Chapter 72

11.1K 218 7
                                    

ELISA

I'm in Palawan. Standing in front of a duplex house. This is the address that Mama gave to me. I have been here in the Philippines with my kids for a month and we will be back in Geneva next week. Naisipan kong puntahan si Marco para kamustahin siya. Kahit sobrang layo ng lugar na 'to. At kahit may tampo ako sa kanya, gusto ko pa rin malaman kung kamusta na siya. Base sa itsura ng bahay niya ngayon, alam kong maayos ang lagay niya.

Bumaba ako mula sa kotse ko. Hinangin ang maikli kong buhok. Pagkatapos ay tumawid ako. Palubog na ang araw ngayon at wala ako masyadong nakikita na tao sa paligid. Ganito nga siguro sa probinsya, maaga silang magpahinga.

May doorbell akong nakita kaya pinindot ko iyon.

Narito kaya si Marco?

Ilang beses kong pinindot ang doorbell hanggang sa may magbukas ng gate. Bumungad sakin ang isang buntis na babae.

Hindi ko siya agad namukhaan pero ng makilala ko kung sino siya, biglang bumalik sakin lahat ng ginawa niya.

What is she doing here?!

"Elisa..."

"Anong ginagawa mo rito Leslie?!" Gustong-gusto ko siyang sampalin pero ng makita ko ang kalagayan niya, nagpigil ako.

Hindi na siya tulad ng dati. Payat na siya ngayon at halatang maraming iniisip. Ganon pa man, maganda pa rin siya. Pero kriminal ang babaeng 'to.

Hindi pa rin siya umiimik at pansin ko ang pamumutla niya. Nagbaba ang tingin ko sa tiyan niya. Tingin ko ay nasa 5 buwan pa lamang iyon. Napahawak siya sa tiyan at napaatras ng mapansin niya ang pagtitig ko.

"Please, don't hurt me and my baby..." Takot na sambit niya. Napatawa ako. Anong tingin niya sakin? Mamamatay tao katulad niya? Huh! Hindi ko alam kung bakit narito siya sa bahay ni Marco! Kaya ba hindi na siya nagpakita sakin? Dahil tinatago niya si Leslie? Kung ganoon, he betrayed me!

"Nasaan si Marco?" Tanong ko.

"I–I don't know him—"

"Huwag mo 'kong gawing tanga! Nasaan siya?!"

"Hindi ko siya kilala–"

"Kung hindi ka aamin, tatawag ako ng police at ipadadampot kita! I don't care if you're pregnant! Mamamatay tao ka! You killed my husband!" Hinampas ko ang bakal na gate dahil sa galit ko.

Napaatras siya lalo dahil sa ginawa ko.

"Fine!" Pikit matang sabi niya sabay hinga ng malalim. Gumilid siya.

"P–pumasok ka... Basta huwag mo lang sasaktan ang baby ko..." Padabog akong pumasok sa loob ng bahay nila at hinanap si Marco. Pero wala siya.

"He's still at school..." Pabulong na sabi niya. Nilingon ko siya.

"Bakit magkasama kayong dalawa, huh? Kasabwat mo ba siya? Sumagot ka!" Hinawakan ko ang magkabila niyang braso.

"No, hindi ko siya kasabwat." Umiling ako.

"Liar!" Tumingin siya sakin.

"Don't hate him. Wala siyang kasalanan sayo. Ang tanging kasalanan niya lang ay ang pagtulong niya sakin. Ako ang lumapit sa kanya Elisa. Ako ang nagpumilit sa kanya." Binitawan ko siya.

I can no longer bear what is happening. It's as if I was going crazy. I am very confused. Why? Why her?

"I'm sorry!" Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko. "Patawarin mo 'ko. Iyong nangyari kay Dominic, hindi ko iyon sinasadya. Aksidente iyon, maniwala ka. Wala akong balak na patayin siya. Ang gusto ko lang noon, sumama siya sakin. Hindi siya pumayag at gusto niya kong dalhin sayo kaya nakipag-agawan ako sa kanya sa manibela. Hindi ko akalain na maaaksidente kami. Ng lumiyab na ang sasakyan, nagmadali akong lumabas. Hindi ko na siya nagawang iligtas dahil nabigla ako sa nangyari. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa... pinuntahan ko si Marco sa bahay niya. Kahit puro dugo at pasa ako sa katawan, pinuntahan ko siya. He's shocked when he saw me. Ayaw pa niya akong papasukin o tulungan noon. Kilala niya ko. I begged him–to help me. Ayaw niya pa rin. Wala na akong choice noon kung hindi takutin siya na kapag hindi niya ako tinulungan... I'll kill him. Pagkarating ko noon sa Geneva, una kong inalam kung saan siya nakatira. Sinadya ko ring magpakita sa kanya noon sa labas ng building mo. Balak kong gamitin siya para mapalapit sayo. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkatataon na makalapit sa kanya. Kaya ako na lang ang kumilos mag-isa para makuha si Dominic. Pero hindi ganoon ang nangyari... I made a mistake. I'm very sorry... Nadala lang ako ng sobrang pagka-gusto ko sa asawa mo." Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang nagmamakaawa sakin.

I never saw her like this. Helpless. Ilang saglit pa ay dahan-dahan siyang tumayo.

"You will not forgive me, right? Ayokong makulong, Elisa! Ayoko..." Hinawakan niya ang kamay ko. "You can kick or punch my tummy. Tutal ay wala namang nagmamahal sa akin—" Sinampal ko siya.

"Shut up! Hindi ko kayang manakit o pumatay ng inosenteng bata!" Lumapit ako sa kanya. "Sa tingin mo, sinong magmamahal sa iyo kung ganyan pa rin ang ugali mo? Wala! Because you're selfish!" Lumuhod siya ulit.

"I know.... I'm very sorry... Hindi ko na alam ang gagawin ko... isang taon na akong kinakain ng konsensya ko... sobra akong nagsisisi sa nagawa ko..." Panay ang hagulgol niya.

Sa ganoong sitwasyon kami naabutan ni Marco. Gulat na gulat siya ng makita ako. Muntik na niyang mabitawan ang prutas na dala-dala niya. He's wearing his uniform. He looks more mature now because of his stubble. His body also grew bigger.

"Elisa..." He obviously could not believe that I am in front of them now.

Nagbaba siya ng tingin kay Leslie at mabilis na inalalayan ito para makatayo. Ng pagmasdan ko sila, alam kong hindi lang sila normal na mag-kasama sa bahay na ito.

"I can't believe this, Marco. You've been with that woman for a year! What happened to you?!" I asked him. Lumunok muna siya at may sinabi kay Leslie na silang dalawa lang ang nagkakarinigan. Maya-maya pa ay umakyat na ang babae sa taas.

"Let's talk outside, please." Sabi niya sakin.

Hindi na 'ko sumagot pa at nauna na 'kong lumabas.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon