All I Ask

373 15 1
                                    

Seventeen: All I Ask

"Promise, I'm already on my way na. I'll just text you again when I get there."

Napabuntong hininga na lang ako bago ko saglit na sinulyapan si Sky na nasa itaas pa rin ng podium at patapos na rin sa speech niya.

"Okay, text mo agad ako ah?", paninigurado ko sa kanya.

"Yup, I will. Sige na, sige na. Baba ko na 'to. See you in a bit."

"Okay, see you.."

"Again, thank you for those who came here tonight! The night's still young, enjoy the party everyone!"

Kasabay ng pagbaba ko ng tawag ay siya ring pagtapos ng speech ni Sky sa podium. Pagbaba niya ay agad na binalot ng classical music ang hall. Nagkakasiyahan na rin ang lahat. At ako, nanatili lang ako sa pwesto ko. Gusto ko sanang lapitan si Sky kaya lang ay nakita kong isa-isa na siyang nilalapitan ng mga lalaking bisita. Kaya mas pinili ko na lang na manatili sa pwesto ko habang hinihintay ko ang text ni Keith.

"Hi."

Agad akong napalingon sa bumati sa akin. Napa-mental "Oh" ako nang makaharap ko na yung lalaki. Okay, one word. Gwapo. Two words na lang pala. Gwapo. Hot.

Nabalik lang ako sa katinuan ko nang ngumiti siya sa akin. Sheez! He must've thought I was drooling over him! Bakit hindi ba, Tin? Geez! Baliw na ako! I'm talkting to myself na!

"Red", bigla niyang sabi pagkatapos ay naglahad siya ng kamay sa akin.

"Uhm-Olivia", alanganin kong tinanggap ang kamay niya. "Olivia Alonzo."

"Ikaw yung-"

"Alonzo."

Paglingon ko ay agad na bumungad si Sky sa akin. Nakasimangot siya habang nakapamulsang nakatingin sa amin ni Red. Mabilis siyang lumapit sa gawi namin at nabigla ako nang ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. This time, sa lalaking kausap ko na bumaling ang atensiyon niya.

"Alfred Castellano. Nice to see you again", pormal niyang bati kay Red.

Okay, dapat inexpect ko nang magkakilala silang dalawa dahil andito si Red sa celebration party niya.

"Nice to see you again, Skyler Anderson. How have you been?", nakangiti si Red pero pansin ko ang titig niya sa kamay ni Sky na nasa bewang ko. Good lord, bakit parang biglang naging awkward ang atmosphere?

"I'm good. Actually I feel great", sagot naman agad ni Sky sabay sulyap sa akin.

"I see. That's good to hear. Anyway, see you around and congratulations again."

Tumango lang si Sky bago tuluyang umalis si Red palayo sa amin. Nakatingin pa ako sa likod ni Red nang bigla na namang magsalita si Sky sa gilid ko kaya binalingan ko ulit siya.

"Type mo 'yon?", nakasimangot niyang tanong kaya natawa ako.

"Type agad? Kakakausap ko pa nga lang don sa tao", depensa ko habang nagpipigil ng tawa. Mas lumukot ang itsura ni Sky kaya tuluyan na talaga akong natawa sa reaksiyon niya. "Ngiti ka nga, party mo 'to tapos nakasimangot ka", kinurot ko ang magkabilang pisngi niya pero nakasimangot pa rin ang baliw.

"Ngiti ka na..", I pouted. Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin tapos ay bumuntong-hininga. Humarap ulit siya sa akin at unti-unting ngumiti kaya napangiti na rin ako. "Better."

Magsadalita na sana si Sky nang bigla namang nag-ring ang phone ko. It was Keith.

"Hello-"

"T-tin..", garalgal ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong nataranta.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon