Twenty: The Trip
Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay Keith iyong tungkol sa pinag-usapan namin nina Sky at Terrence noong nakaraang araw, kaya naman ay kahit alam kong medyo nagiging busy na si Marcus ay sinubukan kong ayain siyang lumabas.
"I'm really sorry, King. I know you're already kinda busy these past few days. Pero kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin..", paliwanag ko sa kanya habang papasok kami sa isang resto malapit lang sa Med School na pag-e-enrollan niya. He was processing his papers as of the moment kasi kanina nung tumawag ako sa kanya.
"It's okay, Queen. Anything for you..", nakangiti niyang saad.
Buti na lang at wala pang masyadong costumers sa loob ng resto kaya makakapag-usap kami ng mabuti. We ordered our foods first bago ako nagpatuloy sa aking sinasabi.
"So what is it we're about to talk about? Hmm?", he asked after we finish ordering.
Kaya nagsimula na akong magkuwento sa kanya simula noong party ni Sky kung saan nakita ni Keith don si Terrence hanggang sa nung nag-usap na kami tungkol sa get away.
"That jerk, umuwi na pala di man lang nagpakita..", iiling-iling na komento ni Marcus pagkatapos naming magkuwento.
The foods we ordered were finally delivered. Nagpatuloy pa rin ang pag-uusap namin ni Marcus habang kumakain kami.
"Hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin o aayain si Keith tungkol sa get away. I mean, she's kinda busy right now.. baka hindi siya sumama", I continued.
"Do you have plans of telling her na kasama natin si Terrence?", Marcus interrupted and I shook my head.
"Then surely she won't refuse. Sasama yan, si Keith pa ba?", natatawang saad ni Marcus.
"Sure? Baka kasi talaga hindi..", nakanguso kong paninigurado. Baka kasi hindi ko mapasama si Keith.
Bigla akong kinurot ni Marcus sa pisngi kaya mas lalo akong napanguso. This hobby he got. Hanggang ngayon talaga dala niya pa rin.
Tinawanan niya lang ako. "Don't worry about Keith, she'll come with us. Take it easy, Queen. Everything will be fine, okay?"
I sighed then slowly nodded. Sana nga.
Kinabukasan ay pinuntahan ko si Keith sa shop niya para kausapin siya tungkol sa get away.
"Of course, sasama ako! Baliw 'to, bakit hindi? Tsaka teka, tayong tatlo lang ba talaga ni Marcus ang mag-a-out of town? Won't you invite Sky?", tanong niya sa akin habang nakatutok siya sa kanyang laptop.
Ang pagkakasabi ko kasi sa kanya ay kaming tatlo lang ni Marcus ang aalis. Alangan naman kasing sabihin kong sasama din si Terrence. Tsaka yung about naman kina Gab at Kurt, siyempre surprise na yon.
"Uhm..", napakamot ako ng ulo. "Sige, aayain ko si Sky", I said.
Napangisi si Keith tsaka niya ako tuluyang binalingan. "Yeah, yeah, invite him! Para masaya, diba?", saad ni Keith na halatang nae-excite na.
Sheez, if Marcus is just here, sasabihin talaga non sakin "I told you so" because he was really right! Gusto ko na talagang puriin minsan 'yang instincts ni Marcus. Tumatama kasi talaga, e.
So I went home feeling relieved. Problem solved na rin sa wakas. Ang tanging po-problemahin ko na lang ay ang schedule ko naman. I was hesitant if I'd call Amber or not. After all ng pinag-usapan namin ni Ken-ng fianceé niya-hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin. Pakiramdam ko ay babagabagin at babagabagin talaga ako konsensiya ko kapag kaharap ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/107331448-288-k371938.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...