Twenty Three: I’m Sorry
“Oh my god, Gabriel! Siraulo ka!”, maktol ni Keith mula sa gilid ng pool nang bigla siyang sinabuyan ng tubig ni Gab na ngayon ay tumatakbo na papunta sa gawi nina Terrence habang humahalakhak.
“Come on, Mondragon! Loosen up! Join us!”
“As if!”, naiinis na tugon ni Keith tapos ay padabog na nagmartsa papasok ng bahay.
Hahabulin ko na sana siya kaya lang ay naunahan na ako ni Terrence na umahon ng pool para siya na mismo ang maghabol kay Keith. Nakita ko rin ang mabilis na pag-ahon ni Gab para sundan ang dalawa.
“Don’t worry, she’ll be fine.”
Bigla akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Sky na papalapit sa gawi ko at may dala-dalang towel. Ipinatong niya agad ito sa balikat ko at ibinalot sa aking katawan.
“Uhm, thanks..”, I mumbled as he eventually sat next to me.
Tinanaw ko mula sa kabilang side ng pool sina Marcus, Kurt at Ken na mukhang may masayang pinag-uusapan. I even saw Ken glance at my direction pero nawala din ang atensiyon ko sa kanya nang marinig ko ulit si Sky na magsalita.
“He still loves you..”
Biglang tumambol ang puso ko nang marinig ko iyon mula kay Sky. Lihim akong napamura. Nakakahalata na ba siya? Geez, please ‘wag muna ngayon. Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanilang lahat ang tungkol sa amin ni Ken. Lalong-lalo na kina Keith at Marcus.
I remained quiet. Hindi ko sinubukang umimik at magbigay komento sa sinabi ni Sky. I’m afraid my tongue might slip any slightest information about it. Not just yet.
“Ikaw, Valentine? After all these years, siya pa rin ba?”, rinig kong tanong sa akin ni Sky habang nakatingin pa rin ako sa gawi nina Ken.
Sasagot na sana ako nang bigla kaming lahat makarinig ng sigawan mula sa loob ng bahay. Lahat kami ay nagmadaling pumasok sa loob at agad na bumungad sa amin sina Gab, Keith at Terrence sa sala. Umiiyak si Keith habang yakap-yakap siya ni Gab. And Terrence.. he was just standing there, looking at the two with his eyes filled with sadness and frustration.
Kumalas si Keith mula sa yakap ni Gab at hinarap si Terrence. “You don’t just say you still love me after all these fucking years that passed, Terrence! You don’t just say it after marrying another woman!”, umiiyak na sigaw ni Keith.
Lalapitan ko na sana siya nang bigla kong maramdamang may humawak sa pulsuhan ko. Paglingon ko, it was Ken.
“Let them be..”, he whispered and I stared back at him frustratingly.
“I’m sorry, Keith. I’m sorry..”
Napalingon ulit ako sa gawi nina Keith at nakita ko ang pagak niyang pagtawa habang nagpupunas siya ng kanyang mga luha. “Sa‘yo na ‘yang sorry mo, Gonzales. Hindi ko na ‘yan kailangan”, malamig niyang tugon kay Terrence at nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan.
“Keith!”, Gab yelled calling her out but she didn’t listen. Hahabulin na sana siya nito pero nagsalita ulit si Terrence.
“You like her, don’t you, Gab?”
Nakita ko ang pagstiff ng katawan ni Gab sa tanong na ‘yon ni Terrence. He might be surprised. We were all actually surprised. Bakit naman naisip ni Terrence na may gusto si Gab kay Keith?
“What if I tell you I do, Terrence? Would you break off your own marriage? Would you?”, seryosong tugon ni Gab kasabay ng pagharap niya kay Terrence.
Then the next thing I knew, nagsusuntukan na silang dalawa.
“Awatin niyo silang dalawa! Jesus! Awatin niyo sila!”, I quickly cried.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...