Chapter 27

32K 740 55
                                    

ELISA

This week is hell. Tambak ang gawain ko sa opisina dahil sa susunod na linggo na ang alis namin ni Eric kaya kailangan ko ng matapos ito lahat. At baka kasabay na namin si Marco sa pag-uwi. Hindi pa nga lang ako sigurado kung makakasama nga talaga siya. Hindi pa kami nakakapag-usap. The last conversation we had was when I visited his condo unit. And it was shocking that he never appeared again. Is he busy? Or nauna na siya? Bakit hindi niya sinabi kung ganoon nga?

"Darling..." Napatuwid ako ng upo ng biglang dumating si Dad.

Nginitian ko siya.

"Hi, dad."

Dumiretso siya sa mahabang sofa dito sa'king opisina at umupo. Prente itong sumandal at pinagmasdan ako.

"How are you? You're very busy here. Have you eaten?" He asked.

"Mamaya pa po ako kakain. Tatapusin ko lang po 'to."

"Anak, huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. May bukas pa naman..."

Ngiti lang ang sagot ko sa kanya sabay inom ko sa wine ko.

"Oh, kaya pala!"

"Huh?"

"May wine ka pala diyan. Pahingi naman."

Napatawa ako ng bahagya bago ko siya ipagsalin ng para sa kanya.

"Here," Tumayo siya at kinuha sa'kin ang wine.

"Thanks."

He returned to his seat. I stopped what I was doing so I could talk with him.

"Days from now, you're going back to Switzerland."

"Yes, dad."

"Are you sure, you're going back there?" He asked.

Hindi ako nag-dalawang isip at sinagot ko agad siya.

"Sigurado na 'ko dad. At may pasok pa si Eric. Isang buwan na siyang absent. Baka bumagsak ang anak ko kapag hindi kami agad nakabalik." My bizarre because I know that my son can afford to catch up because he is smart.

"Matalino ang apo ko Elisa. Kayang-kaya 'yon ng anak mo."

I sighed.

"Alam ko dad. Pero marami pa 'kong naiwan doon. Babalik naman po kami."

"Kailan?"

"Hindi po ako sigurado kung kailan ulit."

Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Dad, huwag ka ng malungkot okay? Nakakapag-usap pa naman tayo nina mama diba?"

"I know. Pero iba pa rin kapag nakakasama ko kayo ng apo ko." Malungkot na sabi niya.

"Dad..."

"I'm sorry kung abala ako lagi. Hindi ko na kayo nakasama pa ng matagal. At hayan, aalis na ulit kayo."

I just smiled at my father's drama. Ganito siya lagi kapag aalis kami.

"Okay fine, pagkatapos nito ay lalabas tayo nina mama."

His face shone from what I said. Ngayon lang kami ulit makakalabas ng kumpleto kami kaya sigurado akong magiging masaya siya.

"Alright! Anong oras?"

"Around 7. Okay lang po ba? May meetings ka pa po ba?"

Umiling siya.

"Wala na. Hintayin na lang kita na matapos. Tayo na lang ang susundo sa mama mo, at sa apo ko."

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon