Home

183 6 7
                                    

Forty: Home

"Ang aga-aga, ganyan ang mukha mo? What's wrong?", bungad sa akin ni Kuya Gen pagkababa ko ng kusina. He is busy preparing our breakfast. Tamad akong umupo sa high chair saka nangalumbaba sa counter. Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang grand alumni na iyon. Hindi ko pa rin maalis alis sa isip ko ang mga nangyari. It just felt weird to see Ken again... after a long time. I can still remember the way he looked at me that night. How he followed me outside the hall without me knowing why.

"Are you having insomnia again?", pangungulit niya sa akin kahit alam niya namang malimit akong magsalita kapag bagong gising lang. Tamad lang ako tumango.

Sina Kuya Adrian at Kuya Gen lang ang kasabay kong magbreakfast. "Where's dad and Kuya Duke?", I asked when I noticed their absence.

Saglit na nagkatitigan ang dalawa bago sinagot ni Kuya Duke ang tanong ko. "Uh, general check up", aniya at bahagyang tumikhim.

"This early?", tanong ko ulit. Ang aga naman. Pwede namang after lunch like Dad's usual schedule. "Anyway, I was just curious. They don't usually leave this early during dad's check up", I added just to let go of the topic. I'm just too preoccupied these past few days na ayoko munang pag isipan ng maigi ang mga bagay-bagay. Pagkatapos naming mag almusal ay agad akong bumalik sa aking kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama saka malakas na bumuntong hininga.

I want to go somewhere but Keith's probably busy right now to go with me. Tinext niya ako kagabi na may limang magkakaibang orders siya na kailangang i-deliver ngayong araw. Hindi ko rin naman maaya si Marcus dahil malamang ay may klase 'yon. Suddenly I remembered Cross. May ginagawa kaya siya? Well, I wouldn't know if I won't check on him. Bahagya akong bumangon para abutin ang phone ko sa bedside table. Agad kong ni-message si Cross.

Hi, good morning! Busy ka today?

I immediately hit 'sent' button. Kalahating minuto pa lang ay nag-reply agad siya.

"Bilis, ah", I mumbled then opened his text message.

Hi, good morning! I'm all free today, Tin. Any problem?

Magre-reply na sana ako pero bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Cross is calling me. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Hi!", he quickly beamed from the other line as soon as I answered the call.

"Hi, good morning!"

"Hi, Tin. What's up? Any problem?", aniya.

I was hesitant to tell him at first but then finally gave in. This day would surely be boring for me kapag hindi ako nakalabas ng bahay. Hindi ko na rin naman kasi kailangang asikasuhin ang shop ko sa Barcelona. Celine and Phoenix will surely handle everything. So, I need to do something today that would keep me quite occupied-like, strolling...

"Uhm, I'm bored?", alanganin kong tugon sabay buntong hininga. Baka naman isipin ni Cross na dahil lang bored ako ay mang iistorbo na ako ng ibang tao. "But if you have plans nam-"

"I'll be there in 30 minutes, Tin. Labas tayo", he said cutting me off.

Wala sa sariling napangiti ako. "Okay! I'll just prepare real quick."

Mabilis na natapos ang tawag. Agad akong naligo at nagbihis. Isang itim na spaghetti straps lang ang suot ko saka faded fitted jeans. Nag sneakers lang din ako imbis na isuot ko iyong dala kong itim na wedge na bigay pa sa akin ni Celine nung huling birthday ko.

I was drying my hair off when Kuya Adri just suddenly entered my room. "Cross is downstairs. May lakad kayo?"

Nakangiti akong tumango. "Okay lang, Kuya? Wala rin naman kasi akong gagawin dito buong araw."

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon