Thirty Nine: Familiarity of Feelings
"Do I have to beg para lang umuwi ka rito? O gusto mo pumunta pa ako dyang Barcelona para kaladkarin ka pauwi?", Keith asked obviously being annoyed already.
Halos kalahating oras na kaming magkausap sa Skype at pinipilit niya akong umuwi na muna para sa Grand Alumni na gaganapin sa dati naming University.
"Keith, my presence is not needed there. Can't I just skip the Alumni?", tugon ko sabay dungaw sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng aking desk.
I sighed. A lot of paper works again.
Nakita kong saglit siyang may ini-dial sa kanyang cellphone. We're doing videocall using her desktop—by the way.
"Yes, hello? Katelyn! Yes, this is Keith...", bahagyang tumawa si Keith sabay sulyap sa akin.
Nagkibit balikat ako. Maybe the Katelyn's one of her new friends? I don't know. Ngayon ko lang siya narinig na binanggit ang pangalan na iyon. Inabala ko na lang ang aking sarili sa mga nagkalat na mga papeles sa aking lamesa.
"I'm doing great! Yes. Ah, oo about this call. Yup, can you book me a flight? Yes..."
Automatic akong napahinto sa aking ginagawa nang marinig ko iyon mula kay Keith. What the?
"Going to Spain?", she said throwing me a mocking glance.
Literal na nalaglag ang panga ko sa kanya. Oh my god, Mondragon! Are you kidding me?
What the fuck, Keith? I mouthed trying not to interrupt her third party call.
"Can I call you back within five minutes? Oh, thanks! Okay! Bye!"
At sa tuluyang pagkaputol ng tawag ay agad na tumawa si Keith.
"Damn, Olivia! Your reaction's so funny! I should've taken a photo of you literally dropping your jaw!", halos hindi na siya makahinga katatatawa.
What the heck? Sinong hindi malalaglag ang panga sa ginawa niya?! She's damn crazy!
Halos hindi pa rin ako makapagsalita sa nangyari habang siya naman halos hindi pa rin matigil katatawa. Jesus Christ!
"You are... crazy!", matalim ko siyang tinitigan.
"So, ano?", she mockingly smiled. "Uuwi ka? O iuuwi kita?"
Oh my god. Do I have a choice?
Pairap akong tumango at kasabay ulit non ay ang malakas na tawa ni Keith.
A couple of days pagkatapos akong napapayag ni Keith na umuwi ng Pinas ay nakapag impake na ako ng gamit. In next few hours, I will be home again. And honestly, I don't know what to feel just by simply thinking na posibleng magkita ulit kami ni Ken. It just don't feel right. Not at all.
Ah, bahala na. I murmured before I finally fell asleep.
Kinabukasan non ay maaga pa akong pumunta ng airport para sa aking flight pauwi.
Keith's chatting me nonstop. As if naman i-indyanin ko siya! Isip-isip ko matapos kong mabasa ang huli niyang chat.
Will be the one to pick you up at the Airport. Pag ikaw hindi sumulpot, susugurin talaga kita agad diyan sa Barcelona.
![](https://img.wattpad.com/cover/107331448-288-k371938.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomantizmAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...