Canceled Plan

434 13 0
                                    

Five: Canceled Plan

“Oh, anyare at mukhang sabog na sabog ka yata?”

Ang aga-aga at eto na agad ang bungad sakin ni Keith. Tsaka teka, nga lang.. “Keith, it’s still too early. Ba’t andito ka na? Makikikain ka na naman?”

She frowned and acted like she was really hurt. Clutching her chest, faking it. Tss.

“Uy, girl! Sakit mong makasabing makikikain na naman ako, ah! Wala kaya ako rito kahapon!”

“Wala ka nga rito kahapon, pero nung isang araw andito ka rin. Kumbaga, rest day mo kahapon sa libreng kain mo rito sa bahay!”, sabat ni Kuya Duke na kagagaling lang ng kusina at may bitbit na isang pitsel ng pineapple juice.

“Excuse me, Duke! Ang sabi sakin ni Tito Edward palagi akong welcome dito, no?! Kaya makikikain ako rito kahit kelan ko gusto!”, Keith hissed and rolled her eyes.

“Good morning!”

Halos sabay kaming tatlo na napalingon kay Kuya Gen na kakapasok lang ng dining room. Mukhang kagigising niya lang ata at magulo pa ang buhok niya.

“What’s for breakf—What the.. Andito ka na naman???”, kunot-noo niyang sabi nang mapansin niya si Keith na nakaupo sa tabi ko. “Ano? Makikikain ka na naman?”

Bahagya akong natawa sa turan ni Kuya.

“Hoy! Sabing hindi ako nakikikain dito, no?! Hindi lang talaga ako pinalaking tumatanggi sa blessings! Duh!”

At dahil sila nga sina Keith, Genesis at Duke. Eto at nagsisimula na naman silang tatlo na magtalo sa harap ng hapagkainan. Kung hindi pa sila sinaway ni Kuya Adrian na pumasok na rin ng dining room dala-dala ang sunny-side-up eggs at hotdogs na siya mismo ang nagluto ay baka hindi pa sila tumigil. Idagdag niyo na rin si Dad na kagigising lang din at rinig na rinig na agad ang ingay namin dito sa dining room kaya biglang napasugod na rin siya dito.

Maybe this is really how they start their day here even before when I wasn’t here yet.




Pagkatapos naming mag-breakfast ay agad din akong bumalik ulit ng kwarto ko para ayusin na ang sarili ko. Ime-meet ko kasi ulit ngayong araw sina Amber at Ken.

Bigla akong nag-alinlangan nang maalala ko ulit si Ken. Now that I already knew what did the letter he gave me few years ago contain, kakayanin ko pa bang harapin siya ulit?

“So nabasa mo na talaga????”, interesadong tanong ni Keith sakin matapos kong ikuwento sa kanya na nabasa ko na ang sulat na bigay sakin ni Ken limang taon na ang nakakaraan pati ang laman nito.

Tumango ako habang nagbo-blower ako ng buhok.

“You’re already five years late, Tin. Pano na yan?”

Ngumiti lang ako sa kanya, “Wala naman na akong sinabi na may plano pa akong makipagbalikan ulit sa kanya, eh. Ikaw na nga mismo ang nagsabi, I’m already way too too late. I might as well just forget the letter.”

Pagkatapos kong maayos nang tuluyan ang sarili ko ay agad din akong umalis. Si Keith, ayon at tambay na naman sa bahay. Hinayaan ko na lang. Kawawa naman yung bestfriend ko na ‘yon, mag-isa lang na nakatira sa sariling condo niya. Baka ikabaliw niya pa ‘yon at ako pa ang masisi ng wala sa oras.

Don na lang daw ulit kami sa dating coffee shop kung saan kami unang nag-meet magkikita ulit. Same time. Same place.

Agad akong nagpark ng maayos sa tapat ng Eleanor’s café nang sa wakas ay marating ko na rin ang coffee shop. Katulad ng dati ay doon pa rin sa dating puwesto namin kung saan kami naupo last time ako pumwesto ulit. Which is fortunately, wala pa namang may nakakuha nung table.

Same routine. Magre-recheck muna ako sa planner ko tungkol sa wedding nina Ken habang hinihintay ko sila. Mabuti na ‘to, pampalipas lang ng oras habang wala pa sila dito.

“Church.. Mm-hm?”, I mumbled then bit the tip of the ballpen that I am holding.

May limang choices na ako rito ng simbahan na pwede kong pagpilian mamaya kay Amber kung saan pwedeng ganapin ang kasal nila.

“Flowers..”

I also got seven choices here. Of course, just by merely judging how classy Amber could dress. May mga uri na ng bulaklak akong naisip agad na pwedeng pagpilian sa kanya.

Hindi ko man natapos ang Psychology course ko nung college, kahit papano may natutunan din naman ako sa first priority course na kinuha ko. I can tell pretty well what a certain person likes and dislikes just by simply staring at them for a couple of minutes. Ewan ko ba, may habit na kasi ako simula pa noong bata pa ako na mahilig tumitig sa isang tao na madapuan ng mata ko.

That’s what triggered me to take Bs Psych nung tumungtong na ako ng college.

“Motif..”, I silently fingered the next in line on my checklist.

“Ms. Alonzo..”

Agad akong napaangat ng tingin nang bigla kong marinig na may tumawag sakin.

I felt my mouth open ajar when I saw him standing in front of me.

Saglit pa akong kumurap-kurap bago ko narealize na mag-isa lang siya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para hanapin ang fiancé niya pero wala akong makitang ni isang bakas ni Amber sa paligid. Kaya agad ko ding ibinalik ang tingin ko sa kanya.

“Where’s your fiancé, Mr. Anderson?”




He shrugged before answering my question. “She can’t come, Valentine.”




Saglit akong nanigas sa kinauupan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. It already felt foreign. Unfamiliar.



“She’s coming with her parents for a business trip in Japan. That's why she can’t come.”




“O-okay”, was all I’m capable of saying.




“Kaya wala nang wedding planning na mangyayari ngayon..”


Humakbang siya papalapit sakin.











“Might as well let’s just talk about us, Alonzo.”






Talk about what??




**




AWalkingPoetry: Goodbye migraine! Please don’t come back anymore! Ang dami ko nang na-miss na UDs, eh.


Dedicated to kashika_elle 😊

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon