Not Yet

267 5 0
                                    

Thirty Two: Not Yet

Pagkatapos naming mag usap ni Ken ay umuwi rin naman agad ako. He insisted about driving me home but I refused to his offer. Pinangakuan ko na lang siya na ite-text ko agad siya once I'm already home.

Pagdating ko ng bahay ay si Daddy agad ang bumungad sa akin. Mag isa siya sa sala at nanood lang ng sports channel sa TV.

"Dad..", lumapit ako sa kanya para magmano. "Sina Kuya po?"

Nag angat ng tingin si Daddy sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "You don't seem fine. Did something bad happen?", he worriedly asked instead of answering my question.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. He's my dad after all. He can sense it if something's wrong with me. But I can not tell him yet. "Pagod lang, Dad."

He gently cupped my face. "I told you not to stress yourself that much, Tin. Ang trabaho ay trabaho pero huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. You're getting thinner already", aniya habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ko.

"Dad, matagal naman na akong sexy..", biro ko.

Umiling iling lang si Dad saka niya bahagyang ginulo ang buhok ko. "Your brothers' out for awhile to visit our company. Baka umuwi din agad sila pagkatapos nila don."

Tumango tango ako. Kaya pala tahimik ang buong bahay kasi wala ang tatlong 'yon dito. This house's getting some peace for awhile, huh?

Pagkatapos naming saglit na mag usap ni Dad ay agad din naman akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Pabagsak akong humiga sa aking kama at nagpasyang itext si Ken na nandito na ako sa bahay. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng antok kasabay ng unti-unting pagbigat ng aking mga mata.

Kinaumagahan ay nagising ako ng alas otso nang katukin ako ni Kuya Gen sa aking kwarto. Napangiwi ako nang pagbangon ko ay nakita kong hindi man lang ako nakapag palit ng damit simula kahapon pagkadating ko rito ng bahay. I lazily made my way to the door and opened it. Agad na bumungad si Kuya Gen sa akin na may dalang tray ng pagkain.

"Morning, princess!", masigla niyang bati sa akin.

Nalaglag ang panga ko habang nakatitig ako sa hawak niyang tray.

Ngumisi lang si Kuya Gen sa naging reaksyon ko. "Sinubukan kitang gisingin kagabi para magdinner, ang sabi mo ayaw mo magdinner kasi inaantok ka. So...", bahagya niyang inangat ang tray na hawak niya.

I can't even remember him waking me up last night. Ganon ba ako kapagod kahapon?

"Uh... thanks, Kuya", tipid ko siyang nginitian saka ko kinuha mula sa kanya ang tray.

Bumagsak ang mga tingin ko sa tray. Isang baso ng gatas, dalawang wheat bread at scrambled egg ang nakalagay dito. Nag angat ulit ako ng tingin kay Kuya saka ko siya nginitian ulit.

"Thank you ulit..."

Kuya lightly patted my head before finally disappearing from my sight. Inilapag ko ang tray sa maliit na table na nasa gilid lang ng glassed sliding door ng kwarto ko. Patungo iyon sa veranda ng kwarto ko. Gusto ko sanang doon kumain sa labas pero dahil halos magtatanghaling tapat na ay mataas na ang sikat ng araw, masakit na sa balat. Bahagya kong inayos ang kulay abong kurtina ng sliding door bago ko tuluyang kinain ang pagkaing hinatid ni Kuya.

Magdamag lang akong nasa kwarto at nagkukulong. Noong lunch ay bumaba rin naman ako para sumabay kina Kuya pero umakyat agad sa aking kwarto pagkatapos.

Blangko ang aking isip habang yakap ang aking malambot na unan at nakatingin lang sa kawalan. Napukaw lang ang atensyon ko nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng aking kwarto.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon