Chapter 48

18.2K 406 7
                                    

ELISA

"How about you? Kailan ka babalik sa'kin?"

Paulit-ulit na bumabalik sa'kin ang tanong ni Dominic kanina. Kung gaano siya ka-desperado na malaman ang sagot ko. Katulad ni Marco, kitang-kita ko sa mga mata niya na umaasa siya. Na babalik ako. Nilingon ko si Marco nung time na 'yon. Titig na titig ako sa kanya.

"Sorry."

'Yon lang ang tangi kong nasabi sa kanya bago ko sila iwan. My 'sorry' is for all the things that I've done to him. For all the broken promises I made. And I'm sorry too, for what Dominic did to him.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dala dala ko ang sasakyan ko at kanina pa 'ko ikot ng ikot. Kanina pa din ako iyak ng iyak. I don't know what to do. Nahihiya ako ng sobra kay Marco. Wala na 'kong maihaharap sa kanya.

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid at tsaka bumaba para magpahangin.

Noong nakilala ko si Dominic, sobrang saya 'ko. Sabi ko pa nga noon, siya ang superhero ko dahil iniligtas niya 'ko sa mabibigat na kamay noon ni mama. Pero ang superhero ko, siya din pala ang makakasakit sa'kin.

Si Marco. Siya ang nagturo sa'kin sa lahat ng bagay at kung paano lumaban sa buhay. Na hindi dapat inaapi ang mga katulad kong walang alam. Na may kuwenta akong tao. Na may halaga ako. Kung tutuusin, mas malaki ang naitulong sa'kin ni Marco. Mas maganda ang mga nagawa niya kaysa kay Dominic. Pero bakit ganoon? Ni minsan, hindi ko naramdaman kay Marco ang mga naramdaman ko noon sa dati kong asawa.

Bakit?

"I'm very sorry Marco..." Bulong ko.

Matapos ang ilang minutong pagpapa-hangin ko, naisipan kong dumiretso sa school. Tinext ko ang driver na sumusundo kay Eric at sinabi ko na ako na ang susunod sa anak ko.

Pagka-park ko ng sasakyan sa harap ng school ay lumabas agad ako para hintayin si Eric. Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa iba pang mga bata habang palabas sila ng school. And when I saw my son, hindi ko alam kung ngi-ngiti ba ako o hindi dahil sa nangyari kanina. Nasasaktan ako para sa anak ko.

"Mama!" Tumakbo agad siya pagkakita niya sa'kin.

"Hi!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Look mama!" May kinuha siya sa bag niya at inabot sa'kin ang isang certificate. "Top 1 again!" Proud na sabi niya,

Nginitian ko siya sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"Congratulations baby. I'm so lucky to have you." I said.

Humiwalay siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko.

"Mama bakit malungkot ka?" Tanong niya bigla sa'kin.

Patay.

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Me? No! Hindi ako malungkot. I'm happy, okay? Kasi, you did a great job again!" Sabi ko pa para mas convincing.

Pero dahil matalino nga ang anak ko, hindi siya naniwala sa'kin. Siningkitan niya 'ko ng mata. Natawa ako sa kanya.

"Why?"

"You're good at lying mama."

"Hmmm?"

"You're not okay."

"I'm... okay. I'm just tired."

"Then we should go home now mama. Para makatulog ka po."

"No, I'm fine. Saan mo gusto pumunta?"

"Hindi po tayo uuwi mama?"

Tumayo ako at kinuha ang bag niya.

"H—Hindi muna... I will treat you. What do you want?"

"Yehey! I want pizza mama!"

"Okay, noted!" Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan.

"Mama, how about dad? Is he not coming with us?"

"Put your seatbelt, Eric." Hindi ko pinansin ang tanong niya.

"Okay."

I'm sorry, baby.

"Done?" Tanong ko.

"Yes."

"Okay, let's go." Pinaandar ko na ang sasakyan.

"Mama."

"Hmmm?"

"Si daddy?"

Hindi ako umimik.

"Mama—"

"He's busy."

"Okay..." Humarap siya sa may bintana.

I saw the sadness in his eyes and I felt guilty about it.

Bigla siyang humarap sa'kin.

"Gusto ko po mama, malaman niya na top 1 ako."

I smiled.

"He'll know for sure. Pag-uwi natin, okay?"

"Where's my certificate?"

"It's inside my bag don't worry." I smiled again.

"Okay."

👔👗

Pasado alas-otso na ng maka-uwi kami ni Eric galing sa pamamasyal. Mabuti na lang at sobrang nag-enjoy si Eric sa mga pinuntahan namin kaya hindi na siya nangulit pa about sa daddy niya.

Nilingon ko ang anak ko na nakatulog na sa tabi ko dahil sa pagod. Takbo dito, takbo doon ang ginawa niya buong maghapon. Lahat ng nakikita niya gusto niya puntahan.

Inalis ko ang seatbelt niya bago ako bumaba para buhatin siya.

Sinalubong kami ni Evan. Kukuhanin niya sana si Eric sa mga bisig ko pero pinabitbit ko na lang sa kanya ang mga dala namin.

Dali-dali kong pinindot ang passcode dahil medyo nabibigatan na 'ko. Ng makapasok na kami, wala kaming naabutan na kahit sino.

"Sir Dominic left awhile ago." Sabi sakin ni Evan ng mapansin niyang may hinahanap ako.

Hinarap ko siya.

"Did he tell you where is he going?"

"No, ma'am."

"Oh, okay. You can leave us now, Evan. Thank you."

Pagka-alis ni Evan ay inakyat ko na si Eric sa kuwarto niya.

"Daddy..." Banggit nito ng mailapag ko na siya sa kama niya.

"Shhh, daddy's not here, baby." Sabi ko pa.

Kumunot lang ang noo niya at tumalikod sa'kin.

"I'm sorry... Soon we'll be okay. I love you." Sabay halik ko sa anak ko at iniwan na ito.

Pagkasara ko ng pinto ay natigilan ako.

"Let's talk."

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon