Forty One: In Your Arms
“Sorry, I’m late. Sobrang busy kasi sa loob ng shop...”, paghingi ng paumanhin ni Keith as soon as she got inside my car.
“It’s fine. So, ano? Tara na? May dadaanan ka pa ba?”, tanong ko sa kanya.
She smilingly shook her head. “Wala na. Tara na. Baka nandoon na sina Gab kina Terrence...”
“Okay then”, I said and finally revved the engine.
Papunta kami ngayon sa bahay nina Terrence. It’s his twenty-sixth birthday. He invited the whole squad. Kami-kami lang naman daw ang inimbitahan niya atsaka iilan sa mga kasama niya sa opisina.
“What’s your birthday present for him?”, out of the blue kong tanong kay Keith. Medyo traffic kasi. Mukhang matatagalan pa ata kami ng dating, ah.
“Mm, basketball shoes? I don’t know why. Naisip ko lang siguro na mahilig pa rin siya sa basketball hanggang ngayon kahit busy na siya sa trabaho niya...”, mahina niyang tugon then smiled faintly.
Tumango tango ako.
“How about you?”, pabalik niyang tanong sa akin.
“Ah, couple of neck ties. You know, work purposes”, saad ko tapos ay bahagyang tumawa. Wala na kasi akong maisip na ibigay sa kanya.
He’s got everything. His family owns a well-known wine company here in the Philippines. Ni hindi ko nga alam kung magagamit pa niya iyong neck tie na ireregalo ko sa kanya. I bet he has a lot of it. Well...
Halos isang oras din kaming nasa daan ni Keith bago kami tuluyang nakarating sa bahay nina Terrence. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ko ay agad ko nang nakilala ang mga nauna nang sasakyan na nakapark malapit lang sa kung saan din ako huminto.
Sky’s, Marcus’ and Gab’s.
“Mukhang andito na nga sila, ah”, puna ni Keith pagkababa niya ng kotse ko. She must have noticed those familiar cars too.
“Mhm. Tara na?”, baling ko sa kanya.
She quietly nodded tapos ay magkasabay kaming pumasok sa loob. One of their long-time maids met us halfway. “Ay, Maam Keith! Maam Valentine! Magandang gabi, po! Buti at nandito na ho kayo. Pasok po kayo!”, maligayang salubong ni Rose sa amin. College pa lang kami ay naninilbihan na si Rose kina Terrence. Dalawang taon ata siyang mas bata sa amin.
“Hi, Rose! Long time no see!”, natatawa kong bati sa kanya habang iginigiya niya kami papasok ng bahay.
“Kayo din po, Maam! Huling balita ko po sa inyo kay Sir Terrence nag-Spain daw po kayo...”
“Oo, e. Trabaho”, tipid kong tugon.
“Si Maam Keith paminsan-minsang napapadalaw dito dati. Kaya medyo updated ako tungkol sa kanya”, nakangisi nitong dagdag sabay tingin kay Keith.
Taas kilay ko ding nilingon si Keith sa aking tabi. Hilaw niya akong nginitian saka siya mabilis na nag-iwas ng tingin. May hindi ba ako alam?
“Nasa garden po silang lahat...”, agaw ni Rose sa atensyon ko. Palabas pa lang kami papunta sa garden ay halos rinig na rinig ko na ang maingay na tawanan nina Gab at Marcus.
When we got there, they immediately saw us.
“Uy, Valentine! Keith!”, nakangisi kaming kinawayan ni Terrence.
Magkasabay silang umalis sa mesa para salubungin kami.
“Happy birthday!”, masigla kong bati kay Terrence saka ko siya mabilis na niyakap. “Maya ko na bigay gift ko sayo, ah?”, pahabol kong sabi tapos ay kumalas ako ng yakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...