From Afar

281 12 0
                                        

Thirty Five: From Afar

Binalot kami ni Marcus ng nakakabinging katahimikan. My heart is racing so fast. Ni hindi ko nga kayang salubungin ang mga tingin niya. How? Paano? Kelan pa niya alam? Matagal na ba? Nakakahalata na ba siya dati pa? Damn!

“Ken told me everything”, he said breaking the awkward silence.

But, wait. Sinabi sa kanya ni Ken? All this time I thought we’re keeping it as a secret!

“Matagal ko nang alam, Tin. Dati pa...”, malungkot na ngumiti si Marcus sa akin.

I suddenly feel guilty. Dapat ako iyong nagsabi sa kanya, hindi si Ken. I’m his bestfriend. Dapat ay mas nauna niyang nalaman sa akin.

“King...”, my voice trailed off. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at bahagyang yumuko. “I-I’m sorry...”

Nahihiya ako kay Marcus. He must have thought that I’m stupid enough to let myself get into this kind of situation. Na pumayag akong maging ibang babae ng ex boyfriend ko.

“Hey...”, bigla niyang inabot at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa dahilan para mag angat ulit ako ng tingin sa kanya. “Hindi ako galit sayo kung iyon ang iniisip mo. I just want you to know that whatever struggle you are facing right now, I'm just here... You always have me, Queen.”

“Marcus...”, mahina kong sambit bago ako tuluyang naiyak dahil sa mga sinabi niya.

What have I done in my past life to deserve someone as genuine as him?

Mabilis siyang tumayo sa kanyang kinauupuan para lumapit sa akin at aluin ako. Lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.

“Hey, Queen... Damn, why are you suddenly crying?”, nag aalala niyang tanong sa akin. Marahan niyang hinagod ang likod ko.

Mabilis kong pinalis ang aking mga luha bago ako nag angat ng tingin kay Marcus na ngayon ay nasa tabi ko na, alalang alala ang mukha. “Akala ko magagalit ka sakin...”

He cupped my face and weakly shook his head. “Why would I? I just wished Ken told me earlier.”

Kumunot ang noo ko. “B-Bakit? Kelan ba niya sinabi sayo?” Now that he mentioned it. I wonder how early did Ken told Marcus about us.

Bumalik ulit siya sa kanyang kinauupuan pero hindi niya binitawan ang kamay ko. “Few days after our short trip.”

“At first, I got mad. Sinabi niya sa akin na kung hindi dahil sa kanya, wala ka sa ganitong sitwasyon ngayon. That he took advantage of the fact that you still love him. But when I remembered the glow in your eyes, bago ko pa nalaman ang lahat ng ‘to, I just realized that he still makes you happy after all. Na wala akong karapatang magalit sayo dahil nakikita kong masaya ka... dahil sa kanya.”

I bit my lower lip. “Marcus... wala na kami. I mean, itinigil ko na yung sa aming dalawa”, I forced a weak smile.

Kumunot ang noo ni Marcus sa sinabi ko. Alam kong bahagya siyang naguluhan doon.

“Naisip ko lang... bago pa man ako bumalik ulit dito ay dapat ikakasal naman na sila talaga. Not until I joined the picture again. Where I'm not supposed to be on. Sa madaling salita, kung hindi naman ako bumalik, hindi sana nagkaganito. Sana hindi nasira ang engagement nilang dalawa...” Naiiyak na naman ako.

Fuck, nagkukuwento lang naman ako pero bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkamiss sa kanya.

Marcus spent his free time just listening to me. Wala siyang sinabi na kung ano. Tahimik lang siyang nakinig sa kuwento ko and I am thankful with that. Kahit papano ay naibsan din sa wakas ang bigat ng nararamdaman ko. I have kept this pain quite long knowing that I cannot open this up to anyone. Pero ngayong alam ko nang alam din pala ni Marcus, I don’t feel alone anymore. That finally I have someone to hear me out. Kasi kapag wala, baka anumang oras, sumabog na ako sa sakit. It has been awhile.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon