ELISA
"Ma," Eric is standing at the doorway.
"Why you're still awake? Come here." Sumunod naman agad siya sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Ma, can I come with you tomorrow?"
"Why?" I asked.
"Because I want to watch the show." Nagulat ako sa sinabi niya.
Bukas kasi ay a-attend ako sa isang fashion show. Actually, isa rin 'yon sa dahilan kaya pumayag na din ako na umuwi dito sa Pilipinas.
"How did you know about the show?"
"I've watched earlier. And I saw that you'll attend tomorrow, and you're one of the guests." I stopped for a moment to make a decision.
"Oh, okay."
"Sama ako ma, pwede po ba?" Napatitig ako sa kanya.
Ngayon lang siya nagsabi na gusto niyang sumama. Hindi ko din naman kasi siya sinasama dahil mostly, puro girls ang nakakasama ko. Mainipin din ang isang 'to.
"Why do you want? It's a fashion show, Eric. Hindi ka mahilig sa mga ganoon diba?"
"I want to come po."
"Are you sure?"
He nods.
"Okay, sasama ka sa'kin bukas." I smiled. "Matulog ka na. Ikaw talaga, anong oras na oh. Hindi ka pa natulog kaninang tanghali." Tumayo ito at yumakap sa'kin.
"Good night ma."
"Alright. Good night! I love you."
"I love you too, mama."
"Tulog na!" He chuckles.
"Oui (yes) mama!"
Sinundan ko ng tingin ang anak ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
I smiled weakly.
Alam ko talaga ang dahilan kung bakit biglang gustong sumama ng anak ko sa'kin. Hindi lang niya masabi sa'kin.
Because Dominic will come too. Gusto niyang sumama dahil siguradong makikita niya ang papa niya. He's invited too. At siguradong kasama niya ang babae niya.
"I'm sorry, baby."
👔👗
"Elisa, sigurado ka ba na hindi mo na isasama si Eric? Baka magtampo ang bata." Tanong sa'kin ni mama.
Katatapos ko lang magbihis.
Maaga akong gumising dahil ayokong maabutan ako ni Eric. I decided na hindi ko na muna siya isasama. For now. I know I'm bad for doing this to my son, pero ayokong magkaroon ng problema.
"Ma, ayos lang sa'kin kung magtampo ang anak ko. Babawi na lang po ako." Hinarap ko si mama. "Ma, nandoon si Dominic."
"Akala ko ba, payag ka ng makita ng bata ang papa niya?"
"But not now ma. Hindi pa po ako handa. And I'm very sure that Leslie will be there. Ayokong mag-tanong si Eric sa'kin. You know him ma, matanong ang bata. Iniiwas ko siya sa mga ganoong sitwasyon kung sakali."
"Naiintindihan kita."
"K—kakausapin ko na lang po muna si Dominic. I'll talk to him if there's a chance."
"Sigurado ka ba anak? Papayag kaya ang daddy mo?"
"We've already discussed this ma. Ako na daw ang bahala."
"Sige."
"About naman po kay Eric ang pag-uusapan namin. Nothing more, nothing less. If may sasabihin siya na hindi na about sa anak ko, then I'll end our conversation." Sabi ko.
Tumango naman si mama.
"Oh siya sige. Ako na lang ang bahala kay Eric kapag nagising na siya."
"Thanks, ma."
👔👗
"Good morning ma'am Elisa! Wow, ma'am! You're so fab!" Bati sa'kin ni Cherry. Isa sa mga empleyado dito sa kumpanya ni dad. Matagal na siyang nagta-trabaho dito and she's jolly to be with.
"Oh hi, Cherry!" I smiled.
"Ma'am bakit ang aga niyo po? Mamaya pa po ang start ng fashion show."
"Ah, may gagawin kasi ako. You know me Cherry, I'm always early." Napatawa kami pareho. "May meeting ba si dad?"
"Wala po ma'am. Actually po ma'am kalalabas niya lang po kanina."
"Huh? Siya lang?"
Umiling siya sa'kin.
"He's with Mr. Assuncion po."
"Ganon ba? Mauna na 'ko ha?"
"Sige po ma'am."
"Bye." Tumalikod na 'ko at naglakad na papunta sa elevator.
Ilang segundo akong naghintay bago ito bumukas.
At hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin.
"Elisa."
It's Dominic.
"M—Mister Saavedra."
Titig na titig siya sa'kin. Halatang nagulat siya dahil nakita niya 'ko at kaharap pa.
Ako na ang umiwas. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Pumasok na 'ko sa loob at hindi siya pinansin. I used my access card para makarating sa floor na pupuntahan ko.
Tahimik lang kaming dalawa at walang imikan.
"G—good morning." He said.
"Good morning." I answered without glancing.
Ramdam ko ang titig niya sa'kin. Amoy na amoy ko din ang matapang na pabango niya.
It's still the same, huh?
"Elisa."
Nilingon ko siya.
"Yes?"
Again, he's staring.
"Can we talk?"
Saktong bumukas ang elevator kaya hindi ko siya sinagot at lumabas na agad ako. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"What the hell Dominic?" Inalis ko ang kamay niya. "Don't touch me."
"I'm sorry—"
"What do you want? Si Eric ba, huh?" Hindi siya sumagot. "'Siya ba?"
"Kailan mo siya ibibigay sa'kin?"
Muntik ko na siyang masampal sa tanong niya.
"Ibibigay? Ipapahiram ko lang si Eric sa'yo, Dominic. Hindi ko siya ibibigay."
"He's OUR son Elisa—"
"MY son." I said.
"That's not what I—"
"What? Ipinagdadamot ko na ba sa'yo si Eric? Hindi naman diba? Papayagan kita na makasama siya pero hindi mo siya kukunin sa'kin."
"Who told you that?" Lumapit siya.
"Why Elisa? You think na kukuhanin ko sa'yo ang anak natin?" I looked away.
"Listen to me." Hindi ko siya pinansin.
"Kung may balak man ako na kuhanin sa'yo ang bata, HINDI ako papayag na SIYA lang ang makuha 'ko." Aniya.
What?
Hinarap ko siya.
"Oh sorry, pero HINDI din ako papayag sa gusto mong mangyari."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...