Seven: The King is Back
“Oh my God! King!”, halos hindi makapaniwala kong sambit bago ko tuluyang tinawid ang pagitan sa aming dalawa ni Marcus para bigyan siya ng mahigpit na yakap.
Muntik pa nga siyang ma-out of balance dahil bigla-bigla ko na lang siyang inamba.
“I’ve missed you, King..”, mahina kong bulong sa kanya habang yakapa-yakap ko siya.
Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya bago rin siya tuluyang gumanti ng mahigpit na yakap. I’ve felt him burry his face on my neck.
“I’ve missed you too, Queen.”
“At talagang si Keith lang ang sinabihan mong uuwi ka dito, ah? Anong klase bestfriend ka?”, pabiro kong sumbat kay Marcus.
Diretso na raw muna kami sa dating condo niya dahil gusto niya raw munang magpahinga. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako na ilang ulit nang nakasakay ng eroplano ay nakakaramdam pa rin ng jetlag tuwing bumibiyahe ako.
“Surprise nga kasi, girl”, natatawang turan ni Keith habang nagmamaneho siya. Saglit niya pa kaming sinulyapan ni Marcus mula sa rear mirror.
“And I guess it really did surprise you, Queen.”
“Talagang-talaga! Alam mo bang mukhang tanga ako don kanina na hindi man kilala kung sinong inaantay namin ni Keith? I didn’t really expected it would be you!”
Halos sumayad na nga ang panga ko sa lupa kanina nang makita kong naglalakad si Marcus papalapit samin.
“I’m glad I’m back, Queen”, nakangiting sabi ni Marcus bago niya mabilis na dinampian ng halik ang noo ko.
“Ayan tayo, eh! Naku! Pag talaga itong kotse ko binahayan bigla ng mga langgam, kayong unang-unang sisisihin ko!”, kantyaw ni Keith kaya napailing na lang kaming dalawa ni Marcus.
Parang hindi pa talaga siya sanay saming dalawa ni Marcus. Eh, college pa lang kami, ganito na talaga kaming dalawa. Sweet. Palaging napagkakamalang mag-boyfriend-girlfriend.
Panay kuwentuhan lang kami ni Marcus hanggang sa makarating na kami ng condo niya. At dahil gusto niya munang magpahinga ay napagpasyahan na lang namin ni Keith na hayaan na muna siyang magpahinga. Kaya naisipan na lang naming umuwi na muna.
Before we could finally go, hiningi muna ni Marcus ang bagong contact number ko. Agad ko rin naman itong ibinigay sa kanya saka kami tuluyang nagpaalam ni Keith sa kanya. Baka bukas na lang daw ulit kami magkita.
Dito na rin naman siya magpapatuloy ng pag-aaral niya kaya we’ll be still having a lot of time to catch up with each other. No need to run after the tick of the clock.
At dahil nga nakisakay lang naman ako kay Keith kanina ay siya na ang naghatid sakin pauwi.
“Oh?”, tinaasan ko ng kilay si Keith nang sumunod rin siya sakin na bumaba din ng kotse niya pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.
“Patambay muna, ah?”, she gave me her widest smile before dashing off inside our house.
Napailing na lang ako bago ako sumunod.
I bet magiging maingay na naman ‘tong bahay namin dahil sa kanya.
**
Nakatunganga lang ako sa laptop ko nang bigla namang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong dinampot para sagutin. Ni hindi ko man lang nagawang i-check kung sino yung tumawag.
“Hello?”, bungad ko sa kabilang linya.
“Good evening, Ms. Alonzo.”
Bigla akong tinakasan ng boses ko nang marinig ko ang boses ng tumawag sakin.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...