Epilogue (Part 1)

17.3K 322 17
                                    

ELISA

"Dominic?!" He put his index finger on his lips. Parang sinasabi niya na huwag akong maingay.

Nasa sahig pa rin ang vase na nabasag ko. Nakatayo lang ako at parang tanga na nakatitig sa kanya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. If this is a dream, ayoko munang magising.

"Shh.... Do you want to wake her up? You could've asked me first before you tried hitting me with a vase." Lalo akong napa-iyak. Why he's scolding me? Hindi niya ba ako yayakapin? This is a dream! Hindi ko na siya makikita pa ulit.

"B–but you're dead already... You'll not get hurt if I had hit you—" Napatigil ako ng mapansin ko ang peklat sa kaliwang noo niya pababa sa kilay niya. Pero kahit ganoon, ang guwapo niya pa rin.

"What? I'm here—" Natigilan siya ng humagulgol ako.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Wala na akong paki-alam kung magising si Elise. This is just a dream. Yumakap ako sa kanya pabalik at inamoy-amoy siya. Ganoon pa rin ang amoy niya.

"I love you! Please, bumalik ka na!" Sabi ko sa kanya. Tahimik lang siya habang nakayakap sakin.

"I love you too, baby... And I missed you. So much." Hinalikan niya ang noo ko. Ramdam na ramdan ko ang init ng labi niya.

What a wonderful dream! Ayoko munang magising!

"Hey, stop crying... I'm here. Hindi na ako mawawala, hmmm? 2 years is enough already." Napatigil ako sa pag-iyak at tumingin sa kanya.

What did he say?

He wiped my tears and kissed me.

"You are not dreaming, my love... I'm alive. I came back." Hinawakan ko ang mukha niya. At pagkatapos, sinampal-sampal ko ang mukha ko at kinurot ang braso ko ng ilang beses.

Napatingin ako kay Dominic ng mapagtanto kong hindi nga ako nananaginip.

He's real! He's alive!

Dinamba ko siya ng yakap. Dalawa na kaming buhat niya.

"Dominic! Oh my god! You're alive! This isn't a dream! Oh my god!" Histerikal na sabi ko.

Para akong bata na nakalambitin sa kanya. He chuckled and put me down.

"Calm down, baby..."

"Anong calm down?!" Yumakap ulit ako sa kanya. "No! Hindi ako kakalma! You're alive! Akala ko... akala ko, wala ka na..." I cried again.

Hinila niya ako papasok sa kuwarto ko at ibinalik niya ulit si Elise sa crib. Hinalikan niya ito sa noo at tsaka siya yumakap ulit sakin.

"God, I missed you." He said.

"And I missed you more. Please, tell me what happened." Bumitaw siya sakin. Binuhat niya ako at inilapag sa kama.

Hinalikan niya 'ko sa noo, mata, ilong at sa labi. Napapikit ako at humalik sa kanya pabalik. Pababa na sana ang labi niya sa leeg ko ng maaalala kong hindi pa siya nagku-kwento sakin. Pinutol ko ang halik.

"Just please, Dominic. Tell me first. Before we continue this." I kissed his lips.

"Alright. But please, don't be mad at me." I hugged him.

"I won't. I promise."

"2 years ago, I saw her here in Geneva. I was with Alex that time." I looked at him.

"Yeah. Alex told me that already." Siya naman ang napatingin sakin.

"Really? Am I supposed to continue that part?"

"Just tell me the accident." Even though I had already heard Leslie's side, I wanted to know his side too. If I find out now that Leslie lied to me, I will definitely put her in prison.

"The day after I sent our son to his school, I saw her for the 2nd time. Naroon siya sa school ng anak natin. I got frightened because she might do something. Hindi ako agad umalis at hinintay kong mawala lahat ng estudyante bago ko siya lapitan. I know, that she's waiting too. Ng makalapit ako sa kanya ay kinaladkad ko siya papasok sa loob ng sasakyan para maka-usap siya. She believed that I'll come back to her. But before she assume, inunahan ko na siya. Sinabi ko sa kanya na tigilan na niya ako pati ikaw. Hindi siya pumayag. Sinimulan kong paandarin ang sasakyan. Ilang minuto kaming nagtatalo sa loob ng sasakyan. Pilit niya akong sinasama pabalik sa Pilipinas. She's really desperate at that time. Sa sobrang galit ko sa kanya at para matahimik na siya, sinabi kong dadalhin ko siya sa'yo para humingi siya ng tawad sa mga ginawa niya. But I pushed her button. Nakipag-agawan siya sakin sa manibela para hindi matuloy ang gusto kong mangyari. She got hysterical inside my car. Hanggang sa may dumaang malaking truck at nahagip ang sasakyan. Umikot-ikot muna kami bago kami nahulog sa may bangin. Kalahati ng sasakyan ang nakatapak sa bangin at konti na lamang ay babagsak na iyon ng tuluyan. Sa sobrang lakas ng pagbagsak, hindi ako nakagalaw. Namanhid ako. Ramdam kong may dugo na sa mukha ko dahil sa sugat na tinamo ko sa noo pababa sa kilay ko. Nanlabo na ang mata ko at nakita kong basag na basag ang windshield ng sasakyan. Hindi ko na namalayan kung anong nangyari kay Leslie. Kahit sobrang sakit na ng katawan ko, pinilit kong makalabas ng sasakyan. I got the chance but it's too late. Biglang sumabog ang sasakyan at sa sobrang lakas ng impact, bumagsak ako sa tubig. And I lost my consciousness under the water. I just woke up somewhere else. In an unfamiliar house. I was embraced by a small family. Fankhauser's. They took care of me." I took his hand and kissed it. I'm very grateful to that family.

"But why didn't you come back right away?"

"I tried to. But I decided not to go back yet. It took me 2 months before I get healed. I worked in a restaurant in Chene-bougeries, Switzerland. That's also my way of recovering and to pay back what they have done to me. I altered my name after I saw in the news what happened to me. I knew you would think that I'm already dead. I worked and lived with Fankhauser's for 2 years. Occasionally, I go to Eric's school just to see him. He can't recognize me because I'm fully disguised. Until one day, I saw you pregnant. I was surprised. But I didn't judge you because I know, that it's mine. But I'm still not yet ready to see you. I am ashamed because of my scar. I feel like you will be afraid of me when you see me— "

"No, no! That's not true! That would not happen. My god Dominic, ng dahil lang diyan sa peklat mo kaya ka hindi agad nakabalik?"

"Well, kinda. But I want to be a more responsible and complete person before I return. Natagalan nga lang. I'm sorry, baby... You're not mad at me, right?"

"Gusto ko, dahil sobra akong nangulila sayo. Pero pagod na ako eh. Sayang lang kasi, wala ka noong ipinanganak ko si Elise."

"I was there." Napabitaw ako sa kanya.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon