ELISA
"Daddy, look, that's our house!" Turo ni Eric ng masilayan na niya ang bahay namin.
"Yeah, I see." Sabi niya habang nakakandong sa kanya si Eric.
Hindi ko na lang pinansin ang dalawa.
"We're here!" Pumalakpak si Eric ng huminto na ang sasakyan sa harap ng mismong bahay.
"Sir, paano po 'to? Sarado ho ang gate eh." Kakamot-kamot sa ulo ang driver sabay tingin sa'kin.
I smiled.
"Bumusina ka ng tatlong beses. My guard will go out." I said.
That's my cue.
Bumusina ang driver at maya-maya pa ay lumabas na si Evan.
Lumapit ito sa sasakyan at kumaway-kaway ng makita ako sa loob. I waved back.
Mabilis din itong bumalik sa loob para buksan ang gate. Dahan-dahan 'yong umangat.
"Ayos ma'am ah." Sabi ng driver.
Napa-ngiti na lang ako.
"Sige na, ipasok mo na 'tong sasakyan." Sabi ko.
Tiningnan ko si Dominic. Hindi ko mabasa ang itsura niya. Nakatingin lang siya sa labas at parang sinusuri ang mga nakikita niya.
"Ayos na ma'am." Sabi ng driver.
Nagka-salubong ang tingin namin ni Dominic. Hindi ako agad naka-iwas.
Damn. Baka kung anong isipin niya!
"Uh, let's go?" Kinuha ko si Eric sa kanya at nauna na kaming bumaba sa sasakyan. Sumunod din siya agad sa'min pati ang driver.
Sinalubong kami ni Evan.
"Bienvenue, madame Elisa! Bonjour, gamin! (Welcome back, ma'am Elisa! Hello, kid!)"
"Hi, Evan!" Bati naman ni Eric at kumaway-kaway pa.
"Merci, Evan. Comment allez-vous ici? (Thank you, Evan. How are you here?)"
"Je suis bonne madame. Comment vont vos vacances aux Philippines? (I'm good ma'am. How's your vacation in the Philippines?)"
"C'est bon Evan. (It's good Evan.)" I smiled and he did the same.
Napatingin ito kay Dominic na nakatingin lang sa kanya kanina pa. As I had seen earlier, he was also assessing Evan.
Why? Because I have a handsome guard?
"Evan, this is Dominic. Dominic, he's Evan. My guard in this house." Pakilala ko.
Nakipag-kamay sa kanya si Evan at tinanggap niya naman. Hindi ko gusto ang mga titig niya. Parang may balak siya na bugbugin si Evan katulad ng ginawa niya kay Marco.
Subukan niya lang ulit. Hindi na talaga siya makaka-lapit sa'min.
"You're the guard? Are you doing your job well?" Napalingon ako sa kanya.
What?!
"Dominic?!"
Nilingon ako ni Evan na nakaka-kunot na ang noo. Oh, maybe he didn't understand what Dominic said. Hindi kasi masyadong nakaka-intindi ng ingles si Evan. And he barely speaks English.
Nginitian ko si Evan.
"Don't mind him." Sabi ko na lang at pinanlakihan ng mata si Dominic.
Narinig ko naman ang pagtawa ng paslit.
"Evan, vous pouvez maintenant retourner au travail. Je t'appellerai plus tard. D'accord? (Evan, you may now back to work. I'll call you later. Okay?)"
"Oui m'dame. (Yes ma'am)."
Pagka-alis ni Evan ay iniwan ko sila. Sumunod silang tatlo sa'kin.
I put my thumb on the scanner. This house built with high security. Hindi biro ang presyo ng bahay na 'to dahil bawat kuwarto ay secured at kailangan ng password bago makapasok. Even the bathroom has it's own password.
MARIA ELISA ESCALANTE.
IDENTIFIED.I smiled as I heard the name. The surname. I missed this.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok na kami sa loob. Agad na sumampa si Eric sa sofa at kinuha ang mga laruan niya na naiwan. Hindi niya na natago sa kuwarto dahil excited siyang umuwi noon.
"Woah, how are you guys!" Kausap niya sa mga laruan.
"Naku ma'am. Mahal siguro ang ganitong bahay. Ang ganda! At high-tech pa!" Manghang-mangha ang driver ni Dominic habang bitbit ang mga bagahe namin.
I just chuckled. Natutuwa ako sa kanya.
"What's your name?"
Inilapag niya muna ang gamit namin.
"Ben, ho."
"Thank you, Ben." I smiled at him. "You can sit here." Turo ko sa sofa.
"Naku ma'am mamaya na ho. Pwede ho bang makahingi ng tubig?"
"Oh sure. Sumunod ka sa'kin—"
"Me too," Nilingon ko si Dominic. "I—I'm thirsty." He added.
"Follow me."
👔👗
Abala ako dito sa kusina. Ipinagluluto ko sila ng Caldereta. Hindi naman porket nandito kami sa Geneva ay puro pasta ang niluluto ko. Madalas ay lutong Pinoy pa din. Mas gusto ko pa din kasi ang pagkain sa Pilipinas. Nakakakain lang ako ng pasta kapag nasa labas.
"You want me to help you?" Bahagya akong napatalon dahil sa gulat ng biglang sumulpot si Dominic sa aking likuran.
God! Muntik na 'kong atakihin sa gulat!
"W—What are you doing here?" I'm trying to calm myself. Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko.
Get a grip, Elisa! Bakit ka nagkakaganyan?!
"I want to help you." Tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.
Maya-maya pa ay kumilos siya at umupo.
And I know...
He's watching me.
"Bakit hindi mo samahan si Eric? Anong gagawin mo dito." Maanghang na sabi ko.
"He's asleep."
"Eh si Ben, nasaan?"
"He's asleep too."
Nilingon ko siya.
"Saan siya natutulog?"
"Sofa."
"Bakit doon? May kuwarto naman—"
"I would like to. Pero lahat ng kuwarto ay may password." Natigilan ako.
Oo nga pala!
"Dapat ay tinawag niyo 'ko."
"I asked our son if he knows the password. Pero password lang ng kuwarto niya ang alam niya."
Yeah. Lahat ng password sa mga kuwarto ay ako lang ang nakaka-alam. I may sound selfish but that's true. Hindi naman sa wala akong tiwala sa anak ko. Pero mas gusto ko na ako lang muna ang may access sa lahat ng kuwarto.
"Yes. Ako lang ang nakaka-alam." Tinalikuran ko siya.
Biglang tumahimik ang paligid.
Ilang saglit pa ay luto na ang caldereta.
"Gisingin mo na sila. Luto na 'to—" Natigilan ako ng may yumakap sa'kin mula sa likod.
"This may be rude but, can they eat later? Coz I want to cherish this moment with you."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...