Always

335 9 0
                                    

Twenty Four: Always

Kinaumagahan ay halos ako yata ang pinakahuling naggising sa aming lahat. Pagbaba ko ay naabutan ko agad sina Marcus at Kurt na naglalaro ng Wii sa sala.

“Morning, Queen”, bati sa akin ni Marcus nang lumapit ako sa kanila.

Binati rin ako ni Kurt.

“Where’s.. everyone?”, bungad ko sa kanila habang lumilinga-linga ako sa loob ng bahay. Ang tahimik naman yata? Umalis yung iba?

Saglit akong tinapunan ng tingin ni Marcus tapos ay tumutok ulit siya sa nilalaro nila ni Kurt. “They’re outside.”

“Nag-aya si Sky samin kanina na pumunta sa kabilang bahay. Mamimitas daw sila ng mangga don. Kilala niya raw kasi yung may-ari ng bahay sa kabila. The owner invited us to come over so they could give us some ripe mangoes”, Kurt added not taking off his stares on the game.

“Di kayo sumama?”

“Fuck you, Marcus! Ang daya mo!”, biglang tili ni Kurt saka niya mahinang sinapak si Marcus sa braso.

“Ang hina mo lang kamo”, ganti ni Marcus kay Kurt saka niya sinagot ang tanong ko. “We went over. Nauna lang talaga kaming umuwi kasi sobrang init sa bakuran sa kabilang bahay..”

Ang sabi ni Marcus ay kanina pa raw sila tapos kumain ng breakfast kaya wala akong choice kundi ang kumain ng breakfast ko mag-isa.

“Ipinagtabi na kita ng bacons sa lamesa. You can pre-heat it if you want”, pahabol na saad ni Marcus bago ako tuluyang makapasok ng dining room.

“Okay!”

Katulad ng sinabi ni Marcus ay may natakpan ngang tirang bacons sa lamesa. Saglit ko iyong ininit sa oven saka ako tuluyang kumain ng breakfast.

I was peacefully enjoying my breakfast even though mag isa lang akong kumakain nang biglang bumukas ang pintong konektado sa kusina. Iniluwa non si Ken. Sa kamuntikan kong pagkabigla ay bigla akong nasamid.

Nakita ko ang pag-panic ni Ken sa pagmamadaling abutan ako ng baso ng tubig.

My god, Tin! You just made yourself look stupid! Lihim kong sermon sa sarili.

“You okay now?”, bakas ang pag aalala sa mga mata ni Ken nang dungawin niya ako matapos kong inumin ang baso ng tubig na inabot niya.

“Uhm..”, bahagya akong tumikhim. “Yeah, thanks..” Palihim kong kinagat ang aking labi. This is awkward.

“You idiot! Tirhan mo ako ng mangga!”

“Marami pa naman don sa basket, ah!”

“Ayaw ako bigyan ni Sky!”

Sunod-sunod ang naging ingay mula sa loob ng kusina. Sa pakiwari ko ay nakarati na silang lahat galing sa kabilang bahay. Bakit kaya doon sila sa likod ng bahay dumaan?

“I’ll just take a quick shower. Finish your foods, we'll be going somewhere after.”

Hindi na ako hinayaan pang magsalita ni Ken. Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko kasabay ng pagpasok nina Keith sa loob ng dining room mula sa kusina.

“Oy, Tin! Gising ka na pala! Sayang di ka nakasama samin!”

Nilingon ko sila na isa-isang niluluwa ng pintong nakakonekta sa kusina at dining room.

“Tinirhan na kita bago pa maubos ng mga ugok ‘tong binigay satin ni Aling Celia sa kabila”, bahagyang inangat ni Sky ang isang basket ng mangga na hawak niya.

Nakita ko ang pagbusangot ni Terrence sa kanyang likod.

“Akala mo naman kaya yang ubusin lahat ni Tin!”

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon