Chapter 10

50.5K 1.3K 102
                                    

ELISA

"You surprised me, Marco. Dapat nag-chat ka man lang sa'kin!" I said to him.

Lumabas muna kami saglit para kumain. Libre niya daw kaya game na game ako. Dapat lang 'no! Ginulat niya kaya ako sa pag-uwi niya.

"Elisa, kaya nga surprise." Sagot niya.

I rolled my eyes.

"Oo na. Kailan ang balik mo? Paano ang mga estudyante mo?"

He leaned on his seat.

"May nag-sub muna sa'kin. Mga isang buwan lang naman akong mawawala." I nod.

"Ah, okay."

"Why? Pinapa-uwi mo na ba 'ko agad?"

"Of course not!" I took a sip of my drink.

"So kamusta naman kayo dito? Nagkita na ba kayo ni Saavedra?" Napatingin ako sa kanya sabay taas ng kilay ko.

I suddenly lost my appetite.

"Saavedra? Sino 'yon?" Natawa siya.

Natawa din tuloy ako.

"Halatang bitter na bitter ka ah."

"H—Hindi 'no. Bakit mo natanong ang lalaking 'yon?"

"Wala lang."

"Bakit nga?"

"I just want to know." I crossed my arms.

"Yeah, nagkita na kami."

"Nagkita lang?" I looked at him.

"N—Nag-usap na din. Nasayang nga lang oras ko sa kanya." He laughed.

"Why?"

"Marco, pwede bang 'wag muna natin siyang pag-usapan? Baka 'di ko maubos 'tong kinakain ko." Natawa siya.

"Oh, sure. Kumain ka na. I'll watch you. Then after, gala tayo."

"Gala? Saan naman? Baka naman may jet lag ka pa." He shook his head.

"Are you sure?" He nodded

"Alright."

👔👗

We're here at the supermarket. Nagpasama siya sa'kin para bumili ng mga pang-stock sa condo niya.

"Marunong ka bang mag-luto?" Tanong ko habang nag-iikot kami.

Napansin ko kasi na puro de-lata ang binili niya. Pati mga instant noodles.

"Y—yeah."

"Eh bakit puro ganito?" Napatingin naman siya sa mga pinag-kukuha niya.

"Okay fine. Itlog lang ang kaya kong lutuin." Muntik na 'kong matawa.

"Itlog lang? How about bacon? Fried rice? Sausage?"

"Marunong!"

"Oh, okay." Sagot ko.

Ako ang nagtutulak ng cart habang siya ang kumukuha ng mga kailangan niya. Napapa-iling na nga lang ako every time na kung ano-ano lang ang nilalagay niya sa cart. Except sa mga beers, normal lang naman sa lalaki ang mag-inom.

"Let's go. Okay na 'to."

Pinagmasdan ko lahat ng mga kinuha niya.

Ang sakit sa mata!

"No Marco. Wait." Itinulak ko ang cart.

"Hey Elisa, where are you going?" Tanong niya habang sumusunod siya sa'kin.

We stopped at the meat section and I get some packaged of beef, pork, and chicken.

"I already told you, Elisa. I can't cook—"

"Tsk, I'll teach you." Nilagay ko na sa cart ang mga kinuha ko.

I face him.

"It's my turn."

Ako naman ang magtuturo sa kanya. Tuturuan ko siyang mag-luto. Kahit 'yong mga simpleng lutuin lang.

"Wow, thanks." Sagot niya.

Parang 'di siya excited!

"Para naman hindi puro de-lata ang kinakain mo! Baka magka-sakit ka niyan. My goodness, Marco!" Napa-kamot siya sa ulo.

Ano ba 'tong ginagawa ko. Para akong nanay niya na kanina pa sermon ng sermon.

"Yes ma'am."

"Ewan ko sa'yo."

"Let's go—"

"SO, THE STUPID GIRL IS HERE. IT'S NICE TO SEE YOU AGAIN, ELISA." I rolled my eyes when I've heard that voice again.

Hinarap ko siya

"Hi, Leslie." Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Don't tell me pati dito ay mag-eeskandalo siya?

Tumingin siya kay Marco.

"Your boyfriend?" May pang-aasar sa tono ng boses niya.

"Why?" I asked.

"Oh, nothing." Ngumiti siya sa'ming dalawa.

"How sweet... Pati supermarket 'di pinalagpas. Tsk." Sabi niya.

Parang automatic na kumulo ang dugo ko.

"Just what do you mean by that?" Tanong ko sa kanya.

"Elisa." Hinawakan ako ni Marco sa braso.

"Hindi mo ba gets?" Sagot ni Leslie sa'kin.

"Hindi eh. Paki-explain."

Inayos ko ang mga pinamili namin sabay tingin ko sa kanya.

I smile at her. Hinintay ko na magsalita siya pero masama lang ang titig niya sa'kin.

"Hindi ko na kailangan i-explain sa'yo. Tanga ka pa din ba hanggang ngayon at hindi mo maintindihan?" Aniya.

Napatawa tuloy ako. Wala talaga siyang masabi na hindi sinasayang ang oras ko.

"Oh, sorry." Sagot ko sa kanya.

"Ako ba iniinsulto mo?" Tanong niya bigla.

Seriously? Ano bang hanap ng babaeng 'to? My god!

"Why? You felt insulted by my simple words?" She stopped. "You know what... Are you bored?"

"What? At bakit?"

I smiled.

"Pansin ko kasi, wala kang magawa sa buhay mo. Ang hilig mong umeksena lagi. Tapos mag-eeskandalo ka. Like what you did last time." Lumapit ako sa kanya.

"I don't have time for you Leslie. Alam mo ba 'yon? And will you please mind your own business?" I said.

Masama pa din ang mga titig na ibinibigay niya sa'kin.

I stepped closer.

"But if you want to have a discussion with me," I smiled." Ask my ass first, if I have time for you."

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon