Chapter 38

23K 561 23
                                    

ELISA

Isang linggo na kami dito sa isla at hanggang ngayon, kinukulit ko pa din si Dominic kung kailan niya kami balak i-uwi. Pero sa tuwing tatanungin ko siya, automatic na iniiba niya ang usapan. At automatic din na na-iinis ako sa kanya sa tuwing ginagawa niya 'yon. Hindi ko siya magawang sigawan dahil nandito ang anak ko. Tama na 'yong isang beses na nakita niya kami na nag-away at nadamay pa siya.

Katulad ngayon. Halos mahilo ako sa mga nakikita ko. Ang daming damit. May limang maleta din na nakakalat.

Nangunot ang noo ko sa mga nakikita ko.

Anong meron? Gamit ko ba lahat 'to?

Lumapit ako at tiningnan ng mga damit na nakakalat sa harapan ko ngayon.

"This is not mine," Ani ko, ng mahawakan ko ang isang maroon na dress.

May mga damit din na pang-bata. At kasya ang mga ito kay Eric.

Mas lalo akong naguluhan.

Did Dominic buy all these?

Kung siya nga ang bumili nga mga 'to, bakit ang dami naman? Parang pang-ilan buwan ang mga binili niya.

Nameywang ako habang pinagmamasdan ang mga damit na nakikita ko.

"Oh god..." Sambit ko ng mahulaan ko ang ibig-sabihin ng mga nakikita ko.

Don't tell me... Dito na kamit titira?

Napa-iling ako sa na-isip ko. No. Ayokong tumira dito! Isang linggo pa nga lang kami dito, pero uwing-uwi na 'ko. Tapos, titira pa kami dito? No, way! Maganda naman itong isla. Pero hindi ko kaya na manirahan dito. Lalo na kung kasama ko pa si Dominic. Naiinis nga 'ko kapag nakikita ko ang pagmumukha niya!

"Alex!" Sigaw ko mula dito sa sala.

Maya-maya pa ay lumabas siya mula sa kusina soot ang pink na apron.

"Yes ma'am?"

"Ano 'tong mga 'to?"

"Alin po ma'am?"

"These." Sabay turo ko sa mga damit.

"Mga damit po."

I facepalmed.

"I know. I mean, para kanino ang mga 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at iniligpit ang mga nakakalat na damit. Kunot noo na pinagmasdan ko ang mga kilos niya. Parang natataranta siya.

"Alex,"

"Ma'am?" Sabay ngiti niya sa'kin.

"Para saan ba ang mga 'yan? Dito na ba kami titira?" Umiling siya sa'kin.

"Eh ano?"

Umiling siya sa'kin ulit.

"Alex,"

"Po?"

"Where's Dominic?" Tanong ko.

Hindi naman niya 'ko sinasagot ng maayos kaya ang amo na lang niya ang tatanungin ko. Malakas ang pakiramdam ko na may plano na naman si Dominic.

"Umalis po siya ma'am Elisa eh. May inaasikaso po siya." Tumango ako.

I'm sure it's about his business. His dirty business.

"Nasan si Eric?"

"Nasa kusina po."

"Kumain na ba siya?"

"Yes!"

"Okay."

"Kumain na din po kayo ma'am Elisa. Ako na po ang mag-aasikaso dito." Tiningnan ko muna siya bago ako pumunta sa kusina para puntahan ang anak ko.

👔👗

"Mama, kailan po tayo uuwi?" Tanong sakin ni Eric habang kumakain ako at siya naman ay busy sa iPad niya.

"I still don't know baby. It depends on your dad."

"Okay." Sinilip ko siya.

"Why? Gusto mo na bang umuwi?"

Umiling siya.

"No mama. I like here. It's so peaceful! Tapos mama, ang ganda ng dagat. It's so clear!" Laglag ang panga ko habang pinapanood ang reaksyon ng anak ko.

Akala ko bored na bored siya dito kaya siya nagtanong. 'Yon pala, ako lang.

Anyway, he's still a kid. He admires a lot of things. But, he doesn't have an idea that we've been actually abducted by his own father.

"Oh, alright." Sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.

Minsan gusto ko na lang matawa. Kidnapping ba talaga 'tong ginawa ni Dominic? I guess, yes. But the truth is, no. Maybe I called this as kidnapping because he forced me, but the set-up? Para lang kaming nagbabakasyon. Baka nga kapag nagsisigaw ako dito ay walang maniwala sa'kin.

"Mama, paano po 'iyong studies ko?" Tumigil ako sa pagkain.

Ayon ang isa sa pino-problema ko.
Ilang beses ko ng sinabihan si Dominic tungkol doon pero lagi niyang sagot sa'kin ay siya na ang bahala.

"Uh, let's just wait. Okay? Uuwi din tayo." I smiled at him.

"Hindi natin isasama si daddy sa pag-uwi mama? Iiwan natin siya?"

Hindi ako naka-imik. Alam kong sasama si Dominic kapag bumalik na kami sa Switzerland. Siya na mismo ang nagsabi na hindi pwedeng hindi siya kasama. Argh!

"I don't know baby...He's busy kaya—"

"Who says I'm busy? Hmm?" Napalingon kami sa dumating.

"Daddy!" Lumapit si Dominic kay Eric sabay halik sa ulo nito.

I just continued eating.

"Here," Nahinto ako ng ilapag niya sa harapan ko any passport namin.

Nilingon ko siya.

"What's the meaning of this?" Bagama't may ideya na 'ko, nagawa ko pa ding magtanong.

"Get ready. Mamayang madaling araw ang alis natin." Aniya.

Napatingin ako sa mga passport. Ito ba yung sinasabi ni Alex kanina? Na inaasikaso niya?

"And where we're going, huh?" I asked.

Kaya pala madalas siyang wala ay dahil busy siya dito. Ngayon alam ko na kung para saan ang mga damit at maleta kanina.

"Switzerland." Nagulat ako sa sagot niya.

So totoo nga? Sasama talaga siya?!

Dinampot ko ang passport naming mag-ina at iniwan ang sa kanya.

"Mas okay sana kung 'yang isa ay kay Alex," Nilingon ko siya. "Mas masaya."

His jaw clenched.

"Elisa."

"Bakit kasi kailangan mo pang sumama, Dominic? Hindi pa ba sapat na nakasama mo kami dito—"

"It's not enough Elisa. It will never be enough."

Napa-irap na lang ako tsaka tumayo.

"Stop the drama, Dominic. Hindi bagay sa'yo."

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon