ELISA
"Stop it, Marco! Kanina ka pa tawa ng tawa ah." Sita ko sa kanya kahit nagpipigil siya ng tawa.
"I'm just so proud of you, Elisa. That's why I'm laughing." Sabay halakhak niya ulit.
I rolled my eyes.
Proud daw. Eh, alam ko naman na natatawa siya sa nangyari kanina. May nakakatawa ba doon? Oh maybe, si Leslie ang nakakatawa. Yeah, right. Nakakatawa naman talaga siya.
"Stop it, Marco. Baka mapagkamalan ka pang baliw! See? Pinagtitinginan na tayo kanina pa. Let's go home." Sabi ko na lang.
"Okay, okay. I'm sorry." Napa-iling na lang ako bago ako pumasok sa sasakyan.
👔👗
Nasa byahe na kami ng mag-ring ang cellphone ko.
It's Eric.
I answered his call.
"Hi, baby!"
"Ma!"
Napatawa ako.
"Oh sorry! Bakit ka napatawag anak? What are you doing? Have you eaten? Bakit 'di ka natutulog? Paano ka tatangkad." Sunod-sunod na tanong ko.
"Ma, I'm okay. Kumain na po ako. And ma! I'm tall, you know." I chuckled.
"I know baby. What I mean is para MAS tumangkad ka pa," Nilingon ko si Marco. "Right tito Marco?"
"Yes! Your mama was right!" Napa-ngiti ako.
"You're with him mama?" I nod.
"Yes, baby. Kauuwi lang ni tito Marco mo. Why?"
"Nothing mama! Hi tito Marco!"
"Hey boy!" Napatawa ako.
Close kasi ang dalawa kahit na nag-aasaran sila minsan. Dati kasi 'di talaga siya pinapansin ng anak ko. Pero ng tumagal-tagal na, okay na.
"Eric, hintayin mo kami okay? Uuwi na 'ko." I said.
"Yes, mama."
"Okay, bye. I love you!"
"I love you too po!" Binaba ko na ang tawag.
Sumandal ako sa headrest at pinikit ang mga mata ko.
"Are you tired?" Tanong sa'kin ni Marco.
I simply nodded.
"Yeah..."
"Rest for a while. Gigisingin na lang kita kapag nasa inyo na tayo."
Nginitian ko lamang siya.
👔👗
"Elisa, we're here." Gising sa'kin ni Marco.
Nag-unat muna 'ko bago umayos ng upo. Ilang minuto din akong nakatulog sa byahe.
"Thanks, Marco."
"How's your sleep?"
"To be honest, inaantok pa 'ko." Napatawa kami pareho.
"Sorry, dapat pala 'di na muna kita niyaya." Umiling ako agad.
"No Marco! It's alright. Tsaka nag-enjoy naman ako eh."
He stopped.
"You enjoyed it?"
"Oo."
Ngumiti siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
Ficção GeralA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...