The Sender

452 8 0
                                    

Twelve: The Sender

Oh my God! Hindi naman siguro ako namamalik mata, no? Si Sky nga ‘tong mismong nasa harap ko!

“Done staring?”, nakangising sabi ni Sky pero nanatili lang akong nakatitig pa rin sa kanya.

“Ikaw nga..”, sambit ko na lang nang makumpirma ko sa sarili kong siya nga itong nasa harap ko. “Oh my gosh! Sky!”, bigla ko siyang inamba ng yakap kaya muntik na siyang matumba.

I heard him chuckled as he hugged me back tightly.

Grabe! Siya nga! Geez! I’ve missed this bastard!

“Chansing ka na sakin Valentine, ah”, narinig kong natatawa niyang sabi kaya agad akong napakalas ng yakap sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin atsaka pinameywangan, “Long time no see, jerk!”

Bahagya siyang lumapit sakin saka niya kinurot ang pisngi ko. Napanguso na lang ako. Parehong-pareho talaga sila ni Marcus ng habit. Seriously? What’s with my cheeks?

“I’ve missed you too—”

“Ate Tin!”

Bigla akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Aika don na hinihingal pa.

“Aiks!”, mabilis ko siyang nilapitan saka inalo. Sheez! Nakalimutan kong naiwan pala siya namin ni Sky kanina. “Okay ka lang? Sorry, bigla kang naiwan mag-isa don. Si Sky kasi, e!”, saglit kong nilingon si Sky na binigyan lang ako ng ‘What?’ look. “Bigla na lang niya akong hinatak.”

“Hey! You should even thank me, Valentine”, busangot niyang tugon kaya sinamaan ko lang siya ng tingin saka ulit ako bumaling kay Aika na mukhang nahabol na ang kanyang hininga.

“Geez! That was creepy!”, bigla niyang sambit saka bahagya pang lumingon sa likod niya. “Okay ka lang ba, Ate? Were you hurt? Oh my God! Sorry talaga kanina Ate, ha? Hindi ko naman inexpect na sobrang pagkakaguluhan ka!”

“Hey, hey..”, bahagya kong kinalma si Aika. “It’s fine, okay? ‘Wag mo nang alalalahanin ‘yon”, I reassuringly smiled at her.

Napabuntong hininga na lang siya saka may nilingon ulit sa kanyang likod.

“Geez, buti na lang andito sina Kuya Sky at Kuya Ken..”, I heard her muttered kaya biglang napakunot ang noo ko.

“K-ken’s also here?”

Nilingon ulit ako ni Aika na mabilis na tumango.

“He was the one who dragged me away from those creeps!”

At parang on the spot sumulpot bigla si Ken sa likod niya na diretso lang ang titig sakin.

He’s really here too!

Aika and I haven’t finished our food because of the incident earlier. Kaya binayaran na lang ni Ken ang bill namin sa resto saka kami lumipat sa ibang resto. But this time hindi na masyadong matao sa resto na pinili namin. Tsaka malayo rin sa siyudad. With my high hopes na sana walang masyadong makakilala sakin.

Lutong bahay ang mga foods sa resto na pinaglipatan namin ni Aika kaya na-enjoy na rin namin ang pagkaing inorder namin kahit na nabitin kami don sa kinain namin sa Deumseok kanina. Tsaka panatag na rin kami kasi mukhang wala namang masyadong may nakakapansin sa existence ko sa loob ng resto kaya tahimik kaming nakakain ni Aika.

“Kelan ka pa umuwi?”, I asked Sky para lang basagin ang katahimikang bumabalot saming apat.

Nakapangalumbaba lang siya sa tabi ko at nakatitig sakin.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon