ELISA
"Thank you, Elisa. Nag-enjoy ako." Sabi ni Marco.
"You're welcome."
"Sorry, naubos ko 'yung lasagna. Sayang, magpapa-uwi sana ako sa'yo para kay Eric." Sabi niya.
"Okay lang 'no. Tsaka, hindi mahilig sa Eric sa spinach." Napatawa siya.
"Oo nga pala."
Inaayos ko na ang gamit ko dahil pa-uwi na din ako. Tumawag na kasi si Eric at hinahanap na 'ko kanina pa.
Sinilip ko ang relo ko.
7 pm na pala.
"Marco, I need to go." Paalam ko.
"Ihahatid na kita—"
"No, it's okay. Kahit 'wag na. Nandiyan lang naman ang kotse ko."
"No Elisa. Ihahatid na kita kahit sa lobby lang."
Hindi na 'ko nakatanggi pa at sabay kaming bumaba. Siya din ang may dala ng bag ko kaya hindi maiwasan na pagtinginan kami.
Hays, mga tao nga naman.
"Dito na lang Marco. Salamat." Inabot niya sa'kin ang bag ko.
"Are you sure ayaw mong magpahatid?" Paninigurado niya.
"Yes! Ano ka ba, kaya ko na ang sarili ko. Sanay na sanay na 'ko." Sabi ko pa.
Napakamot siya sa batok niya kaya napatawa ako.Kapag kasi gusto ko, wala na siyang magagawa.
"Alright. Mag-ingat ka. I-chat mo na lang ako kapag naka-uwi ka na."
I nodded.
"Sure."
"Bye, Marco—"
Nagulat ako ng halikan niya 'ko sa pisngi.
"Keep safe, honey."
Hindi ko na lang pinansin ang ginawa niya. Sanay naman na 'ko sa mga banat niya.
"T—thanks... M—Mauna na 'ko." Ngumiti na lamang ako sa kanya at pumasok na sa sasakyan ko.
Kumaway pa siya sa'kin bago ako umalis.
👔👗
"Mama, pauwi ka na po ba?"
"Yes, baby. Pauwi na 'ko. Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
Bumabyahe na 'ko pauwi ng tumawag si Eric sa'kin.
"Yes, mama."
"Good. Si lolo at lola mo nasaan?" Tanong ko.
I just focus on the road while waiting for a go signal. Sobrang traffic.
"They are watching."
"Eh ikaw, anong ginagawa mo?"
"Nasa kuwarto po ako mama."
"Okay, good."
"Bye, mama!"
"Bye baby. I love you—"
Napatingin ako sa cellphone ko. Tsk, pasaway! Binabaan agad ako.
Maya-maya pa ay umusad na din ang traffic. My god! Baka mamaya pa 'ko maka-uwi.
I just dug out a deep breath to calm myself. Hanggang sa naisipan ko na iliko ang sasakyan at pumunta sa isang sikat na fast-food chain at mag-drive thru para may pasalubong ako kay Eric. Pagkatapos ay bumyahe na ulit ako. Nag-iba ako ng ruta para mas mapabilis ang pag-uwi ko. Pagod na pagod din kasi ako at gusto ko ng makapag-pahinga.
Nakakapagod magturo! But anyway, nag-enjoy naman ako kahit papaano. Malaki rin naman ang natulong sa'kin ni Marco. Give and take.
I just kept on driving when suddenly,
Oh, so stupid Elisa!
Naubos ang gas!
Unfortunately, there are no vehicles passing by. Hindi ako makaka-istorbo.
I went out of the car and called my dad.Pero naka-off ang phone niya. At lahat sila sa bahay, ganon!
Ang malas ko naman!
"Argh!" I kicked my car's wheel because of annoyance.
Sinilip ko ulit ang cellphone ko.
"Oh my god, no, no!" My cellphone suddenly turned off. I'm so frustrated and annoyed. Naiwan ko pa ang power bank sa opisina ko.
No choice! Mag-hihintay ako na may dumaan na sasakyan para humingi ng tulong. Ang kaso, puro truck naman ang dumadaan at pati driver ay tinatawag pa 'ko. Argh!
Pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan at napasubsob sa manibela.
Ang malas ko ngayong araw!
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon ng may magbukas ng pinto ng sasakyan ko.
Hindi ako agad nakakakilos.
Ang tanga mo talaga! Bakit 'di mo ni-lock?! Baka masamang tao—
"Go down Elisa. Sa akin ka na sumabay." Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya.
Anong ginagawa niya dito?
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko kaya nagsalubong ang tingin namin.
"What are you doing here?" Tanong ko.
I look at him. He's wearing a white polo shirt. I also smell strong perfume.
"Done staring?" Napa-atras ako ng bahagya dahil sa paglapit niya.
"A—ano ba, umalis ka nga!"
He just smirked.
Lumayo siya sa'kin at nameywang sa harapan ko.
"Bumaba ka na. Ako na ang maghahatid sa'yo."
"No, need. I CAN manage—"
"Huwag ng matigas ang ulo mo Elisa. Alam mo bang ilang oras akong naghintay sa'yo sa labas habang kasama mo ang lalaking 'yon?" Napatingin ako sa kanya.
Paano niya nalaman?
"And when did you become a stalker, Saavedra?" Tanong ko sa kanya.
"After you left me."
Napatawa na lang ako.
"Come on, I'll send you home. Ako na lang ang magpapakuha ng sasakyan mo dito—"
"Leave."
"Elisa—"
"Kaya ko, kaya iwan mo na 'ko dito—Ano ba?!" Bigla niya 'kong hinila palabas kaya nagpumiglas ako.
"I have no time for this Elisa. Sumama ka na lang sa'kin. Pasalamat ka pa nga at sinundan kita."
"Oh, thank you! Makaka-alis ka na!"
Sabay talikod ko pabalik sa loob ng sasakyan pero nahila niya agad ako at niyakap ng sobrang higpit.
"Nasasaktan ako Elisa... Nasasaktan ako kapag ginaganito mo 'ko."
Nagpumiglas pa din ako pero masyado siyang malakas kaya hindi ako makawala.
"Let me go—"
"No Elisa. Kahit ngayon lang pagbigyan mo 'ko. Please baby. Please..."
Last update for now. May pasok na ulit bukas HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Thank you for reading!
-BSL
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...