ELISA
Matawa-tawa kong pingmamasdan si Alex na kanina pa naka-tingin kay Marco. Kahit hindi niya sabihin, alam kong kilig na kilig siya sa nakikita niya. Simula ng papasukin ko siya dito sa opisina ay halos hindi na maalis ang titig niya kay Marco.
"Are you done fantasizing him, Alex?" Tanong ko.
Lumingon siya sa'kin.
"Ay!" Natawa ako at isinandal ang sarili ko sa inuupuan ko.
"Anong pangalan niya? Ang guwapo!"
"Marco. Marco Boselli." Tumingin ulit siya kay Marco na tulog pa din hanggang ngayon.
Mabuti nga at hindi nagigising si Marco kahit na medyo ma-ingay si Alex kanina pa.
"Marco? Pati pangalan ang guwapo." Tinitigan niya si Marco.
Natatawa na lang ako sa nakikita ko. Pareho silang guwapo. Sayang.
"Alex," Lumingon siya sa'kin.
"Yes ma'am?"
"Kara will be here in a minute. She'll orient you about your job. Don't worry, madali lang naman." I smiled.
"Okay ma'am! Grabe, ang ganda dito!" Sabay lingon ulit kay Marco
Napa-iling na lang ako.
Sinimulan ko ng pirmahan ang mga papel na nakatambak sa desk ko.
"Anyway, alam na ba ni Dominic na nandito ka na?" I asked.
"Ah, oo. Nag-message na 'ko sa kanya kanina pa. Nagalit pa nga sa'kin."
Napatingin ako sa kanya.
"Nagalit? Bakit?"
Lumingon siya sa'kin sabay simangot.
"Eh kasi expected niya, next week pa ang dating ko. Pero nag-decide na 'ko na umalis kasi miss ko na siya eh."
So, close na close talaga sila?
"Alex, I want to ask you."
"Ano 'yon?"
"P—Paano kayo naging magkaibigan ni Dominic?"
Tiningnan niya lang muna 'ko bago niya 'ko sagutin.
"Nakakatawa, pero baka hindi ka maniwala."
"Bakit?"
"Gusto mo talagang malaman?"
I nodded.
"Birthday ng anak niyo noong pumunta ako sa inyo." Simula niya. "Kaso, wala na kayo doon. I mean, kayong mag-ina." He added.
"Then what happened next?"
"At 'yon ang unang beses na nakita ko si papa Dom na..." Sumeryoso bigla ang mukha niya. "Mukhang tanga." Nalaglag ang panga 'ko sa huling sinabi niya.
"I mean, wasted na wasted siya. All in all, akala ko naligaw na siya ng landas." Umiling-iling pa siya.
He's wasted?
"May dala pa nga 'kong regalo noon kasi nga birthday ni baby Eric. Sayang ang mahal pa naman ng regalo ko. Tapos itinaboy lang niya 'ko. Hindi ko pa alam na wala na pala kayo. Nakakaawa siya that time kasi kitang-kita ko sa kanya 'yong lungkot. Kaya simula noon, tinulungan ko siya. Kahit lagi siyang inis na inis sa'kin hahahahahahahaha! Sayang nga lang at hindi siya na-inlove sa'kin. Haaaay." Natawa ako doon.
"Biro lang ma'am ah! Ikaw kasi ang mahal niya." Kumindat pa siya sa'kin.
Natahimik ako dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
Mahal?
Isa 'yong kalokohan.
Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Wag mo sanang isipin na ako ang gumagawa ng paraan para magka-balikan kayo. Na sa'yo pa din naman kung kaya mo siyang tanggapin ulit. Tinutulungan ko lang si papa Dom dahil ako mismo ang nakakita kung gaano siya nagsisisi sa ginawa niya." Tahimik lang akong nakikinig sa susunod niyang sasabihin.
"Hindi niya pa ba nasasabi sa'yo ang totoong dahilan? Ang totoong nangyari?" That made me stopped.
Nag-angat ako ng tingin sabay ngiti niya sa'kin.
"Ang gago kasi nun eh. Hindi din kita masisisi kung bakit ka galit na galit sa kanya."
Hindi ko alam kung anong ipinupunto niya.
"Ano yung hindi ko alam? Yung totoong nangyari?" Tanong ko.
Tinitigan niya lang ako bago siya tumayo.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil gusto ko na siya mismo ang magsabi sa'yo. Kabit lang ako."
"Huh?"
"Joke! Basta ma'am sa kanya mo na lang alamin. Bye!"
"Wait, may orientation ka pa with Kara—"
"Ay, oo nga pala." Umupo ulit siya.
Maya-maya pa ay dumating na din si Kara at sinundo siya. Nagpaalam na din siya sa'kin dahil uuwi na din daw siya sa condo niya pagkatapos. Mag-aayos pa daw kasi siya ng gamit.
Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil gusto ko na siya mismo ang mag-sabi sa'yo.
Anong totoo?
Napatingin ako kay Marco. Naalala ko ang nangyari noon sa condo. 'Yong pag-amin niya sa'kin na mahal niya 'ko. Alam kong nasaktan ko siya. At ngayon, nagulo na naman ang sistema ko. Bakit ba kasi bumalik pa si Dominic sa buhay ko? Masaya na kami eh. Tahimik na ang buhay namin dito sa Geneva.
Hinubad ko ang coat ko at tumayo. Kumuha ako ng wine at nagsalin sa baso. Tahimik akong nakatitig sa kawalan habang umiinom. Nakatalikod ako sa gawi ni Marco.
Natatakot ako.
Natatakot ako na malaman ang totoo.
Uminom ako ulit at ipinikit ang mga mata ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi na dapat. Hindi na.
Na-ibato ko ang baso.
"Elisa..." Napalingon ako kay Marco na nagising dahil sa ginawa ko.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang sitwasyon ko.
"What happened?" Umalis siya sa sofa at pinuntahan ako.
"Why are you crying? Huh? Why?" Hindi ako naka-sagot.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala 'ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko.
Napa-tingin siya sa sahig kung saan nagkalat ang basag-basag na baso.
"Why you... bakit ka nag-basag?" Tanong niya.
"Marco..."
Tumingin siya sa'kin.
"Why?"
"Tell me..." Lumapit ako sa kanya. "Tanga pa din ba 'ko hanggang ngayon?" Nagulat siya sa tanong ko.
"Elisa... What kind of question is that?"
"Just answer me!"
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Are you drunk?"
"No."
"Come here," Niyakap niya 'ko kaya lalo na 'kong na-iyak.
Bakit ang sarap sa pakiramdam ang yakapin ng ganito?
"Tanga nga yata ako siguro. Ang tanga ko."
"Shhh... Don't say that."
"Tanga ako Marco. Kasi hinayaan ko na naman si Dominic na pumasok sa buhay naming mag-ina." He froze.
"What do you mean?"
"Dominic is here. Sumama siya sa'min pabalik."
Lumuwag ang pagkaka-yakap niya sa'kin.
"I'm sorry."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
Fiksi UmumA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...