Twenty Eight: Save Me
Ilang araw na ang nakalipas mag mula nung umuwi kami galing sa two days trip ng barkada. Balik na ulit sa normal ang lahat. Si Keith ay naging abala ulit sa kanyang shop. Si Marcus naman ay sa susunod na araw na ang klase sa isang Med School na napili niya. Narinig ko naman kay Sky na nagsisimula na siyang mag training naman siya sa sarili nilang kompanya dito lang sa bansa. Akala ko nga ay babalik ulit siya ng China. Si Terrence naman daw ay umuwi na muna sa kanilang probinsya kasama ang asawa niya para bisitahin ang kanyang parents. While Gab and Kurt on the other hand are still undecided if they will finally work in their own family's company.
Today is Tuesday. Just one of my ordinary days again. Nakatunganga lang ako sa aking laptop. Ang dami kong e-mails na natanggap mula sa team ko sa Barcelona. Mostly were because they're trying to ask for my suggestion in regards to the wedding that they're working onto. Blanko ang utak ko kaya hindi ko pa magagawang mag reply sa mga e-mails nila. Napag pasyahan kong bumaba na lang at maghanap ng makakain. Yeah, sort of stress eating? Ah, I don't know. Hindi naman talaga ako stress. I just want to eat (kahit kakatapos lang naming mag lunch). That's all.
"Umalis ka na, Dominic. Bago ka pa makita ng anak ko, umalis ka na", mariin na boses ni Dad ang narinig ko habang pababa na ako ng hagdan. Curiousity started to grow inside me. Who is he talking to?
Nasa dulo na ako ng hagdan nang tuluyan ko nang makita si Dad at ang kausap niya, kapwa nakaupo sa couch ng aming sala. Si Dad ay nakaharap sa gawi ko habang nakatalikod naman sa akin ang kausap niya.
"Dad?", istorbo ko sa masinsinan nilang usapan.
Agad akong nilingon ng kausap ni Dad. Muntik na akong mapaatras nang magtama ang aming mga mata. Rumehistro agad sa utak ko ang isang pamilyar na mukha habang tinititigan ko ang lalaking halos kasing edad lang ni Daddy.
"V-Valentine..", Dad's voice trailed off. Maagap siyang tumayo para lapitan ako. Samantalang nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa kausap niya.
Nakita kong tumayo rin ang kausap ni Dad mula sa kinauupuan niya para sana lumapit sa akin pero maagap siyang nilingon ni Dad at pinigilan.
"Don't you dare talk to my daughter, Dominic! I already told you to leave!"
Halos mapatalon ako sa biglang pagtaas ng boses ni Dad. He's obviously fuming mad! Eto ang pinaka unang beses na nakita ko siyang galit na galit. At hindi ko alam bakit!
The man's face soften as he immediately stopped on his track.
"D-Dad, w-what's going o-on?", nanginginig ang boses ko. I don't even know what's going on!
"I'm Mr. Anderson, hija."
"Dominic!"
Mas lalong dumagundong ang boses ni Dad. Mas lalong nagulo ang isip ko. He's an Anderson..
"D-Daddy ka n-ni.. Ken?", pagkumpirma ko.
"I am", maagap niyang sagot.
Marahas akong nilingon ni Dad saka niya ako itinago sa kanyang likod.
"Wala na tayong dapat pang pag usapan, Dominic! Umalis ka na!"
"D-Dad? W-What's g-going on?", hindi ko alam kung bakit ako biglang naiyak.
"But I still have to ask for your daughter's forgiveness, Edward..", giit ng Daddy ni Ken sa isang malumanay na boses.
Forgiveness? From me? Damn! Ano ba talaga ang nangyayari?! Bakit kailangang humingi ng kapatawaran ang Daddy ni Ken sa akin? Ni ngayon ko nga lang siya nakilala ng personal! At sa ganitong paraan pa?
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomansaAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...