ELISA
Napilitan ako na hindi na lang umalis dahil kay Eric.
Tahimik lang kaming kumakain. Lalo na 'ko. Ang anak ko lang ang kanina pa nagsasalita at tanong ng tanong. Hindi ko pinapansin si Dominic kahit panay ang sulyap niya sa'kin minsan.
"Can we take a walk after this?" Sabi ni Dominic.
Hindi ko siya pinansin.
"Sige po daddy!"
"Sama ka po mama." Sabi ng anak ko.
I sighed.
"Eric..."
"Sasama ka sa'min. Payag ka bang iwan sa'kin ang anak natin?"
"Oo. Diba nag-usap naman na tayo?"
"Kaya mo siyang iwan sa'kin?"
"What do you mean?"
"Baka kasi mamaya, wala kang tiwala sa'kin. I just want to make sure." Patay malisya lang siya pagkatapos.
"Oo, wala akong tiwala sa'yo. Pero hindi mo naman siguro itatakas ang anak KO, hindi ba?" Hindi ko siya tiningnan at nag-focus lang ako sa kinakain ko.
"What if I take him away from you huh? You may regret that you didn't come with us."
What the hell?
Gustong kong isaksak sa kanya ang tinidor na hawak ko. Kaso plastic.
Alin ba ang hindi niya maintindihan? Hindi ba siya marunong makiramdam?
"I'M BUSY. Diba kasasabi ko lang kanina?" Sagot ko naman sa kanya.
Ngumisi lang siya sa'kin na lalong mas nagpa-inis sa sistema ko.
"Oh really?" He ate before he speaks again.
"We'll just be with you at your office then."
"What?!" Medyo napataas nanaman ang boses ko.
Tiningnan ko muna si Eric na busy sa pagkaib niya bago ko siya tingnan. Buti na lang at hindi ito nakikinig sa'min. Enjoy na enjoy ang anak ko sa kinakain niya.
"You're NOT allowed in my office." I whispered.
"And why not?"
"Ayokong madumihan ang opisina ko."
Napatigil siya sa sinabi ko.
Ano ka ngayon Dominic, natahimik ka?
"Just finish your meal. Aalis tayo pagkatapos—"
"TAPOS NA." Tumayo na 'ko at nauna na sa kanilang lumabas.
👔👗
Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Dominic. Simula ng umalis kami ay hindi na 'ko nagsalita pa. Si Eric lang ang pinapansin ko. Buti na lang at hindi siya nagtatanong kung bakit 'di ko kinakausap ang ama niya. Dahil lang naman kay Eric kaya ako napilitang sumama. Hindi ko din naman kayang iwan sa kanya ang anak ko. Mamaya hindi niya pa ibalik sa'kin si Eric.
Sa backseat ako naka-upo habang ginagamit ang cellphone ko. Tinext ko si dad na umalis kami. Hindi naman siya nagalit. Mag-ingat na lang daw kami.
Binalik ko sa loob ng pouch ang cellphone ko at sinandal ang sarili ko. Tahimik lang akong nagmamasid sa mga dinadaanan namin.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya pinikit ko na ang mga mata ko.
👔👗
"Mama, wake up! Nandito na po tayo!" Nagising ako dahil sa lakas ng boses ng anak ko.
I slowly open my eyes.
At pinagsisisihan ko na idinilat ko ang mga mata ko.
Anong ginagawa namin dito?
"Mama baba na po tayo!" Hinila ako ni Eric pababa ng kotse.
Hindi ko gusto ang nakikita ko. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng alaala sa'kin habang pinagmamasdan ko ang dati naming bahay.
I didn't realize that my tears had dropped. I should not feel this! Why did he bring us here? Why?
"Eric, get inside the car." Wala sa sarili kong sabi.
"Why, mama?"
"GET IN."
"But mama—"
"Just do it! Pumasok ka sa loob, sige na, bilis."
"Mama—"
"Get in!" Napataas an ang boses ko.
Oh, god.
"Hey, what's going on here?—"
"Ikaw!" Hinarap ko si Dominic. "Why have you brought us here? Nananadya ka ba Dominic?!" Natigilan siya sa sinabi ko.
"Elisa—"
"Bring us back to the company."
"Elisa, we have to stay inside. I prepared some—"
"No! Hinding-hindi ako papasok sa bahay na 'yan!"
"Mama..."
"Let's go, Eric." Hinila ko ang kamay ng anak ko para makaalis pero pinigilan niya kami at mabilis na nakuha niya sa'kin ang bata.
"Dominic?!"
"I will not give our son or you will go with us? You choose."
"Tinatakot mo ba 'ko?"
"I'm just giving you an option." Matigas na sabi niya.
Pinagmasdan ko lang siya pati ang anak KO. Buhat niya ito habang nakayakap sa kanya si Eric.
"Let's go, baby, we're going home." I said to my son.
"Mama, sama ka na. Please? And don't fight."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pati anak ko ay naiipit sa away namin.
This is all his damn fault!
"Baby, we need to go home. Hinahanap na tayo ni lolo—"
"Stop lying Elisa. Bakit ba lahat ay ipinagdadamot mo sa'kin?"
"Ipinagdadamot? Anong ipinagdadamot ko sa'yo Dominic? Si Eric ba? 'Yung karapatan mo bilang ama? 'Yun ba?" Humakbang ako palapit sa kanya.
"Elisa..."
"Ano bang ginagawa ko sa'yo ngayon? Diba nasa'yo ang anak ko? Pinahihiram ko na siya sa'yo!"
"I know."
"'Yun naman pala. Ano pa bang ipinagdadamot ko?"
"You know that Elisa."
"Ang alin? Ang pagtanggi ko sa mga alok mo? Sa mga gusto mo? Sino ka para utusan ako? Baka nakakalimutan mo, sobra ang ginawa mo sa'kin. Sobra!"
"I'm sorry." Akmang hahawakan niya 'ko pero lumayo ako agad sa kanya.
"Mama..."
"I'm so sorry Eric... I'm sorry."
"Mama..."
"Elisa..."
"I-UWI MO NA KAMI DOMINIC. BAGO PA TULUYANG MAWALA LAHAT SAYO."
He was speechless about what I said. Pero nagawa niya pa ding ngumiti.
A painful smile?
That's what I saw. Or maybe, I was deceived again.
"Matagal ng nawala sa'kin ang lahat, Elisa. After you left me."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...