Nine: Speechless
“Bakit ka ba kasi wala nung Sabado?”
“I already told you, Valentine. I had lots of orders last Saturday kaya hindi ako nakasipot. Ang dami kaya nung cupcakes na inorder sakin nung client ko!”, paliwanag ni Keith habang patuloy ang pagsunod niya sakin hanggang kusina.
Naabutan namin don sina Kuya Genesis at Kuya Duke na parehong nakaupo sa kitchen counter. Si Kuya Genesis ay may hawak na isang basong gatas at si Kuya Duke naman ay may hawak na club sandwich ata. Natigil sila sa pag-uusap nang pumasok kami ni Keith ng kusina.
“Morning”, I mumbled saka ako dumiretso sa double door na ref namin.
Kasabay ng patuloy na pagsunod ni Keith sa akin ay siya ring pagsunod ng tingin ng dalawa kong Kuya saming dalawa ni Keith. Iniisip ko nga kung kaming dalawa nga ba talaga ang sinusundan nila ng tingin o si Keith lang mag-isa.
Agad kong hinagod ng tingin ang loob ng ref namin para maghanap ng makakain ko for breakfast.
“Uy, Tin..”, naramdaman ko ang pagkalabit ni Keith sa manggas ng t-shirt ko. “Sorry na—Ba’t ba kayo tingin nang tingin?!”
Nilingon ko agad si Keith nang magtaas siya ng boses. Busangot ang mukha niya habang nakapamaywang siyang nakaharap sa dalawa kong Kuya. Nang bumaling naman ako sa dalawa kong Kuya ay agad kong napansin ang pamumula ng pisngi nila.
“May lagnat ba kayo, ha? Ba’t ang pula ng mga pisngi niyo??”
Dalawang beses pa silang kumurap-kurap saka sila sabay na nag-iwas ng tingin at bumalik sa pinag-uusapan nila na parang wala lang.
“Ugh, those two..”, Keith muttered and laid her attention back at me. “Sorry na, Tin.”
Binalingan ko rin siya at wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Her face immediately lit up.
“Yey!”, tili niya sabay amba ng yakap sakin kaya muntik na akong matumba.
“Hey! Careful! Tsk!”
Humagikgik lang siya kaya napailing na lang ako bago ako nagpatuloy sa paghahanap ng pagkain ko for breakfast.
“COME AGAIN?!”
Halos magtakip ako ng tenga dahil sa biglang pagsigaw ni Keith.
Kakatapos ko lang ikuwento sa kanya ang nangyari noong Sabado. Muntik pa akong mabulunan dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Obviously, I’m currently having my breakfast with her right now.
“Ssshh! Quiet!”, saway ko sa kanya bago ako nagpalinga-linga sa paligid at baka narinig kami ng mga Kuya kong nag-uusap. “My brothers might hear us.”
Tinapos ko na ang kinakain ko saka ko agad na dinala sa kitchen sink ang pinggan na pinagkainan ko. Tapos na rin naman si Keith kumain kaya tumayo na rin siya at inilagay na rin sa sink ang pinagkainan niya.
“It did not happen! Tell me it didn’t!”, may diin niyang bulong halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari noong nakaraang Sabado.
“It already happened, Keith.”
Lumabas na ako ng dining room para umakyat na ng kwarto ko habang nakasunod pa rin sa akin si Keith. Kailangan ko nang maligo at baka maya-maya lang dumating na si Marcus. May usapan kami kagabi na susunduin niya ako rito sa bahay bago namin kitain iyong mag-fianceé.
Amber called me last night. Gusto niya ulit na magkita kami para ipagpatuloy na ang pagpaplano sa kasal nila ni Ken. Which I agreed into right away, but this time kasama ko na si Marcus. Gah, he’s really serious when he told me that sasamahan na niya ako tuwing kikitain ko sina Ken at Amber. He’s too paranoid over something he shouldn’t even be.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...