Salty Kisses

453 14 0
                                        

Ten: Salty Kisses

“Fine, fine, Kuya. Maggo-grocery na lang ako mamaya para matahimik na ‘yang kaluluwa mo”, natatawa kong sabi kay Kuya Adrian na halos hindi na maipinta ang mukha.

Tahimik lang siyang tumango bago niya tuluyang isinara ang pinto.

Naiiling na lang akong ngumiti nang bumalik na ako sa ginagawa ko.  I was checking my planner notebook awhile ago when he came inside my room fuming real mad.

Paano ba naman kasi.. ayon, wala na namang laman ang loob ng ref namin kahit kaka-grocery ko lang noong isang araw. At paano ba naman kasi ulit, iyong si Genesis Dale at Duke Louise Alonzo ang dahilan kung bakit ambilis naubos ng lahat ng pagkain sa ref namin!

They’re both a monster eater for real!

Kaya ayon, nasaktuhang naghanap ng makakain si Kuya Adrian at wala siyang mahagilap na pagkain, na-beastmode ang Koya niyo. Para siyang six years old na bata kanina na nagsusumbong sakin na wala na raw siyang mahagilap na pagkain dahil naubos nang kainin nung dalawang kapatid naming bakulaw.

Kaya pagkatapos na pagkatapos kong mag-finalize ng mga konteng details na nakasulat sa planner ko ay agad akong naligo. Mahirap nang malipasan ng gutom iyong si Marco Adrian at baka tuluyan na talagang mabeast mode.

Baka maitakwil niya na ng wala sa oras iyong matatakaw naming kapatid.

Nagsuot lang ako ng isang plain white v-neck tee shirt, faded shorts at saka flip flops. Wala naman na akong balak pang maglibot ng mall dahil wala akong kasama.

Keith’s busy, of course with her business. While Marcus naman, nasa probinsya siya nila ngayon dahil pinapadalaw siya don ng parents niya. Only child lang naman kasi siya, at saka magmula noong umuwi siya rito ng Pilipinas ay hindi pa niya don nabibisita sina Tita Jessica at Tito Raymund. Andon kasi ang business nila kaya doon na rin lang nagstay sina Tito’t Tita.

He called me last night, baka isang linggo daw muna siyang magste-stay doon bago siya tuluyang bumalik dito. Which is just fine with me dahil parents naman niya iyong binisita niya doon.

Kaya eto at lonely ngayon ang peg ko dahil missing in action ang mga partners in crime ko.

Pagbaba ko ng sala ay agad kong naabutan si Dad sa couch na nanonood ng TV habang may hawak na diyaryo.

Nag-angat siya ng tingin sakin nang lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

“Alis muna ako, Dad.”

“May lakad ka?”

I hastily shook my head.

“I’ll just go to the supermarket. Wala na raw kasing laman ang ref natin sabi ni Kuya Adrian kaya maggo-grocery muna ako.”

Ngumiti lang sakin si Dad saka tumango, “Drive safely, okay?”

“Yes, Dad.”

Iyong itim na Range Rover ni Kuya Adrian ang ginamit ko pang-alis. Wala lang, trip ko lang gamitin ang kotse niya hehe. Para tipid ako sa gasolina. Para hindi ko magamit yung sa akin. Pumayag naman siya agad na gamitin ko ang kotse niya. Siyempre, ako kaya ang life saver niya! I’ll buy him foods na para hindi na siya beast mode buong araw.

At dahil isa rin akong mabait na kapatid ay sariling pera ko ang igagastos ko panggrocery. O, diba ang bait ko talaga for real. Kuya Adrian owe me one.

When I got to the mall, I immediately went to the supermarket. Tulak-tulak ang isang malaking push cart ay nagsimula na akong maglagay ng mga kung anu-ano sa loob cart.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon