake up, Valentine! Pinilit kong idilat ang aking mga mata.
“Ken..”, halos pabulong lang ‘yon pero mabuti at narinig niya kaya dinungaw niya ako. “Don’t”, the only thing I am capable of saying.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...
