Thirty Four: Game Over
I have been avoiding Ken's messages for a couple of days. Hindi ko inakalang ganito pala kahirap. Avoiding him feels like hell. I feel empty without him... without his presence. Na sa tuwing binubura ko ang mga text messages na natatanggap ko mula sa kanya ay para ko na ring unti-unting pinapatay ang sarili ko sa sakit. I never knew it would be this hard... and painful.
Alam ko, sa ginagawa kong 'to, mas lalo ko siyang nasasaktan. Pero mali ba? Mali bang isipin ko na baka hindi nga talaga ako para sa kanya? Na para talaga siya sa iba. The thought may be painful, but I think Ken deserves what's best for him. And I was never that 'best'. I have never been that best thing for him.
It's eight in the evening when I decided to go out for a walk.
“May problema ba?”, Dad asked me in a worried tone.
I shook my head and forced a smile. “Magpapahangin lang ako saglit sa labas, Dad. Babalik din agad ako...”
Tumango tango si Dad saka niya ako pinaalalahang mag ingat sa paglabas. Agad kong niyakap ang sarili kong braso nang paglabas ko ng bahay namin ay mabilis na dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. The cold wind felt right on my bare skin. Tahimik akong naglakad lakad sa gilid ng gutter papunta sa play ground, ‘di kalayuan mula sa bahay namin. The cold rusty steel chain creaked as I sat on the swing. Marahas akong bumuga ng hangin pagkaupo na pagkaupo ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kawalan. I didn't bother bringing my phone with me. Nakontento na ako sa tahimik na pagtingin sa kawalan habang dinaramdam ang malamig na hangin.
I just feel like I need this kind of inner peace for awhile. This past few days have been chaotic for me. Na animo’y anumang oras ay maaaring biglang sumabog na lang ang utak ko sa dami ng tumatakbo sa isip ko. I was guessing that I have been there sitting for an hour already when I finally decided to go home. Akmang aalis na sana ako ng playground nang may maaninag akong bulto ng tao mula sa 'di kalayuan. Nakatayo ito sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Hindi ko alam kung saan ito nakaharap o ano pero bigla akong kinabahan. Posible bang may makapasok na holdaper dito sa Subdivision namin? Oh my god. I really need to go home!
Nagmamadali ang mga hakbang ko palayo sa playground. Ramdam ko ang pagdoble ng bawat tibok ng puso ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin.
“Shit!” Mas lalo kong binilisan ang bawat hakbang ko.
Halos kita ko na ang gate ng bahay namin nang biglang may humigit sa palapulsuhan ko. Mabilis akong napatili dahil don.
“Oh my g—”, I stopped at my mid scream when I found out who's behind me.
Para akong biglang nawalan ng lakas at boses habang diretso nakatingin sa malulungkot niyang mata.
“Hey... it’s just me”, he weakly smiled. “I’m sorry if I freaked you out.” Unti unting kumalas ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko.
Looking at him right now, pakiramdam ko ay kaytagal ko siyang hindi nakita. Na para bang lahat ng lakas na inipon ko para iwasan siya ay bigla na lang naubos habang pumapatak ang segundong magkaharap kami ngayon.
“A-Anong g-ginagawa mo d-dito?”, halos hindi ko matapos ng maayos ang tanong ko sa kanya nang hindi nauutal.
God, seeing him right now made me realize how I've missed him these past few days damn much! It feels like ages!
“I just missed you, Valentine. Pasensya na kung pinakaba kita kanina”, kalmado niyang saad.
Napalunok ako habang nakatitig sa malungkot niyang mukha. He seems fine. He's smiling. But his eyes couldn't lie to me. It screams sadness that his smile's trying to cover up. My heart quickly ached for him. Knowing he's hurting because of me also hurts. But seeing how I acted these past few days were hurting him, mas masakit pala iyon.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...