ELISA
"Mama..."
"Umakyat ka na sa taas Eric. Matulog ka na."
"Mama, are you mad at me?"
Napatingin ako sa anak ko. Kauuwi lang namin. Nagpa-gabi na kami ng uwi para sumabay kay dad.
I moved toward my son. I remembered I yelled at him earlier. I was mad and annoyed by what Dominic did.
"No baby, hindi ako galit sa'yo. Okay?"
"Pero sinigawan mo po ako—"
"Sorry baby. Nabigla lang si mommy kaya kita nasigawan. Hindi ko naman sinasadya."
"I'm sorry mama..." Yumakap siya sa'kin.
"Dahil po sa'kin kaya kayo nag-away ni daddy—"
"No, don't say that. It's not your fault. Huh, baby? It's not your fault." Pag-ulit ko pa.
"Sorry, mama..."
"Hey, okay na. Hindi na ulit kami mag-aaway."
Because I will never talk to him anymore.
"Dapat po pala mama, 'di ka lang po sumama sa'min. Para 'di po kayo nag-away."
Napatingin ako kay dad na tahimik lang na nakikinig sa amin. I know, ako naman ang sesermonan niya mamaya.
"Okay lang baby. Don't worry, m—makakasama mo pa naman ulit ang daddy mo. Kaso anak, hindi na 'ko samama ha?"
He nodded.
"It's alright mama. I understand po."
I smiled.
I'm sorry.
"Oh, nandyan na pala kayo!" Biglang sulpot ni mama.
"Hi, honey." Lumapit naman sa kanya si dad at humalik pa sa pisngi niya.
Namula naman agad siya dahil sa ginawa ni dad sa kanya. Ang sweet nila sa totoo lang. Despite their age, hindi nawawala ang sweetness. Well, I believe, wala naman 'yon sa edad. It's about genuineness.
"Hmp! Akin na 'tong necktie mo, aalisin ko na!" Napatawa naman si dad habang inaalis ni mama ang necktie niya.
"I love seeing you while you're doing this." Sabi niya.
Napatigil naman ako sa pag-aayos ng necktie niya.
"M—matagal ko ng gustong gawin sayo 'to. Kaso, sinusungitan mo ko lagi." Sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"I'm sorry." Sabi niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pag-ayos ko sa necktie niya.
"Ayos na." Sabi ko.
Hinapit niya ang bewang ko tyaka ako hinalikan ng mariin sa labi.
"Anak, okay ka lang ba?" Napakurap ako ng tawagin ako ni mama.
"Huh?"
"Mukhang pagod na pagod ka. Gusto nyo na bang magpahinga? Oo nga pala, kamusta ang pagkikita ng mag-ama kanina?" Tanong niya.
Nilingon ko naman si dad.
"Honey, bukas mo na lang tanungin ang anak natin."
"Bakit? May nangyari ba?" Clueless na na tanong ni mama.
"I'm sorry, mama. M-magpapahinga na po kami. Good night." Humalik ako sa pisngi nilang dalawa.
"Eric let's go."
"Goodnight lolo, lola!" My son hugged them before we go upstairs.
I'm not yet in the mood to tell her what happened earlier.
Wala namang kasing magandang nangyari.
👔👗
The next day, I went straight to my office. I am now going to select which I will include on the designs that I'll launch in the next few months.
"Good morning ma'am, here are the designs."
"Just put it down, Lally. Thanks." Nginitian ko siya bago siya lumabas ng opisina ko.
Tinapos ko muna ang ginagawa ko.
After that, I checked the designs the has been submitted to me. Naka-folder ang mga ito.
The first one was just as impressive as the other designs and ideas that have been passed to me.
I continued to look at it, but I only preferred three.
Tiningnan ko pa ang iba pero hindi ko talaga nagustuhan. Hanggang sa isang folder na lang ang natira.
Automatic na napataas agad ang kilay ko.
El Lisa
Obvious na obvious na sa Saavedra ito. Pangalan palang, alam ko ng galing sa akin.
Hindi ko naman sinasabi na pangit ang pangalan na napili nila. Pero, hindi ako madadaan sa mga ganito.
I begin scanning their folder.
They first introduced their long introduction.
Hindi ko na 'yon binasa pa. Aksaya lang sa oras. Hindi ko naman kailangan ng introduction or kahit ano pang ka-echosan. Designs ang hanap ko. Doon ako tumitingin.
I review their designs.
Not bad.
Unang tingin ko pa lang, alam ko ng maganda na ang kalalabasan nito kapag nagawa na. Well, nakalagay din sa ibaba ang mga fabric na gagamitin at kung ano-ano pa.
Napataas ang kilay ko.
Talagang pinaghandaan huh.
I flipped the next page.
Lalong napataas ang kilay ko ng makita kong si Leslie ang model nila.
Napatawa na lang ako ng bahagya.
Talagang pabida ang babaeng 'to
I don't know, but the dress she wears does not suit her. The sight of everything I see, now suddenly became ugly because of her.
In fact, this is not the line of Saavedra. So I was really surprised when my dad told me that they intend to partner with me next year.
I pressed the intercom beside me.
"Lally, can you come back here?"
"Sure ma'am! Wait lang po."
"Okay."
I leaned on my swivel chair until I heard a knock.
"Ma'am?"
"Come in!" She entered.
I took the folders and gave it to her.
"Ano pong gagawin dito ma'am?"
"Gusto kong tawagan mo ang representative ng mga yan. Paki-balik sa kanila. Tell them that I'll give them a week to submit more designs. Otherwise, hindi ko na sila pagbibigyan."
"Yes ma'am."
"Salamat. Pwede ka ng umalis—oh, wait," Pigil ko sa kanya.
"Ano po 'yon ma'am?"
"I want to speak to the representative of El Lisa."
"Sige po ma'am."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...