ELISA
"Mama sino 'yong girl na kaaway mo?" I looked at my son. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Isang linggo na ang lumipas matapos ang magandang eksena na nangyari sa pagitan namin ni Leslie, pero hanggang ngayon, trending pa din kami. God!
Napapatawa na nga lang ako kapag nakikita ko kung saan-saan o napa-panood sa TV ang eksena namin. Para akong nanonood ng drama at ako ang kontrabida. Paano ba naman, late na silang nag-video. Eh di sana, nakita nila kung sino ang nauna. Baka mamaya, ako pa ang lumabas na masama!
"She's nothing. Drama lang 'yon." Sabi ko sa anak ko.
"Hindi naman po 'yon drama eh. Mama, bakit ka niya inaway?"
"Eric matulog ka na okay?"
"But mama"
"Bukas na lang tayo mag-usap. And please Eric, 'wag ka munang manood ng TV kung hindi naman cartoons ang papanoorin mo. You can watch anything, except muna sa mga news okay?" Paalala ko sa kanya.
Ayoko kasi na nakakapanood siya ng mga ganon at ayoko na magtanong siya ng magtanong sa'kin. I don't want him to worry because of me.
"O—okay mama." Sabi nito habang naka-yuko.
"Eric..."
"Mama, kailan ko ba makikita si papa? Hindi niya ba 'ko nami-miss?" Bigla nitong tanong.
Hindi agad ako naka-imik.
"M—mama..." Tumingin ito sakin.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya sa nakikita ko.
"Mama kapag ba nagsinungaling ako sa'yo, magagalit ka sa'kin? Ha, mama?" Tanong nito.
Kumunot naman ang noo ko.
"Why would I be mad at you? Bata ka pa, at masama ang magsinungaling." Sabi ko.
Yumuko ito ulit at nilaro-laro ang daliri niya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya.
"Eric... May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Tanong ko.
Nag-angat ito ng tingin sa'kin sabay iwas ng tingin.
"Eric."
"I—I'm very sorry mama. Please don't get mad!" Hysterical na sabi nito kaya naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.
"Why? May ginawa ka ba?" I asked.
Tumingin siya saglit sa'kin at yumuko ulit. Ganito siya kapag may kasalanan sa'kin.
"Look at me, Eric." Hindi pa din ito tumitingin sa'kin.
I held his chin up.
"Mama..."
"What is it? Come on, tell me."
"Si papa..."
"W—what about him?"
"We're always having a video chat." He stated.
Napabitaw ako at napatigil saglit.
Bakit ba hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari 'yon? Masyado akong naging kampante.
"Sorry, mama."
"S—since when Eric? And why you didn't tell me?" I asked.
"Since you bought me a laptop. I'm sorry mama, I lied because you'll get mad." He said.
I sighed heavily.
"I'm sorry mama. I know that you and papa were already broke up. I pretend that I don't know anything. That I'm not hurting. Papa said you hate him." Napatingin ako sa anak ko.
All this time, Akala ko wala siyang alam sa mga nangyari. Pero matagal niya na palang alam at hindi ko man lang namalayan na nakakapag-usap na pala sila ng ama niya. At ang masakit sa parte ko, hindi ko man lang naisip na matagal na din na nasasaktan ang anak ko.
"I'm sorry Eric. I'm sorry."
"Mama..."
"You're right. Matagal na kaming wala ng papa mo. Because..."
"Why mama? Bakit po kayo naghiwalay?" I looked at him.
"Eric... You'll not understand. Hindi ko pa kayang sabihin sa'yo ang lahat kasi bata ka pa. Yes, you're smart. But that's not a reason for you to find out. You're still too young to understand everything." I explain.
Nakatitig lang siya sa'kin.
"I know mama."
Malungkot akong ngumiti at hinaplos ang maamo nitong mukha.
"You'll understand at the right time." I said.
"Yes, mama... "
"A—anong sinasabi sa'yo ng papa mo?" I asked.
Ayoko sanang tanungin pero gusto kong malaman kung ano ang mga sinasabi niya sa anak ko. Baka mamaya ay may mga plano siya na 'di ko nalalaman. Sigurado pati ako, na alam niya ang pag-uwi namin dito lalo na at may communication silang dalawa ng anak ko. If I have an idea that my son might have a communication with him, and so I'll not buy him a laptop by chance.
"Mama galit ka ba sa'kin?" Napatingin naman ako sa anak ko.
"Hindi. Hindi ako galit okay? I'm shocked kasi nakakapag-usap na pala kayo." Sabi ko.
"I'm sorry mama. 'Di na po mauulit."
"Hindi mo na siya kakausapin?" Tanong ko.
"Kasi mama magagalit—"
"No! No, don't. You can still talk to him. He's your father. Basta 'wag mo na lang akong babanggitin sa kanya okay?"
"But he's always asking me about you. He's always looking for you too."
Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Ako? Hinahanap niya? At nasaan ang pake ko? Parang dati lang halos hindi na 'ko natutulog kakahintay noon sa kanya.
"And why?"
"I don't know mama. Miss ka na po niya."
Napataas naman ang dalawa kong kilay.
"Really? Ano pa?"
"He said last time that he's going to take you back. And he asked me for my help." I stopped.
What?! At talagang balak niya pang gamitin ang anak ko ha!
"Hayaan mo siya. 'Wag mo siyang tulungan. Matanda na ang papa mo, kaya niya ang sarili niya."
Let's see if you'll have any chance to get me, Dominic.
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...