ELISA
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko inakala na ang dalawang ito na nasa harapan ko ay magkaibigan na. Si Alex at Dominic.
"Ma'am Elisa, okay lang po ba kayo? Pasensya na po kayo kung ginulat kita ng bongga ha? Napag-utusan lang naman kasi ako ng isang 'yan-"
"Iwan mo muna kami Alex." Utos ni Dominic pero sa akin ang tingin.
"Okay! Bye ma'am Elisa, chika us later." Sabay beso niya sa'kin.
Pagka-alis ni Alex ay kami na lang dalawa ang natira. Napilitan akong sumama sa kanila kanina dahil kahit anong gawin ko, hindi pa din ako nakatakas. I even tried to jump and swim to escape. But eventually, my fear prevailed.
"What do you want to eat?" Tanong niya pa sa'kin.
Nagawa niya pa 'kong tanungin sa sitwasyon kong 'to.
Nandito kami sa isang kuwarto. Dito nila ko dinala matapos ang eksena namin sa yate kanina. Akala ko, isa itong abandonadong isla pero hindi pala. May mga turista na 'kong nakikita. Mabuti na din 'yon. Baka may malapitan ako at makahingin ng tulong. Kailangan ko lang makahanap ng tiyempo.
"Ayokong kumain. Gusto ko ng umuwi."
He heavy sighed.
"Hindi ka uuwi Elisa. Not now," Agad akong tumayo at nagmartsa papunta sa pintuan pero nahila niya agad ako.
"Ano ba?! Gusto ko ng umuwi!"
"Please baby, no. Stay with me, please..." Niyakap niya ako mula sa likuran ng sobrang higpit.
Kulang na lang ay sapakin ko siya dahil sa ginagawa niya. Pero sa laki at bigat ng mga braso niya, wala akong laban. Puro pag-sigaw lang ang kaya kong gawin kapag ganito ang ginagawa niya sa'kin.
"Dominic, tumigil ka na."
"No."
"Ano ba!" Tinulak ko siya pero wala pa din. Sorang higpit pa din ng yakap niya sa'kin.
"I know how much you hate me. Can't you forgive me? Is there a chance for me to explain?" He said to me.
Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. I don't want to answer anything he will ask. I'm done with his drama.
"Alam kong kaya ka nagkakaganito dahil sobra ang galit mo sa'kin. Tama ba Elisa? Nagagalit ka dahil sa nakita mo noon-noong may nangyari sa'min ni Leslie -"
"STOP! AYOKONG MARINIG LAHAT. DAHIL KAHIT ANO PANG SABIHIN MO, WALA NA." Sagot ko sa kanya.
He stopped talking and I walked away from him and faced him.
"Tanggapin mo na Dominic. Because the day I woke up with the truth, I've killed my heart for those people like you." I said before I left him.
"Pinatay? Who are you kidding Elisa? You? Me? Huwag ako Elisa, dahil alam ko na may pagmamahal ka pang natitira sa'kin." He grinned. "Hahalikan mo ba 'ko pabalik kung hindi?" Ngumisi ulit siya sa'kin. "May nararamdaman ka pa sa'kin. You're still in love with-" Hindi ma niya natapos ang sasabihin niya ng gawaran ko siya ng isang malakas na sampal.
"Kung may natitirang pagmamahal sa'kin, 'yon ay para sa anak ko, kay mama at kay daddy. Para lang sa kanila." Sabi ko.
Parang hindi siya natinag sa sinabi ko at ngumisi lang na parang wala lang sa kaniya 'yon.
"Wala na 'kong pakialam kung ano ang nararamdaman mo sa'kin ngayon Elisa. Pero hindi pa din ako titigil, hangga't hindi ka bumabalik sa'kin." Aniya.
"Dream on, Dominic." Lumapit siya sa'kin na bahagyang ikinaatras ko.
"Yeah. I've been dreaming this for a long time after you left me."
Pinagmasdan ko lamang siya. Aminin ko man o hindi, pareho lang kami na may pinagbago. Mas malaki nga lang ang pinag-bago ko, at 'yon ay ng dahil na din sa kaniya. Sa mga nagawa niya
"Hinding-hindi na 'ko maniniwala sa mga sinasabi mo Dominic. Dahil isa kang sinungaling."
"Hindi ako nagsisinungaling Elisa. Not this time." Mas lumapit pa siya sa'kin.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon sa tuwing lumalapit siya sa'kin. Na simpleng pakikipag-usap niya lang ay sobra na akong naaapektuhan. Pero isa lang ang sigurado ako. Galit at inis ang nararamdaman ko ngayon.
"Wala akong paki-alam sa kung ano man ang sasabihin mo Dominic. Hindi-hindi na 'ko maniniwala. Kung gusto mong ipagpatuloy yan, fine. Bahala ka. Hahayaan na lang kita sa gusto mong gawin pero huwag kang umasa na babalik ako sa'yo."
"So you're allowing me now to do what I want?" Parang batang paslit na tanong niya.
Tumaas lang ang kilay ko.
"May magagawa pa ba ako? Wala rin naman akong magagawa sa mga pangungulit mo sa'kin. Bahala kang mamatay sa kakahabol sa'kin."
"Willing akong mamatay para sa'yo."
"Eh, di mamatay ka na. Tutal willing ka naman pala." Tinawanan niya lang ako.
"Baby, bago ako mamatay, sisiguraduhin ko muna na babalik ka sa'kin."
Inirapan ko lang siya.
"Tigilan mo 'ko Dominic. Hindi na uubra 'yan sa'kin." Umupo ako sa kama at tiningnan siya. Ganito na lang siguro ang gagawin ko. Ang makipag-laro sa kaniya.
Hindi paawat eh. Kahit gustong-gusto ko siya ipakulong para hindi na maka-pangulit pa. Ayoko lang na mag-bonding sila ng anak ko sa kulungan. Kaya pagti-tiisan ko na lang. Nagawa ko naman dati eh. Siya naman ngayon ang magtiis sa mga gagawin ko sa kaniya.
"Really?" Sumandal siya sa pintuan at pinanood ako habang inaalis ko ang sandals ko.
"Yeah. Sa girlfriend mo, baka pwede pa."
Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. See? Sa harot ba naman ng babaeng 'yon.
"She is not my girlfriend."
"Liar." Tumayo ako mula sa kama at dumiretso sa puwesto niya.
"Excuse me."
"Where are you going?" Tanong niya.
"Sa labas. Magpapahangin." Bumaba ang tingin niya sa paa ko.
"Without wearing anything?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong tingin mo sa'kin? Hubo't hubad? Oh, come on, tsinelas lang ang wala ako." Binuksan ko ang pinto at dire-diretso akong naglakad palabas. I don't care if I'm not wearing any footwear. Gusto kong maramdaman ang puting buhangin at magtampisaw sa dagat. Para naman mawala ang init ng ulo ko sa kaniya.
"Damn it, Elisa! Wait!"
Go on, Dominic. Mag-habol ka.
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...