Twenty Seven: Own Me
Abala na kami sa pag iimpake ng mga gamit namin dahil bukas na ang uwi namin.
"Done!", pagod na anunsyo ni Keith nang sa wakas ay tapos na siya sa pag iimpake ng gamit niya. Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama matapos niyang ibaba ang kanyang maleta tapos ay binalingan niya ako. "You're not done yet?"
Bahagya akong umiling. "Patapos na rin ako..", tugon ko habang sinusuyod ng tingin ang mga damit kong hindi pa natutupi. Bigla akong may naalala. Huminto muna ako sa pag iimpake para harapin si Keith.
"Keith?"
"Hmm?", tamad niya akong binalingan.
Itinabi ko muna ang mga gamit ko para umupo sa tabi niya. "Can I ask you something?"
"Shoot", kibit balikat niyang sagot.
"Nung gabing bigla kayong na-away ni Terrence. That night that Gab was also involved.. paanong bigla kayong nagkaayos kinabukasan?", thank God I remembered to ask her. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka pa rin ako kung anong nangyari matapos iyon.
Malungkot ang mga ngiting iginawad ni Keith sa akin. "Una kaming nagkausap ni Terrence. He told me he isn't over me yet. And you know what? It felt ridiculous, Valentine. Because he's already married. And you can't just marry someone knowing you're still in love with your ex.."
Bigla akong tinamaan sa sinabi ni Keith. It was the same thing that I told Ken few weeks ago.
"Because if you truly love that person, you'd wait for that person, Valentine. Kung kelan handa na ulit siyang mahalin ka. Kung kelan handa na ulit siyang masaktan habang minamahal ka niya. Because you don't just commit yourself to someone while your heart still longs for something else. Hindi pwedeng magmahal ka muna ng iba habang hinihintay mong mahalin ka ulit niya. It's not love, Tin..", malungkot ang mga mata ni Keith habang diretso itong nakatitig sa akin.
I tried swallowing the lump that's already starting to form in my throat. "Hindi mo na ba siya mahal?"
"Does it still matter? He's already married, Tin. I can't be that desperate mistress seen on some usual dramatic movies."
I slowly nodded. "What about Gab? Nag usap na kayo?" I wonder what already is the real score between the two of them. Gab almost admitted that night na may gusto siya kay Keith. It's not that hard to read between the lines. It was a shocking revelation for all of us.
Bigla namang natawa si Keith sa sumunod na tanong ko. Iiling iling niya akong sinagot. "That crazy bastard. Inamin niya sa aking gusto niya na raw ako dati pa. Well, back during our last month in college..", natatawa niyang kuwento. "But knowing that Terrence and I were still together that time, he tried forgetting what he felt for me. Not until everything came crashing down right before my eyes later on.."
It's amazing how love can work this way.
Halos alas dos na ng umaga nang mapagdesisyunan namin ni Keith na matulog na. Ang ending tuloy, tanghali na kami nagising.
"Una ka na sa baba, Tin. Maghihilamos lang ako", pasigaw na utos ni Keith sakin mula sa loob ng banyo.
"Okay!"
Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong makasalubong si Ken. Magulo ang kanyang buhok at mukhang basa ito. Napansin ko rin ang hawak niyang tuwalya. Baka katatapos niya lang maligo.
"G-Good morning..", bati ko sa kanya. Pakiramdam ko ay bigla akong napako sa aking kinatatayuan.
Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko sa mismong gilid ng ulo ko. "You still look beautiful even when you have just woken up", bulong niya sa isang paos na boses. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang dahil sa ginawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/107331448-288-k371938.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
Roman d'amourAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...