Reality Slap

413 11 1
                                    

Seventeen: Reality Slap

“Anong oras ka ba susunduin ni Sky?”, tanong sa akin ni Keith habang busy siya sa pagta-type ng kung anu-ano sa laptop niya.

Andito kasi ako ngayon sa shop niya, binibisita siya. Ilang araw na rin kasi akong nasa bahay lang, tapos wala rin naman akong ginagawa kaya naisipan kong bisitahin na lang ‘tong bestfriend ko na ni-career na talaga ang pagiging isang business woman.

“On the way na raw siya”, naka-pangalumbaba kong sagot kay Keith.

Bigla naman siyang napahinto sa ginagawa niya para lang tapunan ako ng tingin. Pinaningkitan niya ako ng mata sa hindi ko malamang dahilan. “Iyan bang pinsan ng magaling mong ex ay nililigawan ka?”

Hindi ko alam pero bigla akong napahagalpak ng tawa. Tinaasan lang ako ng kilay ni Keith na para bang nagmumukha akong tanga dahil wala namang nakakatawa sa tanong niya.

“Are you seriously asking me that question, Sierra Keith?”, pabalik kong tanong sa kanya nang tuluyan na akong makaget over sa tanong niya. “Of course not! Ba’t naman ako liligawan non? Ang mga katulad ko, hindi non type, no?”

Talaga naman. Kahit kasi hindi ko pa nakikitang nakikipagdate si Sky sa ibang babae, alam na alam ko naman ang taste ng mokong na yon. He prefers sexy, yung pangmodel ang datingan. Classy, mga ganon. Matinong kausap. Things that aren’t exactly I am. Hindi naman kasi talaga ako matinong kausap. Ika nga ni Keith, siraulo daw ako. Baliw.

“Alam mo? You’re kinda dense. Hay, ewan ko sa‘yo”, kibit balikat na sabi ni Keith bago siya bumalik sa kanyang ginagawa.

Magsasalita pa sana ako nang bigla namang mag-ring ang phone ko. Si Sky.

“Hey”, bungad niya sa akin nang sinagot ko rin ang tawag niya. “I’m already here.”

Saglit ko namang tinapunan ng tingin si Keith at mukhang naramdaman naman niya iyon. Sumenyas ako sa kanyang nasa labas na si Sky. She mouthed ‘layas na’ with matching taboy-taboy pa sa akin. Kaya tumayo na ako mula sa mini couch niya atsaka ko dinampot ang aking bag sa gilid.

“Uhm, okay. Lalabas na ako.”

“Okay.”

Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla siyang magsalita ulit.

“Uhm, and by the way, Valentine. Please be quick.”

Bigla namang kumunot ang noo ko, “Bakit? May problema ba?” Sumenyas ulit ako kay Keith na aalis na ako bago ako tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Nakasalubong ko ang dalawa sa mga staffs ni Keith na tumitili.

“Grabe! Ang gwapo niya. Sino kaya yung inaabangan niya sa labas? Baka si Maam Keith?”

“Just please be quick, okay? I’ll be just right here outside”, rinig kong sabi ni Sky sa kabilang linya bago tuluyang naputol ang tawag.

Nagkibit balikat na lang ako atsaka ko ulit ibinalik sa bag ko ang aking cellphone. Palabas na ako nang mapansin kong halos nakatingin sa labas ng shop iyong mga babaeng customers na nasa kanya-kanya nilang table at ang iba ay nakapila naman sa counter.

Out of curiousity ay napatingin din ako sa direksyon kung saan sila nakatingin. Muntik na akong humagalpak ng tawa nang maaninag ko sa labas si Sky na nakasandal sa hood ng kotse niya at nakanguso habang naghihintay sa akin.

Nagmadali akong lumabas at agad na bumungad sa akin ang nakabusangot niyang mukha.

“You know how I hate attention, Valentine”, pasuplado niyang bungad sakin at saglit na sumulyap sa mga babaeng customers sa loob ng shop ni Keith.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon