Torn

240 5 0
                                    

Twenty Nine: Torn

“Where do you want to eat?”, tanong sa akin ni Ken habang hawak kamay kaming paalis ng park.

“Mmm, McDo will do. I missed eating Ala King”, tugon ko bago niya ako tuluyang pinapasok sa front seat ng kanyang kotse.

Agad niyang isinara ang pinto at umikot papuntang driver's seat. He immediately revved the engine and drove away from the park.

“Feeling better? Hmm?”, aniya habang nagmamaneho. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan.

Nakangiti akong tumango. Magulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon. Ang dami ko pang tanong na walang kasagutan. Pero siguro hindi ko na muna 'yon po-problemahin ngayon. What matters is that I'm with the man I love right now. Even if this is wrong.. so wrong.

Tahimik lang ako hanggang makarating kami ni Ken sa pinakamalapit na McDo branch mula sa park. Pagkatapos naming kumain dito ay ihahatid niya rin naman agad ako pauwi. 'Yon ang napag usapan namin kanina.

Pinadausdos ni Ken ang kamay niya sa beywang ko pagpasok na pagpasok namin ng McDo. Bigla akong nailang at naconscious sa paligid. Damn! What if some of his fianceé's friends are also here? Paano kapag nakita nila kami?

"Baby..", tawag pansin ni Ken sa akin nung nasa harap na kami ng counter at sumali sa pila.

Balisa ako nang balingan ko siya. I feel like we'll get caught anytime soon. Natatakot ako sa maaaring mangyari.

"Ang putla mo. Are you okay?", bakas ang pag aalala sa kanya mukha habang tinititigan niya ako.

"B-Baka.. B-Baka may m-makakita s-satin dito..", kagat labi kong tugon sabay yuko. Hindi pa ako handa sa ganoong eksena. Baka bigla akong kumaripas ng takbo kapag nalaman kong may isang taong kakilala si Ken dito! Everyone knew he's about to marry one of the most influencial Senator of the country! This would be a scandal if ever someone sees us together!

“Alright. You go find us a table instead, then I'll be the one to order”, aniya tapos ay inalis na ang kamay niya sa beywang ko. “Just text me your order while I'm still taking the queue.”

Tumango lang ako bilang tugon at umalis na sa kanyang tabi. Mabilis akong naghanap ng bakanteng table. Fortunately, I immediately found one. Naupo ako don atsaka ko itinext si Ken ng order ko.

To: Aiken Anderson

Just AK and Coffee Float will do. Andito lang ako sa pinakadulong table.

Malakas akong napabuga ng hangin matapos kong i-send sa kanya ang mensahe ko. Maya maya'y nag vibrate ang phone sa kamay ko, thinking it was Ken, agad ko 'tong binuksan.

From: Kuya Adrian

Where are you, young lady? Dad's looking for you.

Halos tumambol ang puso ko nang mabasa ko ang text ni Kuya. Napahigpit ang hawak ko sa aking phone. Sunod ulit na nag vibrate ang cellphone ko. It's still from Kuya Adrian.

From: Kuya Adrian

Ang sabi ni Karen ay may binili ka raw sa labas? What is taking you so long?

Kagat labi kong binura ang mga texts ni Kuya saka ko in-off ang cellphone ko. Wala pa ako sa tamang disposisyon ngayon para magreply sa mga texts niya. Mamaya ko na lang siguro ipapaliwanag sa kanila kung bakit wala ako sa bahay. Tulala pa ako sa aking cellphone nang dumating na si Ken bitbit ang tray ng order namin.

"Hey..", malambing niyang tawag sa akin.

I weakly glanced at him habang inaayos niya sa table namin ang mga pagkain. Tahimik ko lang siyang pinanood habang ginagawa niya 'yon. Inilipat niya sa kabilang bakanteng table ang tray nang tuluyan na siyang natapos sa paglilipat ng mga pagkain. He got me an Ala King, a coffee float and a regular fries while he only got crispy chicken sandwhich and a regular soda for himself.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon