Chapter 71

10.9K 217 6
                                    

ELISA

Hinintay muna naming mag 5 months si Elise bago kami umuwi ng Pilipinas. Balak ko munang mag-bakasyon roon kasama ang pamilya ko. Hindi rin naman kami magtatagal dahil kailangan kong asikasuhin ang kompanya ko. Sa Geneva ako nagsimula at hindi ko iyon pwede na basta-basta na lang iwan at pabayaan.

"Finally! You're all here!" Salubong samin ni Erich habang hawak niya ang isang banner. Nakatayo sila sa gate kasama ang asawa niyang si Neil at anak nila na si Rainelle. Sa likod naman ay ang mga katulong. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"I missed you, couz!" Masayang bati niya sakin. Isa siya sa mga lubos na nalungkot ng malaman niya ang nangyari kay Dominic. May pinagsamahan din naman kasi sila noon.

"I missed you too, couz. Bakit wala pang kapatid si Rainelle?" Tukso ko sa kanya.

Ngumuso lang siya sakin.

"Hon, narinig mo ba 'yong sinabi Elisa?" Tukso niya sa asawa niya na si Neil. Agad ko naman itong binati.

Tahimik na tao lang si Neil pero maloko din siya minsan.

"Hi, tita! You're so pretty talaga!" Yumuko ako kay Rainelle at hinalikan siya sa pisngi.

"Aw. Thank you! Ikaw rin! Ang ganda-ganda mo." Sabi ko at inipit ang malambot niyang buhok sa tenga niya.

"Hi, 2nd couz!" Bati niya kay Eric. Napatawa kami lahat dahil sa pagtawag niya rito. Ginagaya niya kasi ang tawagan namin ng mommy niya.

"Oh, hey! Do you know how to play mobile legends?" Nasapo ko ang noo ko. Nako naman!

"Anak, hindi siya naglalaro ng ganon kasi babae siya—"

"Game! Anong rank mo na? Legend na 'ko!" Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Rainelle.

"Hoy, at kailan ka pa natuto maglaro ng mobile legends ha? Sinong nagturo sayo?" Tanong ni Erich sa anak niya. Narinig ko ang pagtikhim ni Neil sa likod.

"Si daddy!" Nilingon ni Erich ang asawa niya.

"Ikaw talaga, hon! Kung ano-ano tinuturo mo kay Rain! Masyado pa siyang bata!"

"Mom! I'm 8 already!" Singit naman ni Rainelle.

Natawa naman kami lahat.

Lumapit naman sina mama at daddy sa kanila.

"Oh my god, pabuhat kay baby Elise!" Inabot ni mama si Elise kay Erich.

"You're so pretty... you look like your mom—oh, did you raise your eyebrow?" Natawa ako.

"Oh no, mukhang naman niya ang pagiging suplado ni Dominic. Tsk!" Parang maiiyak na naman ako ng mabanggit ni Erich si Dominic. Tinago ko na lang ang lungkot ko at pilit na ngumiti.

"Look, hon. She's so pretty, right?" Iniharap ni Erich si Elise kay Neil.

"Yeah... and she's cute." Sagot naman ng asawa niya.

Nakangiting pinagmamasdan ko silang dalawa.

I miss him.

"Come on, kids! Sasali si lolo sa inyo." Napatingin ako kay daddy.

"Dad? Pati ikaw din?"

"Yeah. Master pa lang ako." Sabay hila niya sa dalawang bata. Napatanga kaming dalawa ni Erich.

💼👗

"Kamusta ka na, anak?" Nandito ako ngayon kena mama at papa. (Dominic's parents)

"Okay lang mama. Kayo po ni papa?" Tanong ko. Hindi ko na naabutan si Papa dahil maaga raw itong umalis.

"Ayos lang rin naman. Pero alam mo na, hindi namin ma-iwasan na hindi isipin si Dominic..." Sabi ni mama habang buhat-buhat niya si Elise. Pagkatapos kasi ng salo-salo sa bahay ay agad kaming dumiretso rito. Sinama ko ang dalawang bata para makasama ang lolo at lola nila. Dito na rin kami matutulog. Nasa taas naman si Eric at nagpapahinga. Napagod kanina sa bahay kaya bagsak pagkarating namin dito.

"Me too, mama. Miss na miss ko na rin siya." Sabi ko. Napatingin ako sa picture ni Dominic na nasa may altar. May isang kandila roon.

Talaga bang... wala na siya?

Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Alam kong masakit pa rin anak. Pero isang taon na ang nakalipas. Panahon na para tanggapin natin na wala na ang anak ko. Hindi man natin nakita ang katawan niya, pero naniniwala ako na nariyan lang siya sa tabi-tabi at binabantayan tayo. Huwag kang mag-alala, nandito kami ng papa mo at ng mga apo ko." Tumulo ang luha ko.

Naalarma si mama kaya agad siyang tumabi sakin at niyakap ako habang buhat si Elise.

"Hindi ko pa kaya, mama... Hindi pa po sa ngayon."

"Alam ko anak. Hindi kita pipilitin, okay? Tahan na..." Tinapik-tapik ni mama ang likod ko ng biglang umiyak si Elise kaya kinuha ko ito at binuhat.

Pinunasan ko ang luha ko at hinele-hele siya. Pinapanood lang kami ni mama.

Bigla naman akong may naalala.

"Mama,"

"Bakit?"

"Hindi ba, kayo po ang nag-hire noon kay Marco?" Ngumiti siya sakin.

"Ah, oo. Bakit anak?" Inayos ko ang pagbuhat kay Elise.

"Alam niyo po ba kung saan siya nagtuturo ngayon? Nasa Pilipinas na po kasi siya ngayon eh. Isang taon na po akong walang balita sa kanya. Sabi niya sakin, dito na raw po siya magtuturo."

"Ganoon ba? Sandali at may tatawagan ako. Baka alam niya kung saan nagtuturo si Marco ngayon." Tumayo si mama at umakyat sa taas.

Pinagmasdan ko si Elise at hinalikan ang tungki ng ilong niya. Nakita kong ngumiti siya at lumabas ang dimple niya.

"I love you, baby ko..."

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon