It's Still Me, right?

405 10 0
                                    

Fifteen: It’s Still Me, right?

Tinanghali na ako ng gising kaya heto at halos mag ala-flash na ako sa bilis ng kilos ko ngayon. Lunes nga pala ngayon at ibig sabihin ay makikipagkita na naman ulit ako kina Ken at Amber. Once a week lang kasi kami kung magkita at tuwing Monday ‘yon.

It’s already one o‘clock at alas dos ang usapang pagkikita. Sa bagal ko ba namang kumilos minsan ay baka malate pa ako ng dating.

“Ah, shit”, napasapo ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng konteng kirot. Freaking hangover! Napasobra ata ako sa alak kagabi.

“Slow down, young lady!”, sigaw sa akin ni Kuya Duke mula sa sala nang makita niya akong patakbong bumaba ng hagdan.

“I can’t, Kuya! I’m meeting up with a client and I’m already late!”, I yelled back while half-running downstairs.

Pagod akong napahingal nang tuluyan na akong makababa. Saglit ko lang na inayos ang nagulong kong buhok bago ulit ako tumakbo palabas ng bahay. Narinig ko pang sumigaw ulit si Kuya Duke na huwag daw akong tumakbo pero hindi ko na siya nagawang lingunin pa.

Padabog akong pumasok ng driver’s seat ng kotse ko saka ko ito mabilis na pinaandar.

I was already on my way when Amber called. Agad ko rin naman iyong sinagot sa pamamagitan ng bluetooth earpiece na nakasuksok sa kanang tenga ko.

“Miss Teasdale..”, bungad ko sa kanya.

“Hi, Olivia! On the way ka na ba?”

“Oh”, kagat labi kong sabi. “Yup, I’m already on my way. Sorry, ah? Medyo natagalan ako, late na kasi akong nagising. But don’t worry, malapit na rin naman ako..”, nahihiya kong sabi sabay sulyap sa wrist watch ko.

Sheez! Lampas alas dos na pala!

“Oh, no, no, no.. Actually, may favor sana kong gusto hingin sa‘yo, if it’s just okay with you.”

“Uh, sure.. Ano yun?”

“Okay lang bang dito na lang muna tayo sa condo ko magkita, Olivia?”, hesitation laced her voice.

Bahagyang kumunot ang aking noo. Akala ko kasi ay sa Eleanor’s kami ulit magkikita. “Uhm.. sige, sure. Okay lang..”, I said finally agreeing.

Nag-change route agad ako nang sabihin niya sa akin kung saan ang condo niya.

Saglit kong hinagod ng tingin ang matayog na building kung saan may nakasulat na Blue Royalties sa tuktok nito bago ko tuluyang inipark sa parking lot nito ang kotse ko.

I was clutching my planner notebook and my phone when I finally entered the vicinity. Agad akong dumiretso sa information desk para iwan ang I.D. ko.

“Room 612A, please. Amber Teasdale”, saad ko sabay lapag ng I.D. ko sa marmol nilang desk.

Agad din naman iyong kinuha ng babaeng nasa loob ng desk para i-check sandali. Saglit siyang may ginawa sa computer habang hawak niya ang I.D. ko. Maya-maya lang ay humarap ulit siya sa akin nang nakangiti sabay balik ng aking I.D. sakin.

“Pwede na po kayong umakyat”, magalang na tugon ng babae sakin.

Nagpasalamat ako sa kanya saka ko agad na tinungo ang elevator bitbit ang aking I.D. At dahil mag isa lang akong sakay ng elevator ay mabilis kong narating ang pang anim na palapag ng building. I immediately looked for Amber’s condo unit.

Napunta ako sa pinakadulong parte ng palapag. Tiningala ko ang numerong nakasulat sa ibabaw ng kulay abong pinto. 612A. Agad kong pinindot ng tatlong beses ang doorbell sa gilid ng pinto at naghintay sa labas sandali.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon