Twenty One: Peace Amidst Chaos
“Sky, we’re already here..”, ani ko sa kabilang linya habang nakatingala sa matayog nilang gate.
“Okay, okay. Pababa na kami”, sagot ni Sky at tuluyan nang naputol ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako saka ako napasulyap sa SUV van. Nakita ko ang paglabas ni Keith mula doon. Bigla akong nagpanic kaya ko siya dali-daling nilapitan.
I already told Marcus na ‘wag palabasin si Keith ng sasakyan!
“Hey..”, kabado kong salubong kay Keith sabay bigay ng mabilis na sulyap sa gate nina Sky.
“Wala pa ba si Sky?”
“Uhm, pababa na daw siya. Sige na, balik ka na sa loob ng sasakyan. Malalamigan ka..”, utos ko sa kanya pero tumawa lang siya.
“Naka-jacket naman ako!”
I cursed inwardly tapos ay nakita kong lumabas na rin ng sasakyan si Marcus.
“Keith, let’s go back inside the van. Hayaan mo na si Tin na maghintay kay Sky”, aya ni Marcus kay Keith.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kong marinig ang pagbukas ng gate nina Sky. Sabay-sabay kaming napalingon doon habang ako naman ay halos kinain na ng kaba ko.
Sunod-sunod na nagsilabasan sina Sky, Ken, Gab, Kurt, atsaka si..
“What the—”, narinig kong mura ni Keith mula sa aking likod kaya napalingon ulit ako sa kanya. She was looking everyone with disbelief including me. “What is the meaning of this Olivia Valentine??”, may sinulyapan siya sa aking likuran na ang hula ko ay si Terrence mismo.
“Uhm..”, I was shaking nervously like hell.
“Keith, listen..”, singit ni Marcus.
Narinig ko rin ang ingay nina Sky na papalapit sa gawi namin.
And Keith, Keith’s face is still painted with disbelief.
“Pinakiusapan kami ni Terrence tungkol dito. He just wants closure with you..”, mahinahong saad ni Marcus.
“OY, KEITH! WENGYA! WE MISS YOU!”, rinig kong sigaw ni Gab mula sa likod tapos ay maya-maya lang nakayakap na siya kay Keith. Nakita ko si Kurt na patakbo ding pumunta kay Keith tapos ay nakisali din sa yakap.
Nilingon ko si Terrence. Nakaakbay si Sky sa kanya. Nginitian niya lang ako saka siya sumaludo sa akin. Bahagya lang akong tumango saka hinanap ng mata ko si Ken pero bigla namang..
“VALENTINE!!”
May biglang humila sa akin saka nila ako ikinulong sa kanilang mga bisig.
“VALENTINE! NA-MISS KA NAMIN! ANG LAKI MO NA! ANG BATA MO PA NUNG HULI NAMING KITA SA’YO!”
Bigla naman akong natawa sa turan ni Kurt. Gods, I miss them all!
“Na-miss ko rin kayo”, I chuckled.
“Yah! Stop it, di makahinga si Tin!”, sabay na saway nina Marcus at Sky sa dalawa dahil halos mapisa na ako sa yakap nila.
“Sorry naman! Chill, guys! Na-miss lang namin ang prinsesa”, natatawang saad ni Kurt tapos ay ginulo niya ang buhok ko.
Bumaling naman ako kay Keith na hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Nilapitan ko siya atsaka niyakap. “I’m sorry, I’ll explain to it to you later okay?”
Kumalas agad ako ng yakap sa kanya nang marinig ko na ang pag aya nila na pumasok na kami ng sasakyan.
“You really better explain, Olivia”, she demanded and I politely nodded.
Paglingon ko sa mga kasama namin ay isa-isa na silang nagsisipasukan sa van.
“Pasok na mga prinsesa!”, masiglang tawag sa amin ni Gab mula sa loob ng sasakyan.
I almost skipped a beat seeing Ken standing beside the vehicle. Hinihintay ang pagpasok namin ni Keith.
“He’s here too?”, bulong ni Keith sa akin habang naglalakad kami patungo sa van. Bahagya siyang tumango sa direksyon ni Ken.
“Uh, yeah..”
“Mini reunion pala ‘to”, she slightly chuckled but I can still see sadness behind her eyes.
“Keith, look.. Sorry talaga—”
“Bakla, wag madrama ngayon. Okay lang ako”, she reassuringly smiled at me.
“Tara na po, ladies!”, Kurt chirped.
Nauna nang pumasok si Keith sa loob ng van. Nakita kong umupo siya sa pagitan nina Gab at Kurt. Bago ako tuluyang pumasok ng van ay nilingon ko muna si Ken sa aking gilid.
“Morning, Alonzo”, he mumbled in a husky voice that really made my heart go wild inside my chest. Geez, Aiken! Bakit ang lakas naman yata talaga ng epekto mo sakin?
“M-morning..”, nabulol kong bati sa kanya.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan.
Mag-isa lang si Marcus sa pang-unahang seat kaya sa kanya ako tumabi. Sa likod namin ay sina Gab, Keith at Kurt. At sa pinakalikod ay si Terrence. Si Sky naman ay sa passenger’s seat umupo.
Pumasok na rin si Ken pagkatapos kong pumasok—pasimple siyang tumabi sa akin. Muntik ko na siyang pandilatan dahil palihim niyang hinawakan ang kamay ko bago siya masiglang sumigaw ng ‘Let’s go!’
Tuluyan nang umandar ang van. Tuluyan na ring nabuo ang ingay sa loob.
“Guys! Na-miss talaga kayo namin!”, sigaw ni Gab mula sa likod namin.
“Queen, patahimikin mo yan. Matutulog ako”, bulong ni Marcus sa akin saka siya bahagyang sumandal sa balikat ko.
“Pareng Ken, I miss you too!”, sigaw naman ni Kurt.
“Gago”, natatawang tugon ni Ken.
“Ang ingay! Jusko!”, I heard Keith complained. “Mamaya na kayo magka-I miss you-han, ang ingay niyo..”
Kahit na sinaway sila ni Keith ay sobrang ingay pa din nila. Sama mo pa si Sky at Terrence na nakikisala din sa ingay ng dalawa.
Kahit sobrang ingay nila, okay lang. I just miss all of these. It all brings me back to our college memories. Nakakamiss.
“Can I sleep on your shoulders too?”, narinig kong pabulong na tanong ni Ken sa akin. Nilingon ko siya at nagsising sana di ko na lang ‘yon ginawa. Sheez! Sobrang lapit ng mukha niya sakin! Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya saka ko sinagot ang kanyang tanong.
“Uhm, yeah.. sige.”
“You’re blushing, Alonzo. Damn, it makes me want to kiss you right now.”
Halos masamid ako sa sarili kong laway. Pandidilatan ko pa sana siya ng mata para sawaying wag siyang magsasabi ng ganon at baka may makarinig sa kanya pero huli na dahil sumandal na siya sa aking balikat.
He’s already snoring so softly that absent mindedly made me smile. Why do I always feel like this everytime he’s around?
He always becomes my peace amidst chaos.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...
