Nineteen: Harder
I feel so thrilled today. Ngayon kasi ang uwi ni Marcus kaya maaga pa lang ay naghanda na ako para sunduin si Keith sa pad niya. Ang usapan kasi ay kami ang susundo kay Marcus sa airport then we’ll eat our lunch somewhere. Libre naman daw ni Marcus kaya G na, hehe. Tsaka isa pa, sobrang namiss ko rin talaga iyong bestfriend ko na ‘yon. Isang linggo din kasi siya don sa province nila, though wala naman ‘yong problema kasi matagal na rin naman siyang di nakakauwi doon.
“You feeling better now?”, alanganin kong tanong kay Keith habang nasa kalagitnaan na kami ng daan. Simula kasi kanina nang sumakay na kami ng kotse ko ay tahimik lang siyang nakaupo sa shotgun seat habang patingin-tingin sa labas.
She weakly smiled at me and nodded a little. “Oo naman, just a little bit sleepy. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi..”
Pansin ko nga. Yung mukha niya parang kulang talaga sa tulog. Baka naman kasi magdamag niyang iniisip si Terrence. Yeah, like how you also stayed up late just thinking of Ken, a part of my mind interrupted. Sheez, baliw na ba talaga ako? Bakit ko ba binabara sarili ko?
“If you want you could take a nap for awhie. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo sa airport..”, suhestiyon ko sa kanya dahil halata talagang inaantok pa siya.
“Okay, thanks..”, she replied then leaned on the back rest and slowly closed her eyes.
Tahimik lang akong nagmamaneho. Medyo malayo-layo din kasi ang airport. Aabutin siguro kami ng isang oras sa daan bago kami tuluyang makarating doon.
Sa sobrang tahimik, suddenly, naalala ko na naman si Ken at ang pinag-usapan namin nung isang araw. Wala sa sariling napangiti ako—kahit na may parte pa rin sakin na sobrang guilty. Kasi alam kong sa desisyon kong ‘to, may masisira ako. Kahit ako, sa posisyon ni Amber, baka mabaliw ako. Imagine your groom-to-be suddenly breaks off your engagement—just because he wanted his ex-girlfriend back. That’ll hurt big time. But on the other hand, on my part, ngayon ko lang piniling maging masaya. Ngayon ko lang pinili ang sarili ko. Can’t I be happy this time?
Deciding about this was never easy. But I already took risk. A big, big risk.
I heavily sighed and shook all the ideas out of my head. Ayoko na munang isipin ‘to. Whatever happens in the future happens. Bahala na.
Nang sa wakas ay makarating na rin kami ng airport ay ginising ko na rin si Keith. Sa malapit ko lang ini-park ang kotse ko para di na kami mahirapan mamaya sa luggage ni Marcus.
“Dito na lang natin siya antayin..”, I told Keith saka ako huminto di kalayuan sa exit door. Tumango lang siya saka nagpalinga-linga. She’s still unusually quiet. Nakakapanibago. Pero hinayaan ko na siya. I just really hope she’ll be fine soonest. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
Limang minuto na ata kaming nakatayo lang malapit sa exit nang maaninag ko na ang mukha ni Marcus na papalabas na ng exit door. Bigla akong napangiti habang nakatingin sa kanya. Kahit naka aviators siya, alam kong siya yon.
“King!”, tawag ko sa kanya dahil halata namang hinahanap niya kami sa paligid. Saglit pa siyang nagpalinga-linga. “MARCUS KING ASUNCION! OVER HERE!”, tawag ko ulit sa kanya. And this time sa eksaktong direksyon na talaga namin ni Keith siya napatingin.
A smile crossed his lips then quickly walked towards us.
“Hey..”, he beamed as soon as he reached us saka niya binitawan ang luggage niya para yakapin ako ng mahigpit.
“Hey..”, I chuckled. “Missed me, handsome?”
“Big time”, natatawa niyang sagot.
Nagulat ako nang biglang magsalita si Keith sa gilid namin. “Eto na naman sila, good lords.”
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
Roman d'amourAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...