Familiarity of Feelings (Part 2)
The party starts at 7 in the evening. We should be there by 6:30 atleast as of Keith. Alas sais pa lang ay tapos na kaming ayusan ng make up artist na kinuha niya.
"Ang ganda mong babae!", komento ni Alex, isa sa mga umayos ng aking buhok.
Tipid akong ngumiti, "Salamat."
My hair is neatly fixed in a high ponytail habang ang kay Keith naman ay kinulot ang dulo. Since my hair's in a ponytail, halos expose ang maputi kong balikat saka ang manipis kong braso. Plano ko mang umuwi nang maaga mamaya, I must admit, my get up for tonight might stop me from going home early. Sayang naman kapag iuuwi ko lang ng maaga ang pinaghirapang gawin ng mga make up artists.
Ugh. Alam talaga ni Keith kung paano ako pakonsensiyahin. Not that I'm really sure if she really planned this or maybe she's just really got the best make up artist in town.
"Marcus will fetch us...", saad niya habang nakatutok sa kanyang phone. She must be exchanging text message with him.
"Hmm...", I mumbled then checked my phone when it suddenly rang.
Cross calling...
Mabilis kong sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
Bahagya naman akong nilingon saka ulit niya pinagtuunan ng pansin ang kanyang cellphone.
"Hi! Nakaalis na kayo?", masigla niyang bungad sa kabilang linya.
"Hindi pa, eh. Pero papunta naman na raw si Marcus dito sa bahay para sunduin kaming dalawa ni Keith."
"Ah, I see", saglit siyang natahimik. "I'll just see you there then, beautiful."
Napangiti ako sa sinabi ni Cross. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin siyang mambola.
"See you there, handsome", I replied then finally ended the call. Kasabay non ay ang pagkarinig ko ng busina ng kotse mula sa labas ng bahay.
Mabilis akong nilingon ni Keith, "Must be Marcus already. Let's go!" Halata ang pagiging excited ni Keith sa party na ito. She must really miss seeing our batchmates which I also feel in such way.
Nauna nang bumaba si Keith sa akin. Nakapasok na ng bahay si Marcus nang makababa kami. Kausap niya si Dad at Kuya Duke. Sabay niya kaming sinulyapan ni Keith nang lapitan namin siya. His smile automatically widened upon staring at my direction.
"Hi, Marcus! Buti at nandito ka na! Baka ma-late tayo sa party!", bungad ni Keith sa kanya.
Agad namang binalingan ni Marcus ang isa. Ako naman ay nilapitan sina Daddy at Kuya Duke para magpaalam na. "Alis na po kami...", malumanay kong sabi sabay halik sa pisngi nilang dalawa.
"Mag iingat kayo", ani Dad sa akin.
"Call me if something's wrong, okay?", dagdag ni Kuya Duke.
Nakangiti akong tumango saka ko ulit binalingan ang dalawa kong kaibigan. Nagpaalam na rin silang dalawa kina Kuya at Dad.
"Drive safely, Marcus. You have our princess", pormal na paalala ni Dad sa kaibigan ko kaya naman ay bahagya akong nahiya.
Baka naman isipin ni Marcus ay walang tiwala si Dad sa kanya.
Nakangiting tinanguan ni Marcus si Dad, " Noted, Tito. Sige po, alis na kami."
Hinatid kami nina Dad at Kuya sa gate nang papalabas na kami ng bahay.
"Sa harap ka, Tin. Sa backseat lang ako", maagap na utos ni Keith sakin tapos ay agad niya nang binuksan ang pinto sa likod.
Mabilis kong kinawayan sina Dad at Kuya bago ako tuluyang pumasok ng shotgun seat. Ang huling pumasok ay si Marcus. He immediately revved the engine and drove out of our Subdivision
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...