ELISA
Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa na abala sa mga niluluto nila. Imbes na ako ang magluto, silang dalawa ang nag-presinta. Hindi na 'ko umangal dahil gusto kong matahimik na silang dalawa. At ang akala ko, magtutulungan sila pero ang mga loko, ginawang cooking show dahil panay pabida ang dalawa.
Nilingon ko si Marco na bahagyang inaangat pa ang pan habang nagluluto.
Seriously? Kailangan ba talaga ihagis ang pasta? Kailangan ba talagang maglaban para lang sa Carbonara?
Nakakaloka tong dalawa. Lalong pinapasakit ang ulo ko!
"Flipping the pan, to impress my wife, huh?" Sabi ni Dominic.
"Why Saavedra? Hindi mo kaya?"
"Me?" Umiling na lang si Dominic at tahimik na nagluto. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko maitatanggi na marunong na nga siyang magluto. Parang professional siya kung kumilos compare kay Marco na kung ano ano ang ginagawa. Hindi ko naman masisisi 'yong isa, dahil hindi pa naman talaga siya marunong magluto.
Nilapitan ko si Marco.
"Tulungan na kita. Nahihirapan ka yata eh."
Natawa lang siya sa sinabi ko.
"My pleasure, mon cheri."
Napa-iling na lang ako sa paglalambing niya. Kahit nagtapat siya sa'kin na gusto niya 'ko, na mahal niya 'ko, hindi ko pa din magawang ma-ilang sa kanya. Siguro, dahil nasanay na 'ko sa kung anong meron kami.
Nakita kong nilingon niya si Dominic sabay dikit lalo sa'kin
"Is this okay?" Tanong niya.
Tiningnan ko ang luto niya. Kumuha ako ng tinidor at tumikim.
In fairness, may lasa naman.
"How is it? Matabang ba? Maalat? Yung cream? Tama lang ba?" Tanong niya sa'kin pero pabulong lang.
Natawa ako sa inaakto niya. Halatang ayaw niyang mapahiya sa isa.
"Tama lang naman yung lasa." Sagot ko.
"Okay."
"Sige na, i-prepare mo na 'yan."
Sumunod naman siya sa'kin.
"Elisa." Nilingon ko si Dominic. Katatapos niya lang din magluto.
"Why?"
"Come here." Lumapit naman ako sa kanya.
"Ano?"
"Can you taste this?" Tukoy niya sa carbonara na medyo umuusok-usok pa.
Pinagmasdan ko ang luto niya. Bakit ko pa titikman? Eh ito naman 'yong niluto niya bago kami umalis sa isla. May toasted bread pa ngang kasama.
"Wait here, I'll get a plate—"
"No need. Alam ko naman na kung anong lasa. Nakapag-luto ka na nito diba? May pinagbago ba?"
"I added some twists, try it." I looked at the Carbonara that he cooked.
Twist? Where?
"Wow, mukhang masarap 'yan ah. Patikim nga." Singit bigla ni Marco.
"Back-off." Inilayo ni Dominic ang niluto niya at tinalikuran kami. Tahimik lang namin siyang pinanood habang nilalagay niya sa plato ang Carbonara. He topped it with bacon.
"May bacon ba yung Carbonara? Diba ham lang?" Tanong ni Marco.
"It's up to you if you want to put something on it. Pero nilalagyan naman talaga ng bacon ang Carbonara." Paliwanag ko sa kanya.
"Oh, okay."
"Sige na, kumain ka na Marco." I said.
"Hey, this is for you."
"Hindi pa naman ako gutom. Ikaw na lang muna ang kumain. Doon muna ako sa kuwarto. Bahala na kayong dalawa dito. And please, behave." Paalala ko sa kanya.
"Are you sure you don't want to eat?" Tanong niya ulit.
I shook my head and turned away. Dumiretso ako agad sa kuwarto at humiga sa kama.
Ayoko sana iwan 'yong dalawa. Kaso, mas lalo silang nagkaka-initan kapag magkakasama kaming tatlo. Kaya ako na lang ang nag-adjust dahil ayokong magkasakitan silang dalawa ulit.
Dumapa ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. I want to take a break. Gulong-gulo na naman ang isip ko. Buong akala ko, pagbalik namin dito, magiging normal at tahimik ulit ang buhay naming mag-ina pero hindi na pala. Balik na naman sa dati. At 'yon ang ayoko ng mangyari—napatigil ako bigla ng may naramdaman akong umupo sa kama ko.
"Let's eat." He said.
Tumihaya ako at nagkasalubong ang mga mata namin. He's almost on top of me.
"What are you doing here?" Bahagya ko siyang tinulak. "How did you get in here? Don't you know how to knock? Or sadyang bastos ka talaga—hmp!" He suddenly crashed his lips and kissed me harshly. Nalasahan ko ang Carbonara sa labi niya.
I pushed him off. Bahagya pa siyang hiningal dahil sa paghalik niya sa'kin.
"GET OUT." I hissed.
He just smirked at me.
"I missed you so much."
"How dare you?! Get out! Paano ka nakapasok dito—" I stopped when I realized that I didn't lock my door.
Sinundan niya 'ko ng tingin.
"Sorry if I entered you, without your permission." Bahagya pang bumaba ang tingin niya sa katawan ko.
I know that look!
Lumayo ako sa kanya.
"Where are you staring at?!"
"I'm sorry."
"Bastos!"
"I'm sorry, baby..." Lumapit pa siya sa'kin lalo.
"Diyan ka lang! Don't come near me! Get out!"
Ngumisi muna siya sa'kin bago tumayo. At hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. He pulled the back of my head and kissed me again!
I wasn't able to protest because I am shocked.
"How's my Carbonara, hmmm? Does it taste good?"
I bit my lower lip unconsciously.
"DAMN IT."
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...