Twenty Two: Hold On
Halos apat at kalahating oras din ang naging biyahe namin bago namin tuluyang narating ang rest house na pagmamay-ari ng kaibigan umano ni Sky. He rented the place for us kasi alam niya raw na mag-eenjoy kami sa dalawang araw naming stay dito. Bukod kasi sa maganda ang bahay ay halos napapalibutan din ito ng mga puno. Everything around just seems refreshing. Malayo kasi sa siyudad. Sariwa ang hangin. Tahimik.
The house has four bedrooms including the guestroom. Kaming dalawa ni Keith ang gagamit ng guestroom. At dahil anim naman silang mga boys at may tatlo pang natitirang kwarto ay tigda-dalawa sila sa bawat kwarto.
Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa loob ng cabinet nang bigla akong tinawag ni Keith. Nilingon ko siya at nakita kong nakaupo siya sa sulok ng kama at nakatingin sa akin. “Come sit here, Alonzo.”
Uh-oh, parang alam ko na kung saan ‘to patungo.
Tumango ako atsaka lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi saka ko siya hinarap. Suminghap siya at nagsalita. “Explain.”
Just as what I am expecting. Kaya nagsimula agad akong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Simula noong time na nakipagkita sa akin sina Sky at Terrence para pakiusapan ako tungkol dito hanggang sa kung paano namin lahat ‘to pinlano.
She heavily sighed after hearing me tell the overall story. “I admit, I was kinda furious at you awhile ago. Kasi siguro hindi ko lang inaasahang kasama pala natin si Terrence. Though I was also surprised to see Gab and Kurt again”, she smiled a little. “Maybe, I really need this. The closure? I don’t know.. it’s just weird. And it still hurts.. a lot.”
Bigla kong niyakap si Keith nang makita kong naluluha na naman siya. Nasasaktan din ako para sa kanya. I’m her bestfriend. Ayokong makita siyang nagkakaganito. I wanted to see her happy. Ilang taon na rin. Maybe this is all she needs. The closure. Though the process may hurt a little, it’s fine. Ang importante ay may usad.
Minsan kasi mas mabuti nang iwan iyong mga bagay na paulit-ulit lang tayong nasasaktan. Maybe letting go isn’t that bad at all. Just so, maybe.
Lunch came. Kinatok kami ni Marcus para ayaing bumaba na.
“Mauna ka na, susunod na lang ako”, utos sa akin ni Keith na namumugto pa ang mata dahil sa pag-iyak.
I nodded, “Sunod ka agad, ah?”
Nginitian niya lang ako atsaka siya tumango. Lumabas na rin agad ako ng kwarto para bumaba kasabay si Marcus.
“How’s Keith?”, tanong niya sa akin habang pababa na kami ng hagdan. Bigla niya akong inakbayan which actually he usually does.
“Fine, I guess? I hope so..”, I weakly replied. Alam ko namang hindi pa rin talaga siya totally okay.
“She’ll be fine, trust me”, paninigurado sa akin ni Marcus tapos ay hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. Sakto namang nakasalubong namin si Ken.
Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa aming dalawa ni Marcus—sa mga braso ni Marcus na nakasampay sa balikat ko. Bigla akong napalunok saka ako nag-iwas ng tingin. Sheez, wrong timing.
“Oy, Ken. San ka?”, tanong sa kanya ni Marcus.
“Upstairs. May kukunin lang”, malamig nitong sagot tapos ay tuluyan na kaming nilampasan.
Binalingan ako ni Marcus na may pagtatakang tingin sa mukha. “Anyare don?”, nagtataka niyang tanong sa akin.
I nervously shrugged, “Baka.. pagod pa galing biyahe.”
Buti na lang at di na rin nagkomento pa si Marcus pagkatapos non. Nag-aasaran sina Terrence at Sky nang maabutan sila namin sa dining room, habang sina Gab at Kurt naman ay busy sa kani-kanilang phone. Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ni Sky.
“Hey, Queen. Here”, Marcus tapped the empty chair beside his’.
Nilingon siya ni Sky tapos ay bumaling din ito sa akin. “Dito na lang muna si Valentine.”
“Jesus..”, I heard Marcus murmured.
Ano bang problema ng dalawang ‘to? Magsasalita pa sana ako nang makita kong magkasunod na pumasok sina Keith at Ken ng dining room. Keith occupied the vacant seat in between Gab and Kurt while Ken sat beside Marcus. Magkatapat lang kami ni Marcus kaya halos katapat ko na rin si Ken.
Ramdam ko ang mga paninitig niya pero ipinagsa-walang bahala ko na lang ito, kahit na ang totoo gusto ko na lang talagang biglang mag-disappear mula sa mga titig niya.
“Okay, let’s pray first before we start to eat”, pangunguna ni Sky tapos ay inutusan niya si Keith na maglead ng prayer. After magdasal ni Keith ay kumain na rin agad kami.
“Mag night swimming tayo mamaya! May pool pala sa likod, Sky?”, ani Gab habang kumakain kami.
Sky nodded, “Actually, dalawa ang pool dito. Meron din sa taas. Sa rooftop.”
Ang gara naman ng bahay na ‘to. Mahilig ata sa swimming iyong kaibigan ni Sky na nagmamay-ari dito sa bahay.
Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik din agad ako sa guest room para magpahinga. Inaantok na naman kasi ako. Si Keith naman ay andon sa sala kasama sina Marcus at Sky. Rinig ko ay manonood daw sila ng movie. Sina Gab, Kurt at Terrence naman ay nagpasyang gumala sa paligid.
Papikit na sana ako nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto.
Dali-dali akong bumangon para buksan ang pinto. Muntik ko na ngang isara ulit nang tumambad sa akin ang mukha ni Ken sa tapat ng pintuan.
Saglit ko pang sinilip ang hallway para tignan kung may tao pero wala naman. Binalingan ko ulit si Ken. “Uhm, anong kailangan mo?”, tanong ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin tapos ay bigla niya akong nilampasan para pumasok ng kwarto. Namilog naman agad ang mata ko sa ginawa niya kaya dali-dali kong naisara ang pinto. Sheez! Ba’t siya pumasok dito?!
Sumunod ako sa kanya papasok sa loob. “Ken, what are you—”
Naputol ako sa dapat kong itatanong sa kanya nang bigla niya akong hinarap at hinatak para yakapin. Bigla na namang nagkaparu-paro sa loob ng tiyan ko.
“Let’s stay like this for five minutes.. please”, his husky weak voice sent me shivers.
“Oh, okay..”, tugon ko sa isang mahinang boses.
“Fuck, I can’t help but be jealous of them..”
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Kanino?”
“Them, all of them. Why can’t I put my arms around you like how Marcus can? Why can’t you sit beside me like how you can with Sky? Why can’t I hug you so tight like how Gab and Kurt can? Dammit, Alonzo. Selos na selos na ako sa mga gagong ‘yon.”
Hindi ko alam pero bigla akong natawa sa turan niya. Kumalas siya ng yakap sa akin tapos ay sinamaan niya ako ng tingin. I wanted to supress my laugh but I’m failing. Para siyang bata sa busangot niyang mukha!
“It’s not funny, Alonzo”, he said almost rolling his eyes.
“Who told you it is?”, natatawa pa rin talaga ako. Nakatanggap na naman ako ng mas malalang tingin mula sa kanya.
“Tuwang-tuwa ka talagang nagkakaganito ako, Alonzo?”
Nagtaas ako ng aking kamay na para bang suko na ako sa kanya. “Chill, Anderson.”
Natatawa pa rin talaga ako pero mas minabuti ko nang magpigil na lang. Kinurot ko siya sa pisngi at niyakap. Naramdaman ko pa ang pagstiff ng katawan niya dahil sa ginawa ko. Maybe not expecting I’d suddenly hug him.
“You don’t have to feel jealous, Ken. Because no matter what happens, always remember.. I’ll hold on to you.”
**
Author’s Note: Two UDs in one night is just so.. 😊💞 Christmas gift ko na sa inyong lahat! Baka may pahabol pa ulit bukas, sana lang 😌 Anyway, keep safe everyone! May bagyo pa naman ngayon. Wag kayong paulan, okay? Para iwas lagnat. —Ateng Sash
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...