ELISA
"I'm so sorry Eric. Please, pansinin mo na si mama." I leaned over to my son.
Pagka-uwi namin kanina, hindi niya 'ko pinansin. Alam ko na galit talaga siya sa'kin dahil iniwan ko siya kanina. Natakot lang naman ako sa posibleng mangyari.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin.
Nakatingin lang siya sa gilid at hindi sa'kin. Sa totoo lang, ito ang unang beses na nagalit siya sa'kin. Medyo iba na ngayon dahil lubos na nakakaintindi na siya at medyo nagbibinata na. Kahit ilang taon pa lamang siya, matalino na si Eric.
"I'm sorry okay? 'Wag ka ng magtampo kay mama. Ginawa ko lang naman 'yon para sa'yo."
"Baby—"
"Ano pong dahilan mama?" Natigilan ako sa tanong niya.
Mas lalo pa 'kong hindi naka-imik ng mapagmasdan ko ang anak ko. He really looks like his father. Parang small version niya ang kaharap ko ngayon.
Umayos ako ng upo at hinaplos ang mukha niya.
"I will tell you soon baby. 'Wag ka ng magtampo kay mama okay?"
"Hindi naman po ako galit eh mama. Nagtampo lang po ako." Sabay yuko.
"I'm sorry." Umalis ako sa tabi niya at lumuhod sa harapan niya.
"Bukas na bukas, sasama ka na sa'kin. Makikita mo na ang daddy mo." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Biglang sumaya ang itsura ng anak ko dahil sa sinabi ko. Doon ko nakita na talagang sabik na sabik na siya na makita ang daddy niya. At hindi ko na ipagdadamot 'yon kanya. Matagal siyang nangulila sa daddy niya, kaya sino ba naman ako para ipagkait 'yon sa anak ko? Inaamin ko naman na naging makasarili din ako at 'di ko naisip ang mararamdaman ng anak ko. Kaya buo na ang desisyon ko na isama ito bukas.
"Really mama?!"
"Yes, baby."
"Thank you, mama!" Yumakap siya sa'kin.
Ang sarap sa pakiramdam dahil napasaya ko siya. Dapat pala ay matagal ko na itong ginawa.
"Have you eaten? Where's lola?"
"Umalis po sila ni ate Cherry mama. May bibilhin daw po."
"Pero kumain ka na?"
"Opo."
"Halika, samahan mo si mama kumain." We get up and went straight to the dining room.
"Mama, excited na po ako. Na-miss po kaya ako ni daddy?" Tanong nito sa'kin pagka-upo niya.
Napalingon ako.
"O—of course baby, miss ka na niya."
I turned and took my apron and wear it.
"Mama, 'wag mo po akong iiwan ulit ah?" Napatigil ako sa ginagawa ko.
"Hindi na baby."
"Promise?"
"Oo, promise. "
"I love you, mama." Sabay ngiti niya.
"I love you too."
"Elisa! Nandyan ka na pala!"
Napatingin naman ako kay mama na kararating lang kasama si Cherry.
"Hi, ma." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Magluluto ka? Nagluto na ako kanina, 'wag mo ng pagurin ang sarili mo."
"Ma, okay lang."
"Sigurado ka?"
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
Ficción GeneralA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...