Four: Forgotten Letter
Halos dalawang linggo ko na rin palang pinaplano ang kasal nina Ken at Amber. And seriously, medyo nahihirapan ako the fact that I don’t have my team with me. I used to have my team everytime I’m planning big weddings. At ngayon, eto ako mag-isang nagpa-plano. In short, ako ang gumagalaw sa lahat.
Kaya heto ako at tinatanong ngayon si Keith kung meron ba siyang kilala na at least, pwede man lang tumulong saking magplano nito.
“Well..”, her voice trailed off.
“Well..”, I mimicked her.
“I’ll find you one, I’ll try”, nakangiti niyang sabi sakin.
Bumuntong-hininga na lang ako bago ko siya tuluyang tinanguan. Kung pwede lang kasi sanang siya ang kunin kong tutulong sakin, but she can’t. She has her own business. Hindi ko pa ba naikukuwento? Keith already has her own pastry shop. Yes! She bakes! Akalain mo ‘yon? Ang simpleng pagkahilig niya lang noon sa pagbe-bake ay may magagawa rin palang magandang dulot sa kanya.
Halos dalawang linggo rin kasi siyang on leave sa sariling shop niya dahil halos dalawang linggo na rin kaming puro lakwatsa. Well on her own words catching up daw. Halos limang taon din daw kasi siyang walang kasamang maglakwatsa kaya heto at binabawi namin ang lahat ng mga panahon na hindi kami nakaka-paglakwatsa sa kung saan-saang sulok ng Pilipinas.
Halos dalawang oras din akong nakatambay sa condo unit ni Keith nang tuluyang ko nang mapag-desisyunang umuwi na. Kelangan ko pa kasi ulit planuhin at i-check ulit ang mga details nung kasal nina Ken at Amber. Marami pa kasing kulang na dapat pang i-polish at follow up.
“Oh, ang aga mo atang umuwi?”, bungad sakin ni Kuya Duke nang makasalubong ko siya habang paakyat na sana ako ng kwarto ko.
I shrugged and smiled, “Workloads, Kuya.”
“Don’t stress yourself out too much, okay?”, he said as he patted my head. Tumango lang ako bago ako tuluyang dumiretso na ng kwarto ko.
Agad akong sumalampak sa kama pagpasok na pagpasok ko ng kwarto. I heavily sighed as I came to think of my Kuyas and of course, Dad. They didn’t knew I was here for Ken’s wedding. All they knew is that kasal ng isang sikat na politician at magaling na chef lang ang pinaplano ko. Well, I was pertaining to Amber. Kinuwento lang din ni Keith sakin kanina nang tumambay ako sa condo niya.
Amber Teasdale also has a name to kinda take care dahil nga anak siya ng mga kilalang tao dito sa Pilipinas. Kaya naman nang malaman ng buong bansa na ikakasal na siya kay Ken ay pati si Ken nadamay na rin sa kasikatan niya. Some names to be taken care of real hard. I wonder how it feels.
Yes, people may easily recognize me now. Pero hindi naman bantay sarado ang bawat galaw ko. I can do the things I wanted to do. But thinking of Amber as a daughter of a well-known politician, I can’t imagine how she’s having a hard time to be goody-goody in front of all people.
Don’t get me wrong, she’s obviously nice. Pero may mga tao talaga sa paligid natin na kahit gaano pa tayo kabuti sa kanila, may masasabi at masasabi pa rin silang masama satin. That’s what really sucks about our society right now. People nowadays are overusing their freedom to speak. Hindi nila alam minsan na may naaapektuhan na pala sa mga sinasabi nila.
Pagkatapos kong mahiga sandali ay bumangon ulit ako. Need to do my job now. I rummage through my closet so that I could change my clothes na sana pero nabigla ako nang may mahulog mula sa loob ng closet ko.
Pinulot ko ang nakatuping papel na nahulog sa sahig.
Ano ‘to? I asked to myself.
Wala naman akong may naalalang papel na itinago rito sa closet ko, ah? Kararating ko lang naman two weeks ago, I don’t even remember someone giving me a letter. Curious enough, bumalik ulit ako sa kama ko at naupo sa sulok nito saka ko binuksan ang nakatuping papel.
Biglang lumakas ang pintig ng puso ko nang masimulan ko nang basahin ang laman ng papel. Now I already remember where this letter came from.
January 12, 20**
I know you’ve been through a lot now, Tin. Pero pwede bang ‘wag ka na lang umalis? Kelangan mo ba talagang umalis? Do you really want to leave us here? Kaming sobrang maaapektuhan sa pag-alis mo? Do you really want leave me here?
Huminto ako saglit sa binabasa ko saka ko iniangat ang ulo ko trying to resist the tears that’s already starting to sting at the corner of my eyes. I felt a pang of pain inside my chest. Afterwards, I began reading again.
I know I’ve been such a jerk for causing you too much pain, Tin. Pero pwede bang maging isa ako sa mga rason para wag ka na lang umalis? I know I can’t take away all those pain you’re trying to bear all alone. Pero pwede ba kitang samahan kita? Pwede bang samahan kitang indahin lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman mo hanggang sa maging okay ka na? Yes, I’m already engaged to Krystal, but it’s only for business purpose, Tin. Hindi ko naman siya mahal, eh. Because truth is, it will always be you. No one could ever replace you. Alam kong hindi na ako karapat-dapat para sa third chance na pwede mong ibigay. Sobrang nasaktan na kita at oo ang gago-gago ko kasi nagawa ko ‘yon sa’yo.
Sino ba naman kasing matinong tao ang kakayaning saktan ang taong mahal niya.
But will I ever still deserve the third chance? Kasi hindi ko na kayang malayo ka pa ulit sakin, Valentine. I can’t bear seeing you bear the pain alone. Can you atleast share the pain you’re trying to bear alone with me? Because you’re worth all the pain, Tin. I think, you’re worth all the pain after all these years.
Please stay.
-Ken
Sa isang iglap, bigla na ang nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko bumalik ang lahat ng sakit na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon.
Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang ‘to nagawang basahin?
Pilit kong pinahid ang mga luhang nag-uunahang lumandas sa pisngi ko pero parang wala namang kwenta ang ginagawa ko. No matter how I tried drying my tears, it just won’t stop. It just won’t.
I glanced at the letter that I’m holding once again. Basa na ito ngayon ng mga luha ko.
I now remember this letter. The memory was just too vivid already.
“Ayaw mo talagang basahin?”
I weakly shook my head.
“Galing yan kay Ken, Tin. Malay mo may importanteng sinabi pala siya sa’yo diyan sa sulat na ibinigay niya”, Keith let out a skosh smile.
“Saka na siguro, Keith. Kapag okay na ako. Saka ko na yan babasahin.”
“O, sige. Basta itago mo agad ‘to, ah. Baka kasi maitapon mo.”
That day, mas pinili ko na lang na itago ang sulat na ibinigay sakin ni Ken kesa sa basahin ‘to. Tandang-tanda ko pa, natanggap ko ang sulat na ‘yon isang linggo na lang bago ako tuluyang umalis ng bansa.
Kung binasa ko kaya ‘yon..
Will I choose to stay?
Will I choose to share the pain with him than bearing it all alone hundred of miles away from him?
Tears keep running down from the corner of my eyes. Pakiramdam ko hindi ko pa ubos ang luhang iniyak ko limang taon na ang nakalipas. The pain became fresh from my memories..
Na-miss ko tuloy ulit si Mommy. Kung sana andito pa siya.
Ang sakit na naman kasi bigla.
I came back here expecting I’m already brave enough to face all the pain I’ve tried running away from few years ago. Pero bakit ganon? Bakit nakakatakot pa ring masaktan?
Nakakatawa lang talaga na kung kelan na ikakasal si Ken sa ibang babae, ngayon ko pa lang nabasa ‘tong sulat na ibinigay niya sakin.
Kaya ba siya mukhang galit sakin?
Kasi akala niya mas pinili kong lumayo kesa sa manatili para sa kanya?
Kung mas pinili ko bang manatili..
Will I be the woman he’s about to marry just only few months ahead from now?
Ako ba dapat sana ang ikakasal sa kanya at hindi iba?
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)
RomanceAnd now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a professional Wedding Planner of her one and only Ex's soon-to-be wedding. Would she dare accept the mission? (AwalkingPoetry) All Rights Rese...