Thirty Three: Hardest Battle
"I'll have Pasta Ricardo, Shrimp Curry and Americano..."
Mabilis agad na isinulat ng waiter ang mga binanggit ko sa maliit na notepad na hawak niya.
Nag angat ako ng tingin kay Sky na hanggang ngayon abala pa rin sa pagdungaw sa menu. Maya maya lang ay nag angat din siya ng tingin sa waiter sa gilid namin.
"I"ll have Caesar Salad, Gambas, Pepper Steak and Cappuccino."
"Is there anything else you need aside from this, Sir?"
Umiling si Sky pagkatapos non ay mabilis agad na umalis ang waiter sa gilid namin. Bahagya akong nagtingin tingin sa kabuuan ng restaurant kung saan ako dinala ni Sky. Konti man ay mapag hahalataang halos lahat ng customer dito ay mayayaman. I feel like this resto is exclusive only for rich people. Buti na lang pala at semi formal ang dress na suot ko... hindi out of place sa atmosphere ng resto.
"You like it here?"
Naibalik ko ang tingin ko kay Sky na ngayon ay nangingiting nakatitig sa akin.
Bahagya akong ngumiti at tumango.
"Glad to know", aniya na hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.
Parang bigla akong nailang. There's something about the way he looks at me that makes me feel uneasy. Like, the emotion behind his eyes feels familiar. O baka naman masyado lang akong nag iisip.
"Wala ka nang planong bumalik ng China?", tanong ko para lang maibsan ang ilang na nararamdaman.
"Nope", iling niyang sabi. "I'm sure Ate Sheer can handle it..."
Now that he mentioned Ate Sheer, I wonder kung kamusta na kaya siya. It's been five years since the first and last time I saw her.
"Wala siyang planong umuwi rito?", tanong ko ulit sabay baling sa labas kung saan kitang kita ang mga nagdadaang sasakyan.
"I'm not really sure. Pero sabi niya baka umuwi daw siya three months away from now."
Tumango tango ako, hindi alam kung ano nang susunod kong sasabihin. I can still feel the intent stares he's giving me. Napilitan akong lingunin siya. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. I awkwardly smiled back.
"Valentine..."
Iyon pa lang ang sinabi niya pero halos kumalabog na sa kaba ang puso ko. Like I already knew what's going to happen next.
"I want to formally court you."
My breath hitched. Parang bigla akong nawalan ng boses. I want to say something but words won't come out from my mouth.
"I know you're not expecting any of this revelation, Valentine, pero gusto ko lang sabihin sayo'ng matagal na kitang gusto..."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Matagal? Gaano katagal? Last week? Last month? Then realization sinks in... Oh my god, hindi naman siguro ganon katagal, diba? It's far from being possible!
"Back when we were still college, gusto na kita. Pero alam ko kung saan ako lulugar. Because that was still those times that you were still so in love with my cousin..."
Oh my god. I am still so in love with him up to now! I wanted to say.
Magdamag akong tahimik hanggang sa tuluyan nang dumating ang order namin. Pakiramdam ko ay lumilipad ang isip ko dahil sa pag amin ni Sky. Hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman dati. Pero hindi ko lang inakalang magpahanggang ngayon, he still has that kind of feeling towards me.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...