Chapter 9

53.4K 1.5K 91
                                    

ELISA

"Good morning ma'am Elisa!" Bati sa'kin pagkapasok ko pa lamang sa kumpanya. Naisipan konv bumisita muna kay dad dahil wala akong ginagawa sa bahay. Napirmahan ko na lahat ng proposal nila except lang sa mga Saavedra. Ininis ako ni Leslie eh. Magdusa silang dalawa. Si Eric naman ay panay lang ang tulog o kaya naman ay busy sa mga video games. Nagseselos na nga 'ko. Hays, iba talaga kapag nagbibinata na. But he's just 7! Ang aga naman yata!

Dumiretso agad ako sa opisina ni dad at kumatok muna.

"Come in!" I smiled bago ako pumasok.

"Good morning dad!"

"Oh, good morning! Why are you early? Hindi ka ba busy?" Tanong niya habang may hawak siyang papel at ball pen. Seryoso siya sa ginagawa niya.

Umupo ako sa sofa.

"Wala akong magawa sa bahay. By the way, nag-breakfast ka na po ba?" He looked at me.

Ngumiti siya sa'kin.

"I'm done. How about you darling?"

"Tapos na din dad."

"Where's Eric? Bakit 'di mo siya sinama?"

"Dad, he's busy with his video games!" Natawa naman siya.

"It's normal. Ganyan din naman ako dati."

"May video games na dati pa?"

He nodded.

"Seriously?"

"Iba ang sa'min noon. Mahirap i-explain." Sabi niya.

Natawa naman ako tsaka tumayo at lumapit sa kanya. Tambak kasi ang papel sa mesa niya. Magulo, kaya nakakahilo tingnan. Ito ang pinagka-iba naming dalawa, he's messy, and I'm well-organized pagdating sa mga ganito.

"Do you want me to help you?" I asked.

"No, it's alright. Kaya ko na."

"Are you sure dad? Wala naman akong gagawin—"

"I can do this darling, wala ka bang bilib sa'kin?" Biro niya.

Napanguso ako tsaka sumandal sa balikat niya.

"Thank you, dad. Sa pang-aasar mo sa'kin lagi." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"I love you, darling." He said.

Niyakap ko siya habang may ngiti sa mga labi ko. Minsan lang ako manlambing sa kanya dahil busy siya kagaya ko. Sobra talaga akong thankful dahil may ama ako na tulad niya. Buong buhay ko, sabik ako sa pagmamahao ng isang ama. Kaya ganito ako ka-sweet sa kanya.

"I love you too."

"You know what, ang akala ko hindi na 'ko muling sasaya pa. But you're here, your mom, and my apo. I feel complete. Salamat talaga kay Martha dahil dinala niya kayo sa'kin. Akala ko, mamamatay na lang ako ng hindi man lang kayo nasisilayan."

"Dad..." Tumingin ako sa kanya.

Hinubad niya ang salamin niya at tumigil saglit sa ginagawa niya.

"Hindi ba nagtatanong ang apo ko tungkol sa ama niya?" I sighed.

"Okay lang sa'kin kung makipag-kita siya sa ama niya. May karapatan pa din naman ang dati mong asawa. Pero sa'yo, wala na." He said.

"Wala naman na talaga dad. We're annulled, remember?"

"I know. Pero mag-iingat ka." Naguguluhan na tiningnan ko siya.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon