Chapter 40

23.5K 471 11
                                    

ELISA

We're on our way to NAIA. Mabilis ang byahe namin dahil sinundo kami ng chopper mula sa isla. Pagkapos ay sa kotse naman niya kami sumakay papunta na sa airport mismo. Ni hindi na kami nakapag-paalam pa kena mama at daddy. Tatawag na lang ako kapag nasa Geneva na kami. Alam kong magugulat ang mga 'yon kapag nalaman na naka-uwi na kami. Ako na lang ang bahalang mag-explain sa kanila. Hindi ko din muna ipapa-alam na kasama namin siya pabalik. And if they knew, I would just have to work out why he was with us.

"Mama, where is tito Marco? Hindi siya sasama sa'tin?" Tanong ni Eric na nasa unahan. Naka-harap siya sa'kin.

Tumikhim si Dominic at matalim akong tiningnan mula sa rear-view mirror. I know what he's thinking right now.

I rolled my eyeballs.

Wala akong ideya kung ano ng lagay ni Marco. Hindi ko tuloy alam kung makakabalik agad siya dahil sa sitwasyon niya. I'm really sorry about what happened to him. Hopefully, he's okay.

Nginitian ko ang anak ko.

"Nauna na siya sa'tin baby." Though I'm not sure about my answer.

Sinilip ko muli si Dominic. I noticed the grip of his handle on the steering wheel.

Sige lang. Mainis ka. Tutal ay ikaw ang bumugbog kay Marco.

"Oh, okay." Umayos ulit siya sa pagkaka-upo niya at naglaro sa iPad niya.

Hindi ko maiwasan ang hindi mainggit sa anak ko. Buti pa siya may napaglilibangan. Samantalang ako, wala! Nakakainis dahil hanggang ngayon hindi ko pa din magamit-gamit ang cellphone ko. Talagang sinigurado ni Dominic na hindi ako makakahawak o makakakita ng charger. At ang masaklap pa, wala pa kaming stop over mula pa kanina.

"Can we go to a convenience store? 7/11?" I said.

Kumunot ang noo niya.

"It's already 8. We must be there at the NAIA, three hours before our flight. You know that right?" Sabi niya.

Napa-irap ako. Yeah, right. Saglit lang naman.

"Saglit lang—"

"Why on 7/11? What will you buy?"

Hindi ako agad naka-sagot.

"S—Snacks?"

"Why you're not sure?"

"Huh?"

"Bakit ka pa bibili? Malapit na tayo. Doon ka na lang kumain."

Napatingin ako bigla ng may dumaan na eroplanong papaalis pa lamang malapit sa'min.

I sighed.

Balak ko pa naman sanang bumili sa 7/11 pero magcha-charge lang ako.

"Hindi ka ba nabusog kanina?"

"Baka kasi gusto rin ni Eric bumili ng snacks." Palusot ko.

Nilingon niya si Eric.

"Baby, do you want something to eat?"

Tiningnan siya ng anak ko at umiling. Napa-iwas ako ng tingin at nag-focus na lang sa pagtingin sa mga nadadaanan namin.

"Snacks, huh?" Pang-aasar niya.

👔👗

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa pagbalik namin dito sa Geneva. Sa ilang beses kong pag-uwi dito kapag galing kaming Pilipinas, normal lang ang nararamdaman ko. Pero iba ngayon dahil may kasama na kami.

Kasama na namin ang taong nanakit sa'kin.

"Let's go. The driver is waiting." Sabi ni Dominic. Sumunod naman ako sa kanya.

Agad kaming sinalubong ng driver niya pagkalabas namin ng Geneva airport. Hindi na 'ko nagtanong pa dahil alam kong kasama na 'to sa mga plano niya. Hindi na 'ko magugulat pa kung may negosyo din siya dito.

"Sir, saan po tayo?" Tanong ng driver pagka-sakay namin.

Kaming tatlo ang magkakatabi sa backseat. Sa gitna si Eric. Nakatulog na ang anak ko kaya buhat na siya ni Dominic bago pa man kami makasakay dito sa sasakyan.

"What's your address?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"What?"

It's unbelievable that he didn't know our address. I know him, he can know everything.
So I was surprised by his question. Sabi ko na diba. Hindi na 'ko magugulat.

"What's the exact address?"

"Akala ko ba alam mo na?"

"N—No. I have no idea where you live." Bahagya akong napatawa.

Nakaka-loko ang isang 'to.

"May limitation ka din naman pala sa pangingi-alam mo sa personal naming buhay." Napa-iwas siya ng tingin.

"J—Just tell the driver. Let's not debate about it." Kalmado niyang sabi.

"Relax. I was just a little bit surprised, okay? Knowing you, alam kong madami kang source. Ni hindi ko nga namalayan na nakaka-usap mo na pala ang anak 'ko noon. Kaya hindi ako makapaniwala na hindi mo alam kung saan kami nakatira dito sa Geneva."

He just smirked.

"Just like what you said earlier, Elisa. I still have my limitations."

"Whatever."

Sinabi ko na ang address namin sa driver para maka-uwi na kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinabi ko na ang address namin sa driver para maka-uwi na kami. At isa pa, gusto ko ng makapag-pahinga.

Baka sakaling pag-uwi namin mamaya ay makatulog ako at magising na panaginip lang pala ito lahat. But realization hit me.

Sino bang niloloko ko?

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon